Chapter Forty-One : Closeted and Hungry

6.5K 97 7
                                    

"How are you? It's a long flight. Kumain ka na?" tanong ni Alvin.
"Isn't it obvious brother? Hindi pa. Let's eat. Namimiss ko na ang Filipino food." sambit ni Jake sabay tingin sa akin. "Who's this?"
"Ah this is Daniel. Cousin ng late wife ko. Dan, Jake here, my younger brother" pakilala sakin ni Alvin.
Iniabot ko ang kamay ko para makipagkamay kay Jake at tinanggap nya naman ito.
"Nice to meet you Dan. Let's hang out." anyaya nya.
Ngumiti lang ako.
"Bro he's staying in my house. He's the tutor of Finn and Jinn. So part ng agreement namin is aside from lower pay, him and his sibling and son will stay in my house. Mas okay ding maraming kasama sa malaking bahay since wala na si Juliet" explanation ni Alvin.
"That's cool bro! Don't need to explain." sabi ni Jake. "So it means I can hang out with you Dan for a lot of times huh?" tanong pa ulit ni Jake.
"Yes, pwede naman sir." sagot ko na may pag-galang kunwari.
"Sir?????!!!???" nagulat sya. "What are you dude!! Call me Jake! We're gonna be best buds. My kuya here is always busy so I don't think I will be able to bother him during my 1 month stay here in the Philippines" sabay tawa ng malakas.
"Okay Jake." sabay ngiti ko.
"Cool!!!!! Do you workout? You have huge built and muscles. I like working out too." madaldal ang kapatid ni Alvin.
"Hey, hey Jake. Let's save the talks sa lunch. Let's go now and drive dun sa favorite mong pinoy resto. Then I'll introduce you more to Daniel." pigil ni Alvin. "Shall we?"
"Okay....okay bro! Let's go!"

Binaybay namin ang kahabaan ng EDSA hanggang sa makarating kami sa Quezon Avenue at sa isang lumang restaurant na pag-aari ng isang matandang pinoy na may lahing intsik kami kumain. Wala masyadong tao sa resto at parang limitadong mga tao lang din ang nakakaalam. Bumungad sa amin ang isang matandang waitress na mukhang kilala na din ang magkapatid. Umorder sila ng adobo, nilagang baka, chopseuy, soda at halo-halo. Hindi naman halatang totodo sila sa pagkain. Masaya ding mag-usap ang magkapatid. Nanonood lang ako habang kinukwento ni Jake ang buhay nya sa California. Nalaman kong matagal na pala duon ang lalaki at nagtatrabaho bilang isang web designer. Narinig ko din sa kanya na hindi rin pala biro ang tumira at magtrabaho sa Amerika. Lahat ng kilos ay may bayad. Pati pagpapagupit ng buhok ay halagang dalawang libo kung icoconvert dito sa Pilipinas.
"Bakit ayaw mo na lang manatili dito sa Pinas? You can assist me in managing the other businesses?" tanong ni Alvin.
Natahimik si Jake.
"Actually bro, I can stay." sagot nya.
Nagulat si Alvin. Hindi siguro nya inexpect ang sagot ng kapatid nya. Ako naman ay nakatitig lang sa kanila. Mas magandang hindi na ako mangielam sa usapan ng magkapatid.
"Are you sure? Is that for real Jake?" pagconfirm ni Alvin.
"Yeah, why not?" sagot agad ni Jake. "I can stay." sabay may lungkot sa mukha ni Jake.
"Hey! Hey! What happened?" takang tanong ni Alvin.
"Nothing. I can stay. We'll if you want me to." sagot ni Jake at biglang sumaya ulit ang mukha nya.
"Are you sure everything's okay?" tanong ni Alvin.
"Yes!" sagot nya at sabay tingin sa paparating na mga pagkaing hatid ng matandang waitress. "Yum! Yum!"

Habang kumakain ay nabaling ang usapan sa akin.
"How young are you Dan?" tanong ni Jake.
Hinigop ko muna ang sabaw ng nilagang baka sa kutsara bago sagutin ang tanong. Napaubo pa ako ng konti dahil sa pagmamadali. "35 going 36 na next month"
"Wow. You look younger than your age dude. Buff!" sabi ni Jake. "So you love working out?"
Natawa ako, namula ng kaunti. "Ah oo. It's my way of releasing stress na din. I want to keep myself healthy."
"Nice!!! May kasparring pala ako sa pagwoworkout. Pwede bang sumabay sayo minsan?" tanong nya.
"Sure no problem....." nakatingin na sakin ng palihim si Alvin. "That is if my schedule permits din. Naghahabol din kasi ang kambal sa lessons"
"Ayt. No worries. Malaki naman ang gym facility sa bahay ni kuya. I'm sure mas okay magworkout dun ng may kasabay." sabi nya sabay kindat sa akin. "Plus the shower room and massage area din, inside the gym, state of the art! Ewan ko ba dito kay kuya bakit nag-aksaya sa ganung facility"
"It's my house. I can do what I want to do." sabat ni Alvin.
"Yeah right....." sabay diretso kain ni Jake ng adobo. "So where's your wife Dan?"
Natahimik ako saglit at saka sumagot.
"She is dead because of cancer"
"Ooops sorry man."
"It's okay. Matagal na din naman."
"So solo ka lang na parent ng anak mo? Kaya ayoko mag-asawa talaga eh."
"Yeah, solo parent. Buti I have Alvin. He helped me and Iggy a lot." nakita kong napangiti si Alvin.
"Wow! Sweet. Are you two together?" napatingin kami ni Alvin sa isa't isa sa tanong na yun. Nagulat kami sa tanong ni Jake.
Ng mapansin ni Jake na parang natahimik kami at nagulat sa tanong nya ay bigla ulit syang nagsalita.
"Hey guys chill! I'm just kidding! Cmown!" sabay lakas ng tawa nya.
"Tigilan mo na yan Jake. Let's focus on our lunch" sawata ni Alvin.
"Bummer!" sabi ni Jake sabay nagtuloy sa pagkain.

Tutor Daniel (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon