Maaga akong nagising sa araw na'to kasi maaga yung pasok ko. Sinipat ko muna yung orasang nakasabit sa tabi ng pinto bago ako lumabas ng kwarto. I'm five minutes late kaya dalidali akong naghanda at dire diretso kong hinablot yung gitara ni Sean. Sa pagmamadali ko, di ko na nagawang mag'almusal. Wala akong naabutang tao pagbaba ko kaya hindi na ako nagpaalam.
Bitbit bitbit ko yung gitara ni Sean. Buo na ang desisyon ko na ibigay ito sa kanya kahit na kinakabahan ako.
Bibitbitin ko muna to', malay mo magbiro ang tadhana magkita kami ni Sean sa araw nato'. Ayon kay mommy nagkita na sila, so malamang nasa paligid lang yun. Sana nga magkita kami.
Napabuntong hininga ako sa naiisip ko.
Panu kung ilang araw lang ang itatagal nya rito?
Hay naku! Ba't ba kasi diko natanong si mama eh! Tsk.
Kung nasa paligid lang sya ba't di ka nya pinuntahan sa bahay nyo?
Eh kasi nga galit yung tao!
Kahit na, baka naman di ka na talaga maalala!
Nagtatalo ang isip ko habang tinitingnan ko yung gitara nya.
Pano nga kung di ako pansinin nun'? Kung di ka na maalala?
Eh di nagmukha akong tanga nyan.
Ah bahala na nga! Ang mahalaga maibigay ko itong gitara sa kanya. As simple as that!
Mamaya ko na lang ito dadalhin sa bahay nila. Kung nakita nga talaga ni Mama si Sean, ibig sabihin nun bumalik na uli sya sa dati nilang bahay.
Ang problema ko ngayon, kasi hindi ko alam kung saan ang bahay nila -_-
Hindi pa naman kasi ako nakakapunta sa kanila eh! Tsk.
Pagkatapos nalang ng klase ko ito ibibigay sa kanya. Magbabakasakali ako sa park, kung saan kami unang nagkita, malay mo pumunta sya dun. Tsaka namimiss ko na rin yung lugar na yun. Matagal na rin mula ng pumasyal ako dun.
Tuloy tuloy akong naglakad papunta sa department namin. Pagkapasok na pagkapasok ko sa room namin,agad na sumalubong sakin ang mga nag chichismisang estudyante.
Hindi ako nakikinig ah, ang lakas lang talaga ng boses nila. Ipinuwesto ko ang gitara sa tabing upuan ko. Hindi naman ukopado ang pwestong ito eh' kaya walang mag iiskandalo.
"Mag'aaral dito ang anak ng may'ari ng buong university? For real?"
"Yeah. She's gorgeous and hot! Its so nakakaiinggit!"
"Oh my G! Baka naman maldita rin sya?"
"As expected!"
I rolled my eyes in annoyance. Big deal? Ano naman ngayun kung dito nga mag'aaral? School nya eh!
Rumors.Rumors.Rumors. Tsk!
Kinuha ko ang mahiwaga kong headphone para may mapakinggan naman akong maganda, hindi yung puro chismis lang!
BINABASA MO ANG
Where's FOREVER ?
Teen FictionIn the world full of wrongs .. is there a place for right things ?
