XI.
DAHAN DAHAN ako sa paglalakad patungo sa kusina dahil hindi ko pa rin lubos maisip na mangyayari ang ganito.
Ludwig and me? Joining together for breakfast? This is impossible but it's really happening.
"Sit down."
I gulped as I sat on the dining chair. Lord, may nagawa ba akong maganda para i-trato ng maayos ni Ludwig today?
"Uh, Ludwig..."
"Coffee?"
"N-No. Water lang. Thanks." Sagot ko.
Bitbit niya ang coffee niya saka umupo sa dining chair. Magkatapat kami sa hapag at lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.
"Are you sure you don't like coffee?"
"Ah, masyado akong maraming nainom kagabi and hindi pa maganda ang panlasa ko. That's why I want to drink water na lang."
"Yeah. You're so drunk that you will end up sleeping with some fucking guy."
I frowned. "What?"
Pinaglagyan niya ako ng fried rice sa plato ko. This is really freaking happening. Ludwig being this nice to me!
"What, what?" He said.
"With some fucking guy. Who are you talking about?" Tanong ko. E sa pagkakatanda ko siya ang katabi kong matulog kagabi.
Nang malagyan niya ng fried rice ang plato ko ay isinunod niya ang two strips of bacon and sunny side up egg. Ganitong ganito noon sa akin si Ludwig noong mga panahong masaya pa kami.
"Really. You don't remember? What if I didn't fetch you last night? You'll sleep with that bastard."
"Wait. Are you talking about Dave? Don't call him bastard."
Napalitan ng inis ang ekspresyon ng mukha niya. "Really."
"Nasa harap tayo ng hapag kainan, Ludwig. Can we just eat?" I asked. Medyo masakit pa kasi ang ulo ko at para bang wala ako sa mood na makipag argument sa kaniya.
Nagagalit na naman siya kay Dave.
"Eat." Aniya.
I started eating. Ganoon rin siya. How I wish we can be like this forever. Iyong magkasabay na kumakain. Ngayon ko mas napapagtanto na isa lang naman talaga ang pangarap ko, iyon ay ang makasama si Ludwig habambuhay but well, life to me is unfair. Malabong mangyari 'yon.
But on the other side, I need to know kung bakit nag-iba ang treatment niya sa akin. Gusto ko ang nangyayari, of course but I can't let this happen. Ayokong masanay na naman si Ludwig na okay kami. It's not what I wanted. Swerte ko na maranasan ang ganito but I don't want to cross the line. The only purpose that I stayed here and came back is to just be with him in this house. That's all.
Natapos kaming kumain nang hindi nag-uusap. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.
"Can we talk now?"
"H-huh? Ah, yes. Yes."
May pag-uusapan pala talaga kami.
"Wait for me at the living room." Aniya.
I nodded at him. Tumayo na ako habang siya ay inaayos ang dining table. He's really treating me well. Pero hindi pwede 'to. Hindi ko pwedeng hayaang lumambot na naman sa akin si Ludwig.
Ang tanga tanga ko kasi.
Umupo ako sa sofa. Maya maya pa ay kasunod ko na rin si Ludwig.
"A-Anong pag-uusapan natin?"