Naghihikab na lumapit ako sa mesa at agad na sumubo ng hotdog.
Where are these people?
Inilibot ko ang paningin sa paligid, napansin ko kasing tahimik ang buong bahay eh.
Napakunot ang noo ko ng may makita akong prenteng nakaupo sa sala.
Ano pa bang ginagawa ng adik na' to dito? Pero base naman sa suot nito nakabihis na ito kaya bakit bumalik pa'to dito sa pamamahay ko??
Dahandahan akong naglakad palapit dito, pero mukhang hindi nito naramdaman ang presensya ko kasi hindi ito nagtaas ng tingin. Nakayuko kasi ito habang nakadekwatro ang mga paa.
Agad ko siyang ginalaw gamit ang mga paa ko. Agad naman itong nag'angat ng tingin.
"Sa wakas .. mabuti naman nagising ka pa?", tanong nito sakin na nagpaalsa ng dugo ko sa utak.
"Anong ginagawa mo rito? Baka naman balak mo ring angkinin ang bahay na'to?", taas kilay kong tanong
"Hehehe",he sarcastically laugh
"Lumayas ka na nga!", pagtataboy ko rito
"Hindi pwede kahit gustuhin ko man!", dinuro duro na naman ako nito sa noo." I've promised your mom na ihahatid kita bilang kabayaran ng pagpapastay niya sakin dito"
"Anong akala niyo sakin bata?", nanlalaki ang mga matang tanong ko rito.
"Hindi naman. Isip mo lang ang bata"
Agad ko namang sinipa ang kinauupuan niya dahilan para mahulog siya mula rito. Buti nga!
Grabe ang lakas ko pala! :D
Makalipas ang napakaraming taon .. echoss lang
"Oh lalabas ka pa pala? Akala ko kasi hihintayin mo pang pumula ang buwan bago ka lumabas sa bahay niyo?"
"Wala kang pakialam!",marahas kong binuksan ang kotse nito at padabog ko itong isinara.
"Gigibain mo ata'eh!", narinig kong sabi nito at sinabayan pa ng pagtawa.
Akala naman niya naasar ako sa mga ganyang istilo niya!
Sa likod na ako umupo para magmukha itong driver! :D
"Hay ang ganda naman ng araw", sabi nito tapos pasipol sipol pa habang kumakanta.
Nagmakeface lang ako rito sa salamin. Nakita ko namang kumindat ito. Agad na nagsalubong ang kilay ko. Pesteng to' mabulag ka sana!
BINABASA MO ANG
Where's FOREVER ?
Fiksi RemajaIn the world full of wrongs .. is there a place for right things ?