One week akong hindi makakain. Namatay ang inay at naiwan akong tagapag alaga ni Ichi at Rico. Naubos ang lahat ng ipon ko sa pag-aasikaso ng gastos sa ospital at pagpapalibing sa labi ni Inay. Ngayon ay di ko alam kung saan ulit ako kukuha ng ipambababayad ko pa sa utang namin at sa renta ng bahay. Litong lito at tuliro ako kung anong gagawin. Pinipilit akong kumain ni Rico pero hindi ko magawa dahil sa lungkot at balisa kung papaano ko bubuhayin ang dalawang tao sa bahay na to habang ako ay nagtatrabaho at palaging wala sa bahay.
"Kuya, kumain ka na po. Mahirap po lalo at baka magkasakit pa kayo" katok ni Rico mula sa pinto ng kwarto.
Hindi ko masyado inintindi ang salitang nagmumula sa pinto ng kwarto. Abala ang utak ko sa pag iisip kung anong pwede kong gawin para mabayaran lahat ng utang galing sa pag-aasikaso ng namatay kong ina at pati ang mga gastusin sa bahay.
Biglang tumunog ang cellphone ko, isang numerong hindi ko kilala.
"Hello?" sagot ko.
"Is this Daniel Ilagan?" pamilyar ang boses.
"Yes sir. Speaking. Who is this?"
"Daniel, this is Alvin. I heard from Chichi about your mom."
Natahimik ako saglit. Hindi ko alam kung bakit nagiging emosyonal pa din ako after a week na wala si inay.
"Ahhhmmm...yes Sir Alvin. She passed away. Sorry I wasn't able to tutor your kids for the last two weeks. Busy po sa pag aasikaso sa labi ni inay at sa bahay."
"No problem. It's understandable. If there's something I can help you with, let me know. The twins are also worried about you and they are having an exam next week, so we might need your help asap if you can come back."
Hindi pa ko handang bumalik sa trabaho pero hindi ko din naman kayang pabayaang mawalan ako ng raket.
"Daniel...are you still there?" di ko napansin matagal na pala akong natahimik.
"Ah...sorry sir, yes still here."
"Do you need help? Tell me."
Naisip ko na humingi ng tulong. Bahala na kung anong sabihin ni Alvin sakin.
"Actually sir....yes. I need help. Financial help."
"Hmmmm..... okay. You sounded like you are in bad situation. How much do you need?"
"Nahihiya man ako sayo sir but kakapalan ko na mukha ko. I need to pay the hospital for 100k and living expenses for additional 10k. Pwede nyo po ba ako pahiramin ng same amount? I will promise to pay it sir kahit ilang tutor services pa ang kelangan ng twins. My current salary will not be enough dahil naibayad ko na po yun sa lupa na pinaglibingan ni nanay." kinapalan ko na ang mukha ko.
"Do you understand Daniel that it is not a small amount?" himig paninigurado ni Alvin.
"Yes sir. Pero I promise to pay it. Kahit hindi na ako matulog basta mabayaran lang po kita. I don't know anyone na may ganung amount of money aside from you and boss" pagmamakaawa ko.
Natahimik si Alvin at parang naringgan ko ng pagkangisi pagkatapos.
"Hmmm okay. I don't need money. I can loan you the said amount but you can pay me back with your body." nakakagulat na tugon sakin ni Alvin.
"Sir??" gulat ko.
"Why shocked? Magpapaligoy ligoy pa ba ko Daniel? I like you. And as payment, you will be my slave for one month. Your salary as tutor will continue but we can make arrangements on your schedules if there are conflicts. I have business travels this month, I need someone to feed me and pamper me while I'm away and stressed out with work." sabay tahimik. "Do you accept my offer?"
Kailangan ko ng pera. Hindi ko alam kung bakit parang lahat ata ng opportunidad na meron ako ay related sa katawan ko. Kunsabagay, sinimulan ko ang trabahong to. Sinikmura ko, nasiyahan ako, lubus-lubusin ko na para kumita.
"Payag ako Sir. Sa isang kondisyon po sana..." gusto kong alamin kung papayag sya.
"I should be the one defining the terms Mr. Ilagan. You are the one asking me for money isn't it?" naririnig kong natutuwa sya. "But yes, go ahead, what is your condition?"
"Alam ko naman po ang gusto nyo sakin. I can satisfy you with your need but pwede po ba na in case na kailangan nyo kong samahan kayo sa travels nyo, can you let me know in advance kahit 2-days notice?" pakiusap ko. "Ako na lang po kasi ang naiwan sa pamangkin ko at anak ko. I have no one here to look out for them. I may need to ask someone para mag-alaga sa kanila while I'm out"
"That's understandable. Yes and consider this as my notice that I have a business trip to Cebu this coming Saturday, which is 3 days from now. That is your first duty. It will be a weekend business meeting and getaway. I'll wire the money in your bank account immediately after this call."
"Thank you sir."
End of call.
BINABASA MO ANG
Tutor Daniel (Book 1)
RomansaDaniel Ilagan, isang amang maagang nawalan ng asawa. Nag isang tinaguyod ang anak at ang ina. Nawalan ng trabaho bilang dating guro at call center agent dahil sa pandemic. Anong karanasang naghihintay sa kanya bilang lalaki sa pagiging "tutor" ng mg...