Ako nga pala si Daniel Ilagan, isang 35 year old na single dad na nagtatrabaho bilang call center agent dati. Dati yun... nung wala pang pandemic. Isa ako sa mga naapektuhan ng pagsasara ng mga kumpanya. Isa ang aming BPO company sa nagsara at dahil contractual palagi ang aking employment type ay hindi ako nakakuha ng kahit isang daan man lang nung nagtanggal sila ng employees at nagsara. Okay lang naman ng mga ilang buwan dahil may naipon naman ako para samin ng anak ko kaso hindi inakalang hahaba ang lockdown at mauubos lahat ng ipon ko; lalo na't kelangan na mag online schooling ng anak kong si Ichi.
Kung saan saan ako naghanap ng mapapasukan, tinry ko maging helper sa palengke ng tatlong linggo. Batak at sanay din naman ang katawan ko sa buhatan dahil suki ako ng gym at dati rin akong kargador sa pier before ako makatapos ng kursong Education. Hindi ko na nga lang napractice ang aking pagiging educator dahil sobrang nakakapanlumo ang sahod na bigay ng mga university ngayon. Lalo pa't hindi ka galing sa magandang unibersidad.
Okay na sana sa palengke, kahit papaano ay naabutan ng tip at nakakasahod din sa mga tindera. Kaso pati sila ay naapektuhan at hindi na muna pinag-operate kaya nawalan ulit ako ng trabaho. Sikat na sikat pa naman ako sa palengke lalo na sa mga mamimiling bading dahil sa ganda ng katawan ko. Palagi akong nakakatanggap ng indecent proposal katumbas ng malaking pera para mapaligaya lang sila. Pabalik balik sila sa palengke kahit walang binibili makita lang ang katawan kong pawisan at hubad pang itaas.
Hindi ko naman maipagkakailang maganda talaga ang katawan ko. Nakakalaglag panty ika nga. Malalaki at malalapad ang braso ko, matangkad ako sa tingin ko sa height na 6'0", may abs na sumisilip pero hindi pulido dahil may konting fats dahil sa maturity, may nagpuputukang dibdib na gustong gustong pisilin ng mga bading sa palengke at malalapad ang mga binti. Pwede nga daw akong maging model pero dahil nga sa moreno ang balat ko at hindi katulad ng mga mainstream na milenial ngayon na mapuputi, halos mahirap daw makatanggap ng gig para sa akin.
Halos mawalan na ako ng pag-asa ng biglang nakasalubong ko sa may palengke yung dati kong schoolmate na si Ulysis at sya ang nag open ng new opportunity for me.
"Pre, kamusta ka na?" - Ulysis
"Eto pre, okay naman ako kaso hirap ngayon eh. Wala akong work dahil nagsara tong palengke na to." - sabi ko.
"Bakit pre? Dito ka ba nagwowork? Last time sabi mo nasa call center ka ah?" - Ulysis
"Oo pre kaso gago yung mga yun. Nagsara na lang bigla dahil daw sa pandemic. Wala kaming nakuha kahit isang kusing" - sabi ko.
"Ganun ba pre? Nagtuturo ka pa din ba or may skills ka pa din ba in teaching?" - Ulysis.
"Oo naman pre. Di naman natin nakakalimutan yun kasi profession natin yun." - tugon ko.
"Tamang tama pre. Yung company namin naghahanap ng isa pang male tutor" - panimula ni Ulysis.
"Paanong tutor pre? Anong gagawin? Saka anong ituturo?" - usisa ko.
"Bali ganito kasi pre. Eto yung work ko ngayon, matagal na bali. Tutor ako imbes na professor sa university. Imbes na online, pumpunta kami sa mga bahay ng mga students for 2 - 3 hours tutorial session for 1 or 2 subjects everyday. Depende kung anong pinurchase nilang package sa company. Sagot naman ng company yung transpo and meal allowance mo during tutorial basta ang required lang is maganda dapat ang feedback ng mga students sayo. Kasi pag hindi maganda, tanggal agad." - Ulysis.
"Ah mukhang okay yan pre. Ano ano naman mga tinuturo pre? Baka naman hindi natin expertise yun?" - tanong ko.
"Sus pre. Kayang kaya mo yun. Basic Math and Algebra minsan, tapos meron din basic accounting, minsan naman English or Filipino para sa mga koreans. Saka may book naman ibibigay si company kung anong module, standard yung ituturo natin. Pag aaralan mo lang talaga yung book at yung exercises para syempre di ka mapapahiya sa students mo." - paliwanag ni Ulysis.
"Uy pre, ayos yan. Baka pwede mo naman ako marefer. Kelangang kelangan ko talaga ng work ngayon pre. Mag oonline schooling na si Ichi. Kelangan bumili ng kahit android tablet kasi di kakayanin ng phone ni nanay yung online class nya. Ano bang dapat ipasa or saan pupunta?" - usisa ko. Nanay ko nga pala ang nagbabantay sa anak ko pag wala ako sa bahay at nagwowork.
"Sige pre, send mo sakin resume mo. Eto yung calling card ko" - binigay nya ang isang calling card na may name, contact and email address nya. Napawow ako dahil kahit tutor pala, may calling card.
"May ganito pa kayo ah?" - natawa ako.
"Oo pre. Kelangan yan kasi bigatin talaga mga clients natin. Baka may mameet kang hindi parents nung mga bata, bigay mo agad calling card mo for referral din" - sabay kindat.
"Ayus! sige isend ko agad sayo pagkauwi ko. Hindi ka naman mapapahiya sakin pre. Alam mo naman yan since College days." - pangungumbinsi ko.
"Sige pre. O sya, alis na muna ako at pinapatawag nga ako ni boss. May bago akong student sa may QC" - paalam ni Ulysis.
BINABASA MO ANG
Tutor Daniel (Book 1)
RomanceDaniel Ilagan, isang amang maagang nawalan ng asawa. Nag isang tinaguyod ang anak at ang ina. Nawalan ng trabaho bilang dating guro at call center agent dahil sa pandemic. Anong karanasang naghihintay sa kanya bilang lalaki sa pagiging "tutor" ng mg...