Luna's POV
Walang kibo ang nangyari sa pagitan namin ni Sebastian habang nagmamaneho siya, halata sa mukha niya na problemado siya. Well ako rin naman, pano nalang kung ma-aresto sila Sebastian. Siguradong magdudulot ito ng malaking problema sa kompanya kung sakali, at syempre sakin mapupunta yung problema kasi wala namang iba pang anak na sasalo sa negosyo!
Ay meron pa palang isa, yung adopted! Kaso malaki ang tyansa na kasali rin siya sa mga illegal business na ginagawa ng pamilyang Del Russo.
Although marunong ako sa business, ayoko parin mamahala ng kompanya nila dahil wala akong masyadong alam sa mga baril! Paano ko papatakbuhin yung company kung hindi ako maalam sa main product nila?
Aish! Bahala na nga! May luck be with us!
Matapos ang halos isang oras ng pagmamaneho ay marating rin namin ang kompanya. Agad na bumaba si Sebastian kaya dali-daling sumunod ako. Mabilis ang bawat hakbang ni Sebastian kaya pilit ko yung pinapantayan. Aba, baka maiwan niya ako no! Ang awkward kayang pumasok mag-isa dahil naka abang na yung ibang staff ng kompanya kay Sebastian sa entrance ng building.
Pagpasok namin ay agad na yumuko ang mga empleyado na nakakita, especially yung mga staff na naka-abang. May lumapit samin na lalaki na nasa mid thirties na ata.
"Young master, it's a good thing you're already here. They are currently settling the problem at your father's office." The man said.
Tumango si Sebastian sa sinabi nung lalaki pagkatapos ay may tinuro siyang isa pang lalaki na nasa kaliwa namin.
"You!" Sebastian.
"Yes sir?" Agad na tugon ng lalaki.
"Lead her to my office" Sebastian ordered.
"Yes sir" sagot nung lalaki.
Agad akong sumunod don at hindi na pinansin si Sebastian, sigurado naman akong pupunta lang siya sa office ng chairman which is office ng papa nila Luna.
Pagod rin naman ako dahil sa walang saysay pinuntahan namin at masakit ang pwet ko kakaupo don sa kotse. Sure thing naman na may Sofa na pwede ko higaan don sa office ni Sebastian, makakapahinga ako.
Wala akong ibang ginawa kanina kundi ang umupo. Upo sa kotse, upo don sa party tapos sa kotse ulit. Tapos gutom pa ako, this is my worst day so far.
Sumakay kami nung lalaki sa elevator, kami lang dalawa yung sakay nito kaya medyo awkward yung atmosphere. Tumikhim ako saka nag start ng conversation.
"Matagal kana rito?" I ask.
Saglit siyang napatingin sakin, pero agad niya ring binalik ang tingin niya sa harapan niya.
"Medyo po, mga two years and a month na rin po" sagot niya.
"Saang department ka?" Tanong ko ulit.
"Finance po" he answered.
"Ahh, then keep up the good work" I added.
Bahagyang ngumiti yung lalaki sakin pagkatapos kung sabihin yun. Ngayon ko lang napansin, may itsura naman pala siya. If we are on earth, his looks can be like those Filipino actors.
"Pwede po ba akong magtanong?"
"Sure, what is it?" I responded.
"Bakit magkasama po kayo ni Sir Sebastian?"
"We attended an event" I answered.
"Together po?" He clarified.
"Yes, why? What's wrong?"

BINABASA MO ANG
LUNA CLARABELLE
FantasiDid you ever wonder what will happen to us after our death? Is there life after death? Napupunta nga ba tayo sa langit o empyerno, o baka naman nare-reincarnate bilang hayop or mabubuhay muli sa ibang katauhan, pwede rin naman yun diba? No one real...