Pagkalabas na pagkalabas ko sa room namin agad na may humila sa braso ko.
Ano naman kaya ang problema nito -_-
Tiningnan ko lang ng blangko yung lalaking humihila sakin.
"Hoy ikaw babae ka, ke bago bago mo dito, kung umasta akala mo kung sino ka"' gigil na sabi ng lalaki habang mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko.
He is the same guy from the classrooom. Yung lalaking inaangkin yung upuan at may matinding pagnanasa sa headphone ko.
Nakapalibot ngayun sila sakin, tantya ko nasa mga pito or walong mga baduy yung nandidito.
"Sa tingin mo ba, porke babae ka palalampasin ko yung ginawa mo sakin?", gigil na dinuro duro nya yung noo ko.
Hindi lang ako umimik.
Una, ano namang sasabihin ko? Pangalawa, di ako pumapatol sa mga loko lokong gaya nito. Tiningnan ko lang sya sa mata at bigla namang napaiwas ito ng tingin. Na iintimadate ata eh :D
"Boss, hindi sumasagot, matapang yata eh!",kantyaw nung isa sa mga kasama nya. Pansin ko mga good looking sila, kaso di ko type yung beauty kasi sa totoo lang wala namang akong type! Hahaha
"Lalaban ata bro eh", panggagatol naman nung isa. Mukhang gangster 'tong isang to ah.
"Ano Chan palalampasin mo ba yung ginawa nyan sayo?",dagdag pa nung blonde na chinito. Ang babadboy ng looks.
Pasok tong mga to sa bagong kababaliwang fafables sa henerasyon ngayon.
"SHUT UP!",nagulat ako ng biglang sumigaw yung Chan. Hyper 'tong isang 'to eh.
Nilingon nya yung mga kasama nya at binigyan ito ng masamang tingin.
HAHA Makuha kayo sa tingin.
Sabay sabay namang nagsitigil ang mga ito.
Wala pala kayo eh.
Muli namang humarap sakin si Chan ng magkasalubong ang kilay. Halata sa mukha nito ang inis na pilit kinokontrol.
"Lumuhod ka para mapatawad kita",seryosong saad nito.
Lumuhod? AKO? Si REIGN LULUHOD?
"Dude, seriously? Di nga?", paninigurado ko.
"Im dead serious", he answer.
"HAHAHAHA -- JOKER ka pala dude? HAHA", I burst out laughing. Kinagat kagat ko pa ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa. Pero wala eh, tawang tawa talaga ako.
BINABASA MO ANG
Where's FOREVER ?
Novela JuvenilIn the world full of wrongs .. is there a place for right things ?
