"Oh anak nandito ka na pala. Tamang - tama naghahanda ako ng pagkain, sabayan mo na kami ng kapatid mo", yaya ni Mama. Naabutan ko silang naghahanda sa mesa katulong si Aling Lusing.
"I'm not hungry",sagot ko.
"Ate eat with us, please!",nagpapacute na naman itong kapatid ko eh.
"Busog pa kasi si Ate, next time nalang ha?", nakangiti kong pakiusap. Agad namang lumungkot ang mukha nito.
"Ok fine, kakain na si Ate. Ngiti ka na. Ayos ba?", nakangiti kong sabi kay Rey. Tapos kinurot-kurot ito sa pisngi.
Dalawa lang kaming magkakapatid, 14 years ang gap namin. Wala na kaming ama. Nasaan? Ewan, wala akong alam at wala akong pakialam.
He is 5 yrs. old samantalang 19 years old naman ako.
Iniwan kami ng magaling kong ama, pagkasilang na pagkasilang kay Rey.
Hindi ko na inalam kung anong rason nya bat nya kami iniwan, iresponsable man sya atleast ng dahil sa kanya nabuhay ako. Kaya kung nasan man sya ngayon. Thanks for the f*cking life he gave to me.
"Syanga pala anak, kamusta ang school? Ano? Okay naman ba yung course mo?", tanong ni Mama.
"Pag sinabi ko bang hindi, hindi mo na ako pag aaralin?, dire diretso kong tanong.
"Anak, alam mo namang hindi yun pwede diba? You have to-',
"Then why bother asking?"
Napabuntonghininga na lang si Mama.
"Ate, why are you like that?",tanong ng kapatid ko.
"Like what?", takang tanong ko dito.
"You're rude to Mommy", inosente nitong tanong.
"Kasi I'm smart enough to understand things", makahulugan kong tugon.
"Ha?", litong tanong nito.
"And you're young enough to analyze that okay?", dugtong ko pa.
Dali dali kong tinapos ang pagkain. Agad akong pumanhik sa hagdan para makapagpahinga sa kwarto ko. Nakakaloka mga nangyari sa akin sa araw na'to ah! Unang araw pa lang yan,ano pa kayang mangyayari sakin sa darating na mga araw.
Sana naman matapos ko ang buong semester ng matiwasay!
Nasa dulo na ako ng hagdan ng marinig kong magsalita si Mama.
"I saw Sean this morning, ang laki na ng pinagbago ng batang yun ah, gumwapo lalo. Nagkausap na ba kayo Reign?"
BINABASA MO ANG
Where's FOREVER ?
Novela JuvenilIn the world full of wrongs .. is there a place for right things ?
