Chapter Sixteen : Evening Session Part 1

4.6K 58 3
                                    

Tanghali ng tumunog ang cellphone ko mula sa maong pants na suot ko. Kasalukuyang naglalaba kami ni Ulyssis sa labas. Nangako syang tutulungan nya ko at tinupad nga ng loko. Baka talagang gustong gusto na uminom ng alak. Gusto ko din sya makausap ng maayos tungkol sa nangyari kaninang umaga.

"Hello Boss!" sagot ko.
"Daniel? Ikaw ba to?" tanong ng lalaki sa kabilang linya.
"Yes boss Chichi. Ako po to. Sorry po medyo maingay, nasa labas kasi ako ng bahay" paliwanag ko.
Sa labas ng bahay kami naglalaba ni Ulyssis. Di kasya ang mga banyera sa loob ng maliit na CR sa 1st floor, at lalong hindi kasya sa banyo ng kwarto ko.
"Daniel, you will need to prepare dahil nagrequest ng Out of Town tutorial si Jinn. Isa sa anak ni Mr. Villaverde. And sorry for the late notice, it will be tomorrow afternoon till the next day." paliwanag ni Clinton.
"Okay boss, ano po bang kailangan dalhin or iprepare? What subject daw po ba nahihirapan si Jinn?" usisa ko.
"Based on what Alvin said, its History. Bring the workbook for the subject and focus on the Asian History. Flanking daw ang last exam. I don't want to worry but it shows na the child really needs tutorial." dagdag pa ni Clinton. "Tutal you've been assigned as their exclusive tutor, all expense paid and can you drive?"
"Yes boss I'm licensed pro driver. Bakit po?" tanong ko ulit.
"I think you will need to drive his car going to San Pablo, Laguna. Dun sa rest house nila." sabi ni Clinton. "Drivers are not available kasi may importanteng meeting si Alvin and Finn also needs driver for his schoolwork"
"Wala naman problem boss. What time should I be there to pick him up?" tanong ko.
"You need to be there at 4 pm. Jinn will show you and orient you about his car. It's no brainer and not that high-end car." paliwanag pa ni Clinton. "So are you good?"
"Yes boss. I'll be there."
Natapos ang usapan.
Nakatingin lang sakin si Ulyssis at nakangisi pagkatapos ng call. Mukhang sinasabi ng mukha nya to be ready for tomorrow.
"Bakit pre? May nakakatawa ba sa mukha ko?" inis kong tanong.
"Wala pre. Pero alam mo na ibig kong sabihin sa tawa kong to diba?" sabi nya. "Been there. Done that. It's your time to shine" sabay tawa ng malakas.
Gagong to. Sa isip isip ko.
Hindi na ko kumibo at nagpatuloy na lang sa paglalaba para maaga matapos at masimulan ang inuman. Isa pa ay alam kong kelangan ko magprepare ng mga susuutin para bukas.

++++

Natapos kami ni Ulyssis maglaba ng mga bandang alas-syete ng gabi. Sa bahay na din pinakain ni Nanay si Ulyssis dahil na din sa pagtulong nito sakin sa paglalaba. Masarap ang inihandang pagkain ng nanay. Panay ang pasalamat ko hanggang sa naunang nagpunta ng kwarto ang maglola. 9 pm ng simulan namin ni Ulyssis ang pagtungga. Nagpabili kami kay Rico ng gin bilog, empi at red horse. Walang wala lang ang mga to samin at sanay na sanay na kami uminom simula pa nung kolehiyo. Habang nag iintay naman kay Rico mula sa tindahan ay nagprepare ako ng pulutan namin. Galante ako pagdating sa inuman. Madami akong hinahandang pulutan para hindi agad malasing at madaming mapag usapan. Naglabas ako ng chicharon galing Norzagaray, kornik, nagluto din ako ng tenga ng baboy na sinamahan ko ng tokwa at iba pang mga chichirya. Siguro naman wala ng marereklamo etong kaibigan ko sa treat ko sa kanya. Para na din tumahimik sya at wag ibulgar ang sikreto naming trabaho. Kailangan pagbigyan.

"Pare, bakit di natin painumin na din to si Rico?" sabi ni Ulyssis pagkatapos ilapag ni Rico sa mesa ng sala ang mga alak at ice cubes.
Napatingin si Rico kay Ulyssis. Napatingin naman ako kay Rico.
"Ehh...hindi ko alam kung umiinom yan eh. Laking probinsya yan pre, baka magkaproblema tayo pag nalasing yan." sambit ko habang abala sa paghiwa ng tenga ng baboy.
"Di ka ba umiinom Rico?" tanong ni Ulyssis kay Rico.
"Ako po? Eh nakainom na din po sa amin. Hindi naman po ako baguhan pagdating sa ganito" sabay ngisi ng binata.
"Ayown!!! Tara sumama ka na samin dito. Mas madami, mas masaya magkwentuhan. Okay lang ba sayo?" nakakalokong tanong ni Ulyssis.
Nakatingin lang ako kay Rico. Wala akong pakielam kung pumayag sya o hindi. Mas masaya nga naman ang inuman pag marami. Mas maganda din masanay si Rico sa ganitong imbitasyon dahil kapag nagsimula na tong magtrabaho, siguradong magkakaayaan ng mga kasamahan. Mabuti pang malaman ko kung paano malasing ang binata para hindi rin mag-alala ang inay kung sakali.
"Sige po sali ako kuya." sabay upo ni Rico sa mahabang sofa. Si Ulyssis naman ay nakaupo sa pang-isahang sofa sa gilid nya. Si Ulyssis ang nakatapat sa TV. Si Rico, at malamang ako din, na uupo sa mahabang sofa ay nakatagilid ang posisyon sa TV.
Binuksan ni Ulyssis ang TV at naghanap ng mapapanood na movie. Umupo na din ako sa kabilang side ng mahabang sofa, halos tabi ni Rico. Inilapag ko ang huling pulutan at nasimula ng maglagay ng mga ice sa baso.
Madaming napagkwentuhan. Kinuwento namin kay Rico ang mga kalokohan namin nung college namin at hanggang sa mag-asawa at nagkanya kanyang buhay. Si Rico naman ay ibinida din ang taniman nila ni Tatay Ben ng strawberry sa Baguio pati ang epekto ng pandemic sa negosyo kaya sya napilitang lumuwas ng Maynila. Panay tawanan at asaran ang nangyari na halos di namin namalayan na alas-dose na pala ng hatinggabi. Namumula na din sa kalasingan si Rico. Ako din ay parang inaantok na dahil parang halos palagi ata akong tinatagayan ni Ulyssis. Buhay na buhay pa sa pakikipagbiruan si Ulyssis at parang di talaga nalalasing. Simula pa ng college, ganito na talaga ang kaibigan nya. Palaging palaban pagdating sa inuman. Si Ulyssis ang palaging naghahatid sa kanya sa bahay kapag langong-lango na sa alak at hindi na makauwi. Bilib pa din sya sa tibay ng kaibigan pagdating sa alak.
"Napakaboring naman netong pinapanood natin" sambit ni Ulyssis. "Teka may usb ako dito pre, action scenes. Pwede ba yun?" ngisi ni Ulyssis.
Wala na ko sa ulirat. Lasing na ko at hindi na masyadong makapag isip. Tumango na lang ako at hinayaan si Ulyssis isaksak ang USB sa TV namin. Hininaan nya ang volume ng TV para halos sa buong sala lang maririnig ang palabas. Pinlay nya ang isang movie na nasa USB nya na ang title ay 'Pharaoh's Curse'.
"Eto pre maganda to" ngisi ni Ulyssis.
PUTANGINA! Gay porn pala ang pinalabas ng mokong. Nagulat si Rico sa napapanood. Nagbalik ang ulirat ko at pinatay ko bigla ang TV nung aktong pinagtutulungan na ng dalawang slaves yung Pharoah para sa sex.
"O bakit mo pinatay pre?" tanong ni Ulyssis.
"Siraulo ka ba pre? Ano yang pinapanood mo sa bata?" bulong kong pasigaw kay Ulyssis referring to Rico.
"Okay lang yan. Malaki na naman yang pamangkin mo eh. Maganda nga mapanood nya to para hindi na sya ignorante sa takbo ng mundo" paliwanag ni Ulyssis. "buksan mo na....maganda yan..."
"Tama na pre. Itigil na natin to. Matulog na tayo" sabi ko. "Isa pa lasing na din yang bata at halos maubos na natin lahat ng alak oh...may lakad pa ko bukas din.
Walang nagawa si Ulyssis at nagsimula na akong magligpit kahit parang hilong hilo at pagod na ko. Kahit na malakas ako sa alak, sa dami ng nilabhan ko, hindi ko pa din kayang pantayan ang tibay netong kaibigan ko sa inuman.
"Okay.....sabi mo eh..." mukhang nadisappoint. "Ako na magliligpit dito, pumanhik ka na at parang hilong-hilo ka na eh. Rico samahan mo si kuya mo sa taas."
"Sure ka ba pre? Sige maglalatag na lang si Rico ng kutson. Dun ka na din matulog sa kwarto at malamok dito sa baba, wala din kaming extra na electric fan sayo." sabi ko sabay hinayaan ko na ang mga nakalatag na bote ng alak.
Inalalayan ako ni Rico paakyat, papasok sa kwarto at talagang hilong-hilo na ako. Napapikit na ko sa antok. Bago pumikit, inutusan kong si Rico na maglatag na lang ng kutson para sa kanilang dalawa ni Ulyssis. Sumunod naman ang binata sa utos ko. Hindi naman namin masyado pinainom ang binata, dahil alam naming hindi pa ito sanay sa lakas namin uminom. Pero mahahalatang lango na din ito at wala na din sa wisyo at namumula. Sana lang ay hindi na ito curious sa pahapyaw na napanood kanina.
Nakatulog na ko ng makita kong ready na ang higaan ni Ulyssis sa lapag.

Tutor Daniel (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon