Chapter Nineteen : Lost and Lust Part 1

5.3K 70 2
                                    

"Sino kayo?" sigaw ng lalaki mula sa kalayuan. Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil may dala syang flashlight at nakatutok sa amin ni Jinn ang liwanang nito.
Nagdecide akong magsalita para malaman nyang hindi kami masamang tao.
"Saglit sir! Hindi kami masamang tao, naliligaw kasi kami." sigaw ko mula sa kinahintuan namin ni Jinn. Nakakapit lang sa damit ko ang binata na parang takot na takot.

Hindi nagsalita ang lalaki. Inilawan kami ulit ng flashlight at inilibot ang ilaw sa madilim na bukid. Baka tinitignan kung may kasama kaming ibang masamang loob. "Kami lang pong dalawa sir. Naliligaw po kami" panigurado ko.
Maya maya pa ay lumakad papalapit samin ang lalaki. Unti unti kong naaaninag ang itsura at built nya. Malaki ang pangangatawan neto. Moreno at mukhang batak sa trabahong bukid. Nakamaong na pantalon na tinupi hanggang tuhod at manipis na tshirt na parang kamisa-chino. May hawak na itak sa kanang kamay at flashlight sa kaliwang kamay.
Agad kong itinaas ang kamay ko na parang susuko sa pulis. Kailangan kong gawin para mabatid nyang wala kaming gagawing masama.
Tumapat sya sa amin ni Jinn at pinatay at ibinaba ang ilaw ng flashlight na hawak nya. May konting liwanag na nanggagaling dito, sapat para makita namin ang isa't isa.
"Paanong naligaw kayo dito? Ang layo nito sa city ah?" tanong neto. Maamo ang kanyang mukha. Medyo malago ang mga bigote sa paligid ng mukha pero hindi mahaba. Halatang alaga pa din sa ahit.
"Di ko din alam sir. Sinundan ko lang ang sinasabi netong binata na kasama ko. Sya kasi ang may alam nung place nila dito. Pinagdrive ko lang sya dun" paliwanag ko. "Daniel nga po pla" sabay abot ng kamay para makipagkamay. Hindi maiabot ng lalaki ang kamay nya dahil pareho itong may hawak.
"Saan ba ang inyong tungo?" tanong ng lalaki. Hindi pa rin kumakalma ang pagkakahawak nya sa itak nya.
"Verde Patch po kuya...." sabat ni Jinn na nasa likuran ko pa din.
"Sa Verde Patch? Sino kayo at anong gagawin nyo dun?" mukhang alam ng lalaki kung saan ang lugar.
"Anak ng may ari tong kasama ko. Magbabakasyon at may kailangan aralin dun para makapagconcentrate. " paliwanag ko.
Sinisipat ng lalaki si Jinn. Si Jinn naman ay tinatago ang mukha sa likod ko.
"Anak ka ni sir Alvin?" biglang tanong ng lalaki sabay isinuksok ang itak sa basyo nito na nakasabit sa bewang nya.
Parang nabuhayan ng loob si Jinn at biglang lumabas sa likuran ko. "Kilala nyo po si Daddy??" tanong ni Jinn.
"Ay oo naman bata. Si Sir Alvin ang nagbigay sakin ng lupang sakahan na to. Bilang bayad, ako nag-aalaga ng mga halaman nyo sa Verde Patch." Nakahinga ako ng maluwag.
"Small world! Kuya pwede mo ba kami samahan dun?" sabi ni Jinn.
Tumingin lang ako sa lalaki na parang may sasabihing problema.
"Nako bata, hindi na tayo pwede dumaan dun sa dinadaanan ko ngayong gabi." pauna nya. "Ano nga palang pangalan mo?"
"Jinn po."
"Jinn hindi na pwede. May nakabantay kasing sundalo dun at hanggang 6pm lang pwede dumaan. Sa ibang daan naman ay aabutin tayo ng isang oras paikot." paliwanag ng lalaki. "Roland nga pala name ko. Pag sinabi mo pangalan ko kay sir Alvin, kilala nya ko." sabay ngiti ni Roland.
Sumimangot si Jinn. "Nako Sir Dan, pano po yan.....mukhang bukas pa tayo makakaalis dito...." reklamo ng binata.
"A...eh...Dan pare, sir Jinn, kung gusto nyo eh dito muna kayo tumuloy at magpalipas ng gabi sa kubo ko. Bukas na bukas samahan ko kayo sa Verde Patch. Tutal 5 am naman umaalis na ko ng bahay para pumunta dun." paanyaya nya. "Kung okay lang naman sa inyo"
May kakaibang ngiti si Roland na hindi ko mawari. Pakiramdam ko naman ay mabait sya at totoo ang kanyang sinasabi pero may kakaiba pa din akong nararamdaman.
"Okay lang sakin Jinn, kesa sa sasakyan tayo matulog. Hindi tayo magiging kumportable dun" sang-ayon ko kay Roland.
"Sige po Sir Dan. Okay lang sakin. New experience ang makatulog sa kubo" sabay ngiti ng binata kay Roland.
Napangiti din ulit si Roland.
"Mabuti naman sir Jinn. Tara Dan pare, sir Jinn sundan nyo lang po ako. Ingat lang po at medyo mataas na ang palay ko dito, pero wala naman anumang nangangagat or ahas" sabay nagsimula ng lakad.
Bandang dulo ay nakarating kami sa isang kubo na mas malaki sa pangkaraniwang kubo. Halatang matibay at pinaghirapan din naman ang pagkakabuo nito.
"Ikaw lang ba mag-isa dito?" tanong ko.
"Ah oo pare. Patay na misis ko eh. Hindi nga kami nagkaron ng anak bago pa sya malagutan ng hininga" malumanay na sabi ni Roland.
"Ah sorry pare. Masyado akong matanong."
"Okay lang, Wala namang kaso. Halika at pumasok kayo ni Sir Jinn" paanyaya nya.
Tumambad sa amin ang isang napakalaking kusina at sala sa loob ng kubo. Presko sa paningin at halatang mahal o pinaghirapan ang pagkakaistilo.
"Hanep pala tong bahay mo pare ah" mangha ko.
Natawa sya. "Mabuti naman at nagustuhan mo pareng Dan" pauna nya. "Katas ng pagsisikap ko yan. Medyo matagal din bago ko nabuo."

Tutor Daniel (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon