VII

2.7K 74 31
                                    

VII.

MALAKING pagtutol ang naramdaman ko nang itigil ni Ludwig ang paghalik sa akin. His lips... everything about him, I missed it.

"L-Ludwig..."

"Sorry." He whispered. "I am drunk. Fuck." Pagkasabi niyo'y tinalikuran niya na ako.

He left me dumbfounded. He kissed me because he is drunk and not because he likes to do it. Sabi na nga ba huwag akong umasa. Sa ilang minutong halik na iyon ay agad na umusbong ang pag-asang lumalambot na ulit si Ludwig sa akin.

But I was wrong.

"And those foods, I didn't order that." Pahabol ni Ludwig bago tuluyang umalis dito sa kitchen.

I gulped with what he said. Nagkataon nga lang pala na favorite ko ang mga pagkaing narito. Akala ko... sabagay bakit naman si Ludwig ang mag aasikaso ng foods nila ng mga kaibigan at babae niya? He's the boss. Hindi ko man lang naisip iyon.

Napakapit ako sa kitchen counter dahil pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko. Para akong matutumba. Sa gutom ba 'to o dahil dismayado ako?

He let me hug him. He kissed me. The foods are my favorite. Iyon lang, nagpadala agad ako sa emosyon ko. Agad agad ay may namuong pag-asa sa dibdib ko kahit ilang ulit kong itinatak sa utak ko na wala na. Wala nang Ludwig.

He's not the same person anymore. Hindi na siya ang lalaking mahal na mahal ako. Ilang ulit ko bang dapat itatak sa isip at puso ko iyon? Damn my heart for reacting this way in every simple things he do to me. Damn my heart for being fragile when it comes to him. Damn myself.

I composed myself and took a deep breath. Umayos ako ng pagkakatayo saka nilapitan ang mga food trays. I should eat. Gutom talaga ako. Baka kapag kumain ako, bumalik ako sa katinuan at sa reality—kung saan wala nang pagmamahal sa akin si Ludwig.

Paniguradong ilang araw ang aabutin bago ako maka-move-on sa nangyari ngayong gabi.

His sexy and soft lips...
His body heat...
His scent...

Umiling-iling ako. My gosh, self! Stop fantasizing him. Stop thinking about it. I should forget it and eat!

♠️

ILANG araw ang lumipas na naging abala ako sa photoshoot. Hindi naging madali ang halos gabi gabi kong pagpupuyat dahil sa kakaisip ng kung anu ano. Hindi ko naman kasi maiwasan. Sa ilang araw na iyon ay pilit ko ring iniwasan si Ludwig. Siya kasi ang main reason kung bakit ang dami kong iniisip.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari noong nakaraan.

Ngayon ay araw ng linggo and finally, makakapahinga ako. Masyado akong nagpakalulong sa trabaho these past few days. Gayunpaman, excited ako sa paglabas ng mga magazine na ako ang cover. Achievement iyon para sa akin. Masaya ako sa ginagawa ko at ito 'yung passion ko.

Tumunog ang phone ko. Si Ren iyon.

"Yes?"

"So ano na? Kailan mo balak bumili ng kotse, aber?"

Bahagya akong natawa sa tanong niya. Although, okay lng naman sa kaniya ang paghiram hiram namin ni Dave ng kotse niya ay minsan nagkakataon na kailangan niya ang kotse tapos gamit namin ni Dave. Lagi kasi akong hatid sundo na ni Dave sa photoshoots ko. Supportive ang baklang 'yon.

"Bibili na nga." I answered. "I already got paid."

I have my savings pero hindi iyon para sa kotse. Iyon ang unang bagay na gusto kong bilhin talaga after loads of work. Deserve ko iyon at kailangan ko iyon. Lalo na kung iba iba ang locations ng photoshoot. Hindi lang naman kasi sa mga studios. Minsan ay meron sa outdoors at kung saan saan pa.

Casanova's Club #4: Beautiful BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon