REIGN'S P.O.V
Nandito ako ngayon sa opisina ng prinsipal. At , oo! Natuloy ang pag gaguidance sakin. -_-
"Miss Lozada, you know our rules right? This is a very popular university, and you just can't do whatever you want or---", pinutol ko ang sasabihin ng head ng eskwelahang ito.
"So, ano na? Suspended na po ba ako?", walang kagatol gatol kong tanong. Ang dami pa kasing pa echoss eh!
Humugot naman ng malalim na hininga ang kaharap ko.
"Kahit gustuhin man namin, hindi namin pwedeng gawin yun.", umiiling na inayos nito ang mga papel na nagkalat sa mesa at itinabi.
"Bakit?", tanong ko naman. Sayang! Pagkakataon ko na sana na hindi maka pag aral sa weirdong paaralang ito .. naudlot pa! Malas! Tsk.
"You can go now Ms. Lozada", utos naman nito na hindi manlang sinagot ang tanong ko.
Ok. Agad naman akong lumabas at dumiretso na sa classroom namin. May second subject pa eh. Kabadtrip -_-
Halos lahat ng kaklase sa akin ang atensyon ng pumasok ako sa room namin. Mga praning talaga 'tong mga 'to. At lahat sila binigyan ko ng masamang tingin. OO. LAHAT. Kasama ang Sean na yun!
Nung papunta ako rito napag'isip isip ko. At OO ulit tama kayo ng basa. Nag iisip po ako. Anyways, ayun nga, napag isip isip ko na simula sa oras na ito. Ngayon mismo, saksi ang mga pisarang maraming kung anu ano ang nakasulat at upuang nagkakalat pati na rin ang mga walang kaalam alam kong mga kaklase na, WALA NA AKONG PAKIALAM SA SEAN NA YAN. TANGGAPIN MAN NIYA ANG SORRY KO O HINDI. Walang kwenta kung walang kwenta. Wala akong paki alam!
"Guys, listen up", mayamaya pumasok ang isang babaeng napag iwanan ata ng panahon dahil sa makalumang istilo ng pananamit na akakalain mong kabatch pa nina Jose Rizal.
Sa kanya naman napunta ang atensyon ng lahat. Malamang, pumasok ba naman ng biglaan at sino ba naman ang hindi makakapansin sa babaeng parang nakabalot at halos di mo na makita ang pagumukha.
"Is she a Muslim?", bulong yun ng isa sa mga kaklase namin, pero narinig ko.-_- Tinapunan naman ito ng masamang tingin ng babae sa harap namin.
"Ano na? Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. HInndi yung para kang tanga na nakatunganga dyan sa harap!", galit na sigaw ni Andrea.
Napasinghap naman ang babae sa harap. Sabagay may point naman ang Andreang yun ee. Para naman kasing tanga ang isang ito.
Napasinghap naman ang babae sa harap at nagsimula ng magsalita.
"Inutusan kasi ako ni Maam Lim , pinapasabi niya na wala daw kayong-----", hindi pa nga tapos sa pagsasalita ang babae ay tuluyan ng nagsipaglabasan ang mga kaklase ko.
Walang mga respeto! Wew nagsalita! Napapailing na lang akong pinagmamasdan ang mga kaklase ko habang nag uunahang magsipaglabasan.
At ayun nga nagsilabasan na sila at ang natira? Yung babae syempre. Tapos ako, malamang. At meron pa, yung magcouple. Oo. Si Sean at Andrea, pati yung Dave.
At ang AWKWARD ng ambiance. Tangna.
Pano naman kasi yung babae nakatingin lang samin. Actually palipat lipat yung tingin nya saming apat. Parang may meaning ee. Pero di sya nagsasalita. Parang tanga ee.
"Ano wala ka na bang sasabihin? Makakaalis na ba ako? Tingin ko kasi may karugtong pa yung sasabihin mo ee",kinuha ko yung bag ko at humakbang papuntang pinto.
"Wait lang, bilin kasi ni Maam Lim, may activity raw kayo at bukas ang pasahan!", napalingon ako sa sinabi niya. Like, WTF? Anong akala niya samin?
"And what it is?", mataray na tanong ni Andrea.
"By pair daw, kailangan gumawa kayo ng isang tula. Sa tulang iyon kailangan mailahad niyo ang gusto niyong sabihin sa isang tao."
"Great! I love doing poems! Of course pair tayo Nyke."announce ni Andrea sabay pulupot sa braso ng Nyke na yun.
So walang nagtatanong!
I gave the girl the "ah okay" look then turned around. Hindi pa nga ako nakakalayo sa pinto ng biglang may nagsalita sa likod ko.
Syempre si Dave. Alangan naman si --- erase. Erase.
"Ikaw na gumawa ng tula. Ako magbabasa", napatigil ako at hinarap ito ng nakakunot ang noo.
"Okay ka lang? Inuutusan mo ba ako? At sino nagsabing makikipartner ako sayo? Ano ka sinuswerte?"
Hindi ito sumagot. Sa halip, nilagpasan lang ako nito.
Aba't! Bahala sya. Hindi ko gagawin ang tula. Wala naman akong paki alam kung pumasa ako o hindi. Malas nya lang. Mas maganda nga yun eh. Kapag bumagsak ako, hindi na ako pag aaralin. Edi masaya yun.
Napangisi ako sa mga naiisip ko.
Mayamaya narinig ko ang boses ng dalawang taong naglalakad papunta sa kinaroroonan ko, kaya naman humakbang na'ko palayo. Mamaya sabihin pa ng mga yun na nakikinig ako sa usapan ng may usapan. Lumiko ako sa isang kanto at napasandal sa dingding. Hinintay kong makadaan muna ang dalawang yun bago ako umalis sa kinaroroonan ko.
"I don't wanna do it!", nanlaki ang mga mata ko ng tumigil mismo ang dalawa sa likod ng dingding na sinasandalan ko. Hindi ako nakikininig. Promise. Ang lalakas lang talaga ng mga boses nila.
"Come on! Nyke!Wala ka bang gagawin kong hindi magdisaggree always?", iritang sabi ni Andrea.
"Di pa ba sapat na halos ipagsigawan mong ikakasal na tayo?",he asked calmly.
"No! Gusto ko, ikasal na tayo sa lalong madaling panahon so nobody will flirt with you.", giit naman ni Andrea.
"At kanino naman ako nakikipagflirt? Eh halos nga nakadikit ka na sakin 24/7", sagot naman ni Nyke.
"The girl at the foodcourt. I saw you with her.!"
"Come on. Abe's just a friend!", he sounds irritated.
"Eh yung Reign?", nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang pangalan ko. Ok fine. Medyo assuming!
"Wag mo siyang isasali sa usapan natin dito! At wag na wag mo na syang babanggitin kasi matagal na syang walang puwang sa buhay ko. Kung ayaw mo na talaga, we can cancel the engagement whenever you want ikaw lang naman, I mean kayo ng parents ko ang may gusto sa lahat ng ito. Besides I dont really love you, you know that"
"I really hate you! You jerk!", yun lang at umalis na si Andrea.
I don't really love you.
I don't really love you.
Yan na siguro ang pinakamasakit na salitang narinig ko, kahit na hindi para sakin ang mga katagang yun. Alam na alam ko ang pakiramdam kung gano kasakit ang masabihan nun.
Wala sa sariling hinakbang ko ang mga paa ko. Hanggang hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bahay namin. Dire diretso ako sa kwarto.Tumingala. I stared at the ceiling for how many hours.
"Wag mo siyang isasali sa usapan natin dito! At wag na wag mo na syang babanggitin kasi matagal na syang walang puwang sa buhay ko. "
Unti unti kong ipinikit ang mga mata ko. Itutulog ko na lang 'to. Wala na nga akong pakialam diba?
BINABASA MO ANG
Where's FOREVER ?
Novela JuvenilIn the world full of wrongs .. is there a place for right things ?
