Tsapter piptin!
~.+**+_______+**+_______+**+_______+**+_______+**+.~
Several days had passed. Unti-unti na akong natututo magluto. Masarap naman kahit konti. Yung paglilinis naman ng bahay masyadong easy para sa kin. Yung paghuhugas ng plato naman, madali ng gawin. Ilang araw din akong napagalitan ni manang kasi daw simpleng paghugas lang sa plato di ko pa makuha. Pwede na ako maging maid (_ _")
Free day ko ngayon kaya naisipan kong pumunta kila Nicole. Hinatid ako ni mang ronnie sa bahay nila. Pagpunta ko dun walang ibang tao kundi yung maid nila. Nasaan naman kaya siya? Pumasok ako sa bahay nila dahil kilala naman ako ng maid. Pumasok ako hanggang sa kwarto niya at nagalkal ng gamit niya gaya ng ginagawa ko dati. Dati ko pa to ginagawa simula nung bata kami. Ginamit ko yung make-up kit niya tsaka yung dress niya. Nagpicture picture ako sa loob ng dress room. Malaki yung dress room niya kaya naging favorite spot ko yun. Natapos na akong maglandi sa loob kaya nagdecide na akong lumabas habang suot suot ko yung pink dress niya. Ang taray diba? Nakamake-up pa ako tsaka lipstick pa ako. Hinayaan lang ako ni Ate maid dahil daw pinsan ko naman siya. Naks naman! Ang bait ni Ate.
Naglakad lakad ako sa labas ng village. Napatahimik dito sa loob ng village na to. Dapat pala dun nalang tumira si nicole sa bahay para party party kami palagi. Gusto ko sana ng girl to girl talk eh. Kaso si manang luz lang naman yung nandun para kausapin ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang white house.
Wow! Takte! Ang ganda naman! Pero mas maganda pa rin yung kay Nathan. Type ko tumira dun kaso kay MOODY MAN naman yun! Hayyyyy.. Naboboring na talaga ako.. Sana naman kaya pwedeng pumunta? Di ko naman alam yung bahay nila She at Via.. Hindi naman pwede kay Moody Man dahil nga feeling babae..
Nag-isip isip muna ako ng ilang minuto..
Mukhang alam ko na! Dito nalang sa white house.. Titignan ko kung sino yung nakatira..
May pagkacurious lang talaga yung ugali ko kaya ganito.
Dahan dahan akong pumasok sa loob ng gate.
Mas maganda pa dito sa loob. Ang linis at parang tahimik rin.
Ang sunod na pinuntahan ko naman yung loob ng bahay.
Kinakabahan ako. Pangalawang try ko na to' Sana hindi ako mahuli. Ewan ko ba kung bakit ang kati kati ng paa ko pumasok sa bahay ng may bahay. Nagtao po ako pagkapasok ko sa pinto. Walang sumasagot kaya nagtry pa ako.
"Tao po!" ulit ko pero wala pa rin talaga. Halos ume-echo na yung boses ko. Malinis naman yung mga gamit kaya sure ako na may nakatira dito.
Pinagpatuloy ko nalang yung paglalakad hanggang makarating ako sa kitchen. Malinis din naman dito. Binuksan ko yung ref at marami namang laman. Lumabas ako sa kitchen tapos pumunta sa sala. Parang isolated tong lugar na to eh.
Dahil nga sa feelingera ako.. Umupo muna ako sa sofa tsaka pinagmasdan ko yung mga painting na nakasabit sa wall.. Ilang sandali pa, nakarinig ako ng tunog..
Parang rock music yung naririnig ko.. pinakinggan kong mabuti kung san nanggagaling yung tunog at mukhang nanggagaling dun sa likod ng bahay..
Pinuntahan ko yung likod at..
Isang malawak na swimming pool ang nakita ko. Naglalakad lakad pa ako ng konti at natagpuan ko kung saan nanggagaling yung tunog. Sa cellphone pala nanggagaling yung tunog. Lumapit pa ako ng konti parang tignan. May tumatawag sa cellphone. Number lang yung nakalagay. Sino naman kaya mag-iiwan ng cellphone dito at di man lang sagutin yung tawag. Ang bingi siguro nun.
BINABASA MO ANG
MEET LOVE AND DESTINY (EDITED)
Ficção AdolescenteCOMPLETED/PG-13/NO SOFT COPY/NO SEQUEL