So ito, first day of school again. Another annoying days are tend to come. Kung pwede nga lang sanang di na ako pumasok, masaya sana akong nakatunganga lang sa bahay habang kumakain ng chicharon at ng kung anu-anong makakain na walang lason, kaso ayun nga, di pwede.
Kasi ayun sa magaling kong ina, kapag di raw ako mag'aral ipapatapon nya ako dun sa probinsya nila sa Nueva Ecija. She even told me to study how to plow, para naman daw magkaroon ako ng silbi kung sakali man ipatapon nya ako sa bukid namin. Sa una, akala ko di sya seryoso, nagsimula lang naman akong maalarma ng narinig kong nag uusap sila ng lolo ko. Take note; tuwang tuwa pa ang matanda sa ideyang iyon!
Feeling ko tuloy pinagkakaisahan nila akong lahat. Kahit sanay akong mag'isa mas gusto ko rin namang kahit minsan eh may kakampi ako noh.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa room namin agad akong umupo sa bakanteng upuan sa harapan.
Mas ayos kasi umupo sa harap para mas madali yung pag exit incase of emergency. I mean pag bored yung klase.
At dahil hindi naman ako pala kaibigan, matindi ako mag isip. Agad kong kinuha ang headphone ko, at sinugurong nasa maximum volume para walang panira ng moment.
(NowPlaying: I REALLY DONT CARE By : DEMI LOVATO)
Ipinikit ko pa ang mga mata ko, para feel na feel ko yung kanta. Maya maya naramdaman kong may yumuyogyog sakin.
"Aisst. Bweset! ", angal ko. Istorbo -_-
Idinilat ko ang isang mata ko para tingnan kung sino ang lapastangang epal. Lumingon ako sa lalaki sa tabi ko, parang may sinasabi syang di ko maintindihan kasi nga naka headphone ako.
Inirapan ko lang sya tapos ibinalik na ulit ang atensyon sa pinapakinggan kong kanta. Ipipikit ko sana ulit yung mga mata ko na biglang-
"What the f*ck dude! Ibalik mo yan!", singhal ko sa lalaking may hawak ng headphone ko. Walangy* pag yan nasira, maghahalo talaga ang balat sa tinalupan!
"Sabi naman kasing umalis ka sa upuan nya ee", ungol nung lalaki sa tabi ko.
Tiningnan ko sya ng masama, nag'iwas naman sya ng tingin.
Napatingin ako sa mga chismosa kong kaklase. Sinamaan ko rin sila ng tingin. Ba't ba ang usyusera nila?!
Tumayo ako para abutin ang headphone ko, pero mas lalong nyang inangat yun dahilan para di ko maabot. Ang taas kaya nya!
"Alam mo bruh mumurahin lang yan, kung type mo, magpabili ka sa parents mo. Hindi yung para kang batang nang aagaw ng hindi sayo!", pilit kong inaabot yung headphone pero mas lalo nyang itinataas.
BINABASA MO ANG
Where's FOREVER ?
Teen FictionIn the world full of wrongs .. is there a place for right things ?
