"Em home Momma" anunsyo ko kasabay ng pagbukas ng pintuan. Galing ako sa school at nakakapagod. Isa na namang walang kwentang araw ang nasayang. -_-
Inihagis ko sa sofa yung dala kong bag, tapos dumiretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Naabutan kong naghihiwa si Manang Lusing ng gulay.
Si Manang Lusing ang nag alaga sakin simula ng bata pa ako. Mas maituturing ko pa ngang ina yan, kesa sa tunay na ina kong wala namang pakialam.
"Hay naku Reign, nagbilin yung mommy mo na may lakad daw sila ng .. ano nga bang pangalan ng lalaking yun." Sandaling nag'isip si Manang Lusing. Inaalala siguro kung anong pangalan ng bago na namang 'BOYFRIEND' ni mama, panigurado." Sabi pa nga eh baka magabihan daw sila, kaya wag mo ng hintayin sa hapunan nyo", pagpapatuloy pa ni Manang.
"Na naman? At sino na namang Poncio Pilato ang nabingwit nya", padabog kong isinara ang ref. Nakakainis na buhay to!! Kelangan ba talagang ganito nalang palagi? Wala ba talaga syang kasawa sawang mangolekta ng mga lalaki? Ano bang napapala nya dun, eh sa huli iiwan din naman sya ng mga yan. Buti nalang naging INA ko sya, na kung saan ay hindi ko naman maramdaman,Dahil kung hindi baka matagal ko ng isinampal sa mukha nya ang mga katagang hindi nya gugustuhing marinig!", angal ko.
Nakakawalang respeto >\\<
"Naku anak, wag ka naman sanang magtanim ng hinanakit sa ina mo. Intindihin mo na lang sya, kasi nga naghahanap din naman sya ng taong makakasama nya. Ng magmamahal sa kan-" pinutol ko sasabihin ni Manang.
Ilang beses ko ng narinig yan kay manang at ilang beses ko na ring sinubukan intindihin ang gusto nyang mangyari. Pero paulit ulit na lang eh. NAKAKASAWA. >//<
"At sa paghahanap nyang yun nakalimutan nyang may anak nga pala sya.", sabat ko. Buntong hininga lang ang Isinagot ni Manang.
Dire-diretso akong sumampa sa kama. Itutulog ko nalang to sakaling gumaan hinanakit ko sa buhay.
Ipipikit ko pa lang sana ang mga mata ko ng may istorbong tumawag.
Unregistered number calling ...
'Kapag 'to hindi importante. Papatayin ko ang caller na'to'
BINABASA MO ANG
Where's FOREVER ?
Novela JuvenilIn the world full of wrongs .. is there a place for right things ?
