III.

4.4K 153 25
                                    

III.

PARA akong lutang kakaisip ng nangyari kagabi. Hindi ko inaasahan na biglang susulpot si Ludwig.

In just one day, he caught me. Ang malala pa nito, ramdam na ramdam ko ang galit niya sa akin. He hates me to death. Hindi lang kitang kita sa mga mata niya, ramdam na ramdam ko rin ang bawat salitang lumabas sa bibig niya.

He will only forgive me if I am sick and dying. That's how heartless he is now. Ibang iba siya sa Ludwig na minahal ko. Masisisi ko ba siya? It was all my fault. I gave him pain that he don't deserve. Kung gaano man kasakit ang nararamdaman ko ngayon, alam kong deserve ko 'to. Deserve na deserve.

Nakatulugan ko nalang ang pag-iyak kagabi. Umalis si Ludwig kagabi at hindi pa siya bumabalik hanggang ngayon. Sinabi naman niya, dito siya sa bahay namin nakatira pero saan kaya 'yon natulog kagabi?

Lumabas ako ng kwarto. Dito ako natulog sa guest room sa first floor. Oo, makapal ang mukha ko para ipagpilitan ang pagtira dito pero hindi naman ako ganoon ka-swapang para matulog sa kwarto namin. I chose to stay and live here at wala namang nagawa si Ludwig. But at least, I respect his privacy. Titira ako sa bahay na 'to but I won't share our master's bedroom with him. May natitira pang hiya sa katawan ko.

Dumiretso ako sa kitchen. Nakakatawa lang na binalewala ko lang ang gutom ko kagabi. Well, mararamdaman ko pa ba 'yon pagkatapos naming mag-clash ni Ludwig? And besides, sanay na akong magutom dahil tulad ng sabi ko, naranasan ko iyon noong nanirahan akong mag-isa sa London.

Ngayon ko mas napansin ang ganda at aliwalas ng bahay na 'to. Kumpleto lahat ng gamit dito sa kusina. I checked the fridge and napailing ako nang makitang puro bote ng alak ang laman niyon. Anong kinakain ni Ludwig?

I reached for cup saka ipinatong iyon sa coffee maker. Ludwig loves coffee. Pinili ko iyong Decad Espresso Roast capsule mula sa mga capsules na nasa tray. Inilagay ko iyon sa coffee maker saka hinintay ang kape ko.

Sumandal ako sa kitchen counter habang iniisip kung ano ang dapat kong gawin today.

Sobrang linis ng buong bahay so hindi ko kailangang maglinis. Siguro ay mag-grocery nalang ako? Hindi naman ako papayag na puro alak pa rin ang laman ng fridge kahit narito ako. I wan to cool for Ludwig. Hay, ang lalaking iyon. Baka puro from fastfood and restaurant ang kinakain niya araw araw.

May rice cooker pero walang bigas. May air fryer, may oven, may toaster, may stove, everything is here. Iluluto nalang ang wala. I wonder how he live his life here.

Kinuha ko ang kape ko saka sumipsip mula sa cup. Refreshing. I made up my mind. I will do grocery shopping today.

🍂

Hindi ko in-expect na ang dami ko palang napamili. Halos kunin ko na yata lahat ng laman ng supermarket.

I opened the door and tinitigan isa isa ang mga box and plastic of groceries. Goodluck sa pagdala nito isa isa hanggang sa kitchen. Ginusto ko 'to.

Kanina nga pala ay tumawag ako Ren para hiramin ang sasakyan niya. Pina-asikaso ko na sa kanya ang requirements sa pagbili ng kotse because that's one of my plans. I instructed her na sa Palermo Cars Incorporation ako bibili. Yes, doon tayo sa angkan ni Ludwig. Ganoon kakapal ang mukha ko. I know every one in his family will be shocked to see me back. I don't even know kung may nakakaalam na kaya sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pagbukas ng gate. Automatic iyong bumubukas. Si Ludwig, narito.

Na estatwa ako sa kinatatayuan ko. Hawak ko pa ang isang box papasok ng bahay. Natuliro ako kung dapat lo bang ituloy ang ginagawa ko o ano.

Casanova's Club #4: Beautiful BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon