Chapter Thirty-Eight : Rico

5K 109 13
                                    

Pagkatapos kumain ng tanghalian ay kinausap ko ang anak kong si Iggy. Busy-ng busy sya sa paglalaro ng robot pero gusto kong simulan na ang pagkukwento kay Iggy about sa "pinsan-kuno" kong si Alvin dahil mukhang desidido na kong tanggapin ang alok nitong proposal. Uunahin ko muna sya at ieexplain ko na lang kay Rico ang mangyayari sa ibang oras.
"Iggy anak...." tawag ko sa bata pagkaupo ko sa sofa.
Kasalukuyang wala si Rico dahil umalis ito para mag-apply sa isang food chain store. Gusto daw ng binata makatulong sa gastusin kaya kahit ayaw ng inay dati na magtrabaho muna sya, ay pinilit nya ako sa kanyang desisyon dahil malamang daw ay kakailanganin ko ng tulong sa gastusin. Kung alam lang ni Rico, malapit na syang tumira sa isang malaking bahay.
"Bakit daddy?" tanong ni Iggy. Anim na taong gulang na si Iggy at nakakaintindi naman na ito ng mga bagay bagay. Masyado syang nalungkot nung nawala ang inay pero ngayon ay nakarecover na dahil sa mga pinadalang laruan ni Alvin.
"Magpapalit tayo ng kwarto anak ah? Dun ka na mag-isa sa kwarto ko sa taas. Iyo na ang kwartong yun. Kami naman ni Kuya Rico mo dito sa kwarto niyo ni Inay dahil mas malaki at malawak to para sa aming dalawa. Kaya mo na bang mag-isa sa kwarto?" tanong ko.
"Opo naman daddy. Can I bring my friends to my room and we can play robots?" usisa ng bata.
"Hmmmm....wag muna hanggang sa maayos na natin lahat. Okay lang ba anak?" tanong ko.
"Okay lang po Daddy." sabay tingin ulit sa laruang robot. "Daddy...."
"Oh anak?"
"Who is this Uncle Alvin who gave me these robots? He's really cool. Sana he will give me more. " sabay tawa ng anak ko.
Sobrang nakakataba ng puso na makita ang mahal mo sa buhay na nag eenjoy at nakangiti sa mga bagay na hindi man galing sayo direkta pero isa ka sa dahilan kung bakit sila nakakatamasa ng ganun.
"Ahhh si Uncle Alvin....he is my cousin anak." panimula ko.
"Cousin?? Pinsan mo po si Uncle Alvin?" takang tanong ng anak na biglang natanggal ang isang kamay ng robot.
"Uu, pinsan ko siya anak. Nakilala ko lang sya nung time na namatay ang inay Rora. Nagkakilala kami ulit sa ospital." pagsisinungaling ko.
"Really daddy??! Wooooow! Ambait nya po. Can you ask him for more robots? The one like Transformers, the yellow one..." excited ang anak ko.
"Hmmm.....I can pero anak he said something to me but I don't know if you are okay with it." eto na. Sasabihin ko na.
"What is it daddy?" usisa ni Iggy.
"He wants us to live with him in his house. He knows that we no longer have inay and he wants to help us. Do you want to live in a huge house?" tanong ko. Tumahimik si Iggy.
Pinapakiramdaman ko kasi biglang nag-isip ang bata habang kinakabit ang kamay ng robot na natanggal nya.
"So daddy, I won't have my room anymore?" ayun pala ang problema nya.
Natawa ako.
"Ohhh no no! You will have a bigger room there! Of course you will have your own room here today. I will fix it. Kuya Rico and I will stay downstairs. But after a month, baka dun na tayo tumira sa big house ni Uncle Alvin. Are you okay with it?" tanong ko.
Sumigla ulit ang bata at kumuha pa ng isa ulit na robot. Pinag away nya ang dalawang robot sa harap ko.
"Opo. If I will have a bigger room, I can bring all of my friends there." natuwa ako sa sagot ng anak ko.
Inisip ko, lahat ng gagawin kong desisyon ay para na lang sa ikakabuti nya. Nila ni Rico na parang kargo ko na din ngayon. Tutal napasok ko na ang ganitong sitwasyon, gagamitin ko na tong oportunidad na to para maiahon at maparanas sa anak ko ang ginhawa na hindi nya naranasan nung mga panahong nagkasakit ng cancer ang mommy nya at walang wala kaming pera para maibigay ang mga gusto nyang bagay. Sana hindi ako magkamali sa gagawin kong hakbang.

Buong hapon ay naging abala ako sa paglilipat ng gamit papunta sa taas at pababa. Lahat ng gamit ni Iggy at laruan ay kasyang kasya sa kwarto ko sa taas. Ang mga damitan naman namin ni Rico ay swak din sa baba dahil sa may dalawang cabinet ito at maluwag na kama. Mas makakagalaw din kami ng maayos ni Rico dahil ito ang master bedroom ng inuupahang bahay na to, maybe for at least a month bago kami lumipat sa bahay ni Alvin. Kung papayag si Rico na sumama sa akin.
Maaga akong nagluto ng panghapunan. Maaga din kasi natutulog si Iggy at excited sya sa bago nyang kwarto sa taas. Safe naman din para sa bata ang ikalawang palapag dahil malawak ang hagdan at mas sariwa ang pumapasok na hangin sa kwarto. Nagluto ako ng sinigang na siya namang ikinatuwa ni Iggy dahil mahilig sya sa maasim na ulam.
"You like it?" tanong ko.
"Opo daddy. Pero mas masarap pa ding magluto si Inay Rora." bigla syang natahimik.
Nalungkot na naman ang bata habang naaalala ang inay.
"Iggy anak....inay Rora already in heaven. She's watching you right now. Gusto nya palagi kang happy kaya don't be sad anymore. She's in the happiest place right now." pakalma ko sa anak ko.
"I know daddy." natapos nya ang pagkain nya at naglaro ng kaunti habang ako ay naghuhugas ng pinagkainan.
Umakyat na sya ng kwarto nya pagkatapos ng isang oras dahil inaantok na daw sya. Yumakap at humalik muna sya sa pisngi ko bago umakyat sa bago nyang kwarto.
"Careful with the stairs Iggy."
"Opo daddy."

Tutor Daniel (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon