Chapter Nine : All 'Hands' Meeting Part 1

6K 72 2
                                    

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Tumatawag si Ms. Chloe ng HR namin. Napuyat ako kagabi kakaasikaso ng mga kailangan ni Ichi sa online schooling nya. Ganito siguro talaga pag single dad. Bigla ko tuloy namiss ang namayapa kong asawa.
"Hello Good Morning" panimula ko sa tawag ng HR.
"Good Morning Mr. Ilagan. Sorry for the early call. Have you seen the email we sent last Friday?" tanong ni Ms. Chloe.
"Ah, yes mam. Is it about the all hands meeting in La Fei Hotel?"
"Yes! Yes! That's it." confimation ni Ms. Chloe
"Yes mam. I saw it. I'll attend po tonight. What's the reason po for the call?" tanong ko.
"Ahh, good Mr. Ilagan. Mr. Chichi wants you new hires to be early. He will talk first to the three of you before presenting you to the board of directors and selected customers." sabi nya. "Magkakaron din kasi ng awarding for new hires"
Naexcite ako bigla. Tunog pera yung word na "awarding". Natatawa ako ng pasimple pero hindi ko pinahalata sa boses ko. Now, I'm very eager to come early kahit anong oras pa.
"Ahh ganun po ba? Anong oras po ba dapat kaming nasa location?" usisa ko.
"You will need to be there 2 hours before the event. You will be picked up by our company car sa SM Megamall near the Shang hotel para iwas hassle. But I need you to be in Megamall by 6 pm para hindi kayo matraffic" explain ni Ms. Chloe.
"Ahhh...yes mam. No worries. I will be there ng 6 pm."
"Thank you Mr. Ilagan. We'll expect you there. Don't forget to wear your best suit"
At dun nagtapos ang call namin.
Wala akong best suit. Meron lang akong 'only' suit. Hindi ako bumibili at nagsusuot ng mga ganung pormahan. Pero nagreserba ako ng isa na quality and mamahalin naman in case na kailanganin like today.
I need to get up. Kailangan ko maglinis ng todo ng katawan. Magbabawas ako ng body hair. Nakakahiya sa mga investor and customers kung makikita nila ang kumakapal kong body hair.

Bumaba ako sa 1st floor ng aming inuupahang bahay at nakita ko si nanay na nagpeprepare ng umagahan para sakin.
"O anak gising ka na pala. Eto kumain na muna tayo habang tulog pa yung maliit." sabay ngiti nito sa akin.
"Salamat Nay sa pag asikaso ah." sabi ko. "Yun palang mga kailangan ni Ichi sa online school mamaya, naprepare ko na kagabi. Nilagay ko dun sa kwarto nyo."
"Nakita ko nga kanina anak pagkagising ko. Salamat anak. Di ko kasi alam mga gadgets ngayon eh." paliwanag ni nanay.
"Okay lang yun Nay. Yun na nga lang matutulong ko eh....basta sabihin nyo lang kung ano pang kailangan ah" sagot ko.
Tinimplahan ako ni Nanay ng mainit na kape. Asikasong asikaso talaga ako. Napakswerte ko dahil nawala man ang asawa ko, andiyan ang nanay kong handang sumaklolo para tulungan ako.
"Nga pala anak, may sasabihin ako sayo" panistorbo ni nanay habang busy ako sa pagnguya.
"Ano yun Nay?"
"Naaalala mo ba si Tiyo Ben mo?" tanong nya.
"Opo. Bakit po? Anong nangyari kay Tiyo Ben? Di ba po nasa Baguio sya nakatira?" usisa ko.
"Oo anak. Okay naman si Tiyo mo. Kaso humina ang sales ng mga tinda nilang strawberry anak, kaya nakiusap sakin si Tiyo mo." panimula ni nanay.
Kinakabahan ako. Baka pera na naman to.
"Ano po sabi ni Tiyo?"
"Eh anak yung pamangkin ko dun na magcollege na, si Rico. Hindi makakapag aral dun. Wala silang pang aral." sabi ni nanay. "eh nalaman ko dito sa munisipyo na pwede silang magscholarship ng mga indigent students. Basta may proof na indigent or provincial student" dagdag pa ni nanay.
"So bali nay......." tanong ko na may himig pagdududa. "dito nyo po patitirahin sa bahay yung Rico?"
"Oo anak. Sana anak kung papayag ka." pakiusap ng matanda "Mabait na bata yun si Rico. Hindi po sya nakikilala pero masipag sya anak. Laki sa hirap at sanay magbanat ng buto. Isa pa, makakatulong sya satin kapag wala ka dito at nasa trabaho ka anak."
Ayokong kontrahin ang nanay ko pero pag pumayag ako, ibig sabihin panibagong tao ang papakainin ko sa bahay.
"Nay.....eh pano naman po ang mga gastos nun. Edi isasama din natin sa budget sa pagkain si Rico." tanong ko na may himig pag ayaw.
"Hindi anak! Yun nga ang maganda anak. May trabaho na sya dito sa Maynila. Natanggap sya sa isang fast food chain dun sa Baguio at pumayag na ilipat sya dito sa may Jollibee malapit sa atin." excited si Nanay. "Parang ang galing nga diba anak. Kelangan lang talaga ni Rico ng matutuluyan. Nangako naman din yung bata na magbibigay ng konti para sa gastusin sa bahay. Hindi lang talaga nya kayang umupa mag isa habang busy sa pag aaral din"
Okay naman pala.
"Ah ganun po ba nay." sambit ko. "Kayo po ang bahala nay. Payag naman ako basta sana maayos syang tao nay. Saka kung yun ang matutulong natin kay Tiyo Ben. Sana lang hindi natin maging problema yan ah. Baka basagulero pala yan or drug addict"
"Nako anak, hindi! Sure akong mabait si Rico. Nakita ko yun lumaki at nagkaisip. Magalang na bata. Sanay sa hirap at masikap."
"O sige nay. Payag na ko. Kailan daw ba ang luwas nung bata?"
"Baka daw bukas na or sa makalawa" sabi ni nanay.
"Ha!?!" gulat ko. "Nay naman!"
"Pasensya ka na anak.... Ngayon ko lang nasabi. Masyado ka kasing busy sa work, palaging pagod. Atsaka alam ko naman papayag ka. Mabait na bata si Rico." paliwanag ni Nanay.
Ayoko lang talaga bigyan ng kalungkutan si Nanay. Sige papayag na ko. Sana lang hindi makadagdag ng sakit ng ulo or responsibilidad etong Rico na to.
"Sige nay. Para may kasama ka din sa bahay pag nasa work ako"
"Salamat anak!!" natuwa si nanay. Siguro ay mabuti na din yun para may kasamang lalaki sa bahay si Nanay para matulungan sya kung may bubuhatin or mamalengke pag busy ako sa work.

Tutor Daniel (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon