Chapter Three : Medical Exam

5.8K 67 5
                                    

Ilang beses nagring ang cellphone ko pero hindi pa din ako nagising. Marahil sa sobrang pagod sa paglalaba ng mga damit naming mag-ama at ni Nanay kahapon. Halos two days ko na ding iniintay ang tawag mula sa company ni Sir Chichi para sa sinasabi niyang parent interview. Baka ito na nga yun, sa isip isip ko. Agad agad akong naghilamos at nagpunta sa tindahan para magpaload at tawagan ang numerong kanina pa tumatawag sa akin mula alas-sais ng umaga.

"Hello, Good Morning po. Sino po sila? Pasensya na po at di ko nasagot yung tawag." panimulang bati ko ng narinig kong may sumagot sa kabilang linya. Isang babae ang nabosesan kong sumagot.
"Good Morning Mr. Ilagan?" panigurado ng babae. "Daniel Ilagan?"
"Yes mam. This is him po. Sino po sila?" usisa ko.
"Hi Mr. Daniel, sorry if I kept on calling you too early. I forgot to call you yesterday kasi about this." sabi ng babae. "This is Chloe De Guzman nga pala, HR Manager sa Huge D Tutorial Services."
"Ahh...yes mam. Okay lang po. Late na po ako nagising din." paliwanag ko.
"That's okay. It's really too early and it is my fault. Pero I would like to ask if you are available ng mga 8 or 9pm mamayang gabi. We scheduled you kasi sa company doctor namin for Medical Exam para sa employment mo. I hope your schedule is still open." ani ni Chloe na may himig pakiusap.
Hindi naman ako nagdalawang isip dahil napakaaga pa naman. Marami pa akong time magprepare at ayusin ang mga dapat ayusin sa bahay bago ko iwan si Ichi kay nanay.
"Yes mam. Available naman po ako. Ano po bang dapat kong iprepare at saan pong ospital or clinic ako pupunta mamayang 8pm? Kelangan ko po bang magfasting?" sunod sunod kong tanong.
"That's great Mr. Daniel. I'll text you the location of the clinic and please ask for Dr. Joel San Jose. Usual APE naman to Mr. Daniel like any other companies, mabilis lang" paliwanag ni Chloe. "Then I think after we verify the results, susunod na call ko sayo is your client interview na."
"Alright. Thanks mam. Sige I'll be there ng 8pm for the Medical exam".

Maaga kong tinapos ang mga gawaing bahay ng hindi mahirapan si Nanay at magfocus na lang kay Ichigo. Nagpaalam ako sa kanya na magpapamedical exam at kelangan sa bagong trabaho. Excited naman si nanay dahil sa wakas ay bumabalik na naman ang buhos ng pera. Hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari sa initial interview dahil sa tingin ko, hindi na yun mahalaga. Ginusto ko din naman, at kelangan ko makuha itong trabahong ito dahil unti unti ng nauubos ang ipon ko. Isang buwan pa na walang trabaho, tiyak mamamalimos na ko sa daan pangkain namin. Nagbihis ako ng pantalon at puting t-shirt lang. Bagay na bagay sa akin ang tshirt na white dahil sa malalaking braso ko at matangkad kong tindig. Hindi rin alintana ang pagkamoreno ko na lalong nagbibigay ng astig na looks sa akin pag nakaputi. Nagsuot ako ng boxer shorts dahil alam kong may chance na papahubarin ako ng doctor para icheck ang genitals ko. Ganun naman ang usual APE kahit sa iba. Kung pwedeng iwaive, iwewaive ko na lang.

Nakarating ako sa isang private clinic ng bandang 7:45 pm. Located ang clinic sa isang di mataong subdivision sa may Makati. Panigurado akong mayaman ang doktor na may-ari ng clinic na to. Mukhang sa tingin pa lang din sa labas ay parang mas advanced pa ang facilities nito kesa sa mga state hospital ng bansa. Nakita kong nagbukas ng kusa ang pinto at may lumabas na buntis na pasyente at tila ang saya saya sa naganap na checkup. Inalalayan sya ng kanyang asawa at ng assistant nurse. Pagkaalis sa pinto ng pasyente ay agad kong hinabol ng tanong ang nurse.
"Nurse, I'm here for APE po from Huge D Tutorial. I'm looking for Dr. Joel San Jose for my Medical Exam" intro ko.
"Ahhh...Mr. Daniel Ilagan?" sabay ngiti ng nurse na parang kanina pa ko hinihintay. "Yes po. Doc is expecting you today. Ikaw lang kasi ang huling pasyente nya to close the clinic."
Nakakakonsensya naman ang sabi netong nurse. Pero anong magagawa ko, ito ang sinabing schedule sakin ni Chloe.
"Yes po. Ako po yun."
"Okay, tara po. I'll check your blood pressure, temperature and weight first. Tapos po ihandover na kita kay Doc for APE" paliwanag ng nurse.

Normal naman lahat ng resulta ng initial screen ng nurse sakin. Alam ko din namang healthy ako at hindi highblood nor overweight. Inihatid na ako ng nurse sa doctor's office mismo and she said she will have to go dahil gabi na. Doc will assist me from this point forward. Sumang ayon naman ako. Naghintay lang ako ng mga tatlong minuto ng lumabas ang doktor mula pa sa isang room. Tumayo ako sa kinauupuan ko bilang respeto.
"Take a seat sir." sabi naman ng doktor. "Are you Mr. Daniel Ilagan?"
"Yes Doc. Pinapunta po ako dito ni Ms. Chloe De Guzman for APE" paliwanag ko.
"Yeah, I'm expecting you too. Nakalimutan nya nga daw ischedule ka sakin and nakiusap kung pwedeng today ko gawin ang APE. Sadly my only open schedule is ngayon gabi, end of my shift." smiling face si Doc.
"Thank Doc. Pasensya na po. " sabi ko.
"No, no no! Don't get me wrong. That's fine. I'm their company doctor too, so talagang responsibilidad ko ang health ng LAHHHHHAT ng tutors nila." paliwanag ni doc. "I'm Dr. Joel nga pala and I'm sure if magtagal ka sa company, we will be seeing each other a lot." sabay wink ng smiling doctor.
Mukhang very concern nga si Sir Chichi sa health ng mga tutors nya.

Tutor Daniel (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon