-THE INTRODUCTION-
~.+**+_______+**+_______+**+_______+**+_______+**+.~
Hi I'm Lorraine Briones Cruz. 17 years old. Di masyadong katangkaran. Mga ''5''6 lang ang height ko. Medyo kaputian. Honor student nung elementary at highschool. I am ghost girl next door. JOKE! (-__-)vAdvance din ako pagdating sa pag-aaral. Mabait ako sa kakilala nga lang. Pag di kita kilala, Di rin kita kakausapin. You shouldn’t bother why. I’m not too clumsy (Promise) at minsan may pagkaloka-loka (Take note: Minsan lang). May pagkatopakin kasi ako kaya ganon. Marunong ako magvolleyball , magtaekwondo (Nag-aral talaga ako nyan pang self-defense) at magswimming (Yeah~ I’m an average girl, Under and Below?)
Nag-aral ako sa private school nung Elementary at Highschool. Loner ako eh (Alone). Walang friends kasi nga daw sa Snob kong ugali. Pero kung magaaproach lang talaga sila sa kin ng Masaya at walang halong kaplastikan, magiging friends kami. Halos lahat kasi sila sinasabing mayabang daw ako porket magaling ako sa Academic Subjects tsaka Valedictorian pa ko ng klase kaya maraming naiinis sa kin. Masisisi nyo ba ako kung ‘yon ang gusto ni daddy. Oo ang daddy ko lahat ang may gusto niyan. Kelangan daw maging honor student ako. Ginusto ko rin naman eh. Why angal pa, hindi ba?
Ako lang ang kaisa-isang anak at only girl pa. Laging may nakabantay sa kin na mga bodyguards but several times na kapag wala akong magawa, magpapahabol ako sa kanila. Kaya nga ako nag-aral ng taekwondo para wala ng ek-ek na ganyan tapos ito ngayon nakatayo sila sa left at right side ko (=____=) Parang preso lang. Pero kahit na ganon ang gusto ni daddy, mahal ko pa rin sya. Gusto lang naman niya ako protektahan eh. At sya nalang ang meron ako. Wala na akong mommy nung 4 years old ako. Sabi kasi sa kin ni daddy, naaksidente daw kami ni mama at ako lang daw ang nabuhay. Hanggang ngayon, parang bangungot ang pa rin ang pangyayari.
Ang daddy ko ang nagmamay-ari ng iba't-ibang five star hotel sa Philippines. Maraming Branch ang company namin. Maimpluwensyang tao rin si daddy, kaya nagagawa niyang maparami ang lupain at company namin. Ako daw ang magmamana kaya kailangan magaling ako pagdating sa business. Di ko alam kung magiging masaya ba ako o malulungkot kasi sa ‘kin mapupunta ang lahat ng pinaghirapan nila ni daddy. As in ako lang mag-isa. Ako nga lang ba? I should not think it first.
_______________________________________________________________
Since malapit na rin ang pagpasok ko sa college, bumili ako ng mga bagong gamit at damit. Ito nalang ang nagpapasaya sa akin. Wala akong friends na sasama para makausap ko. Hay Buhay ! NakakaShemay! Maybe, its time for me to make friends. Eh kasi naman eh! Parang mahirap~ (Mahirap ba?)
Nang matapos na ako bumili ng mga gamit, Sumakay na ako sa kotse ko at umuwi. Pagkarating ko sa bahay, umakyat agad ako sa office ni papa para sabihin sa kanya na nakauwi na ko. Remember, my dad is always worried when it comes to me.
Malapit na ako sa office ng daddy ko then I heard something. Siguro kaibigan niya o business partner yung kausap niya. Hindi dapat ako makinig sa usapan nila.
Aalis na sana ako nang marinig ko ang boses di daddy...