Tsapter 3L3b3n
~.+**+_______+**+_______+**+_______+**+_______+**+.~
Maaga akong nagising. Napag-isipan kong pumunta sa park malapit sa bahay namin. Wala lang. Trip trip lang. Pansin ko kasi na hindi pa rin nawawala yung stress ko. Masyado akong depress dahil sa parami na nga ng parami yung mga activities na binibigay sa ‘min. Isama mo pa yung pagpaparactice ko ng mga gawaing bahay dun sa bahay ng Nathan na yun. Nafifeel ko na yung sobrang pagod.
Nandito ako ngayon sa swing. Ako lang mag-isa dito dahil nga sa maaga pa. Malamig lamig din dito kaya feel ko yung pagsesenti ko. Sa sobrang pag-iisip ko ng mga nakakalokong bagay, pumasok sa isip ko yung Nathan na yun. Hindi pa pala ako nakakabawi sa mga kasungitan niya sakin. Siguro naman hindi pa siya gising kaya may naisip nanaman akong idea para mabawasan man lang ng kahit konti yung stress ko.
Naeexcite ako masyado sa gagawin ko. Hahahaha. Siyempre, sinilip ko muna kung nandiyan yung stupid dog niya. Nung napansin kong wala, pumasok ako sa bahay niya. Kinuha ko kasi yung susi nung isang araw habang naglilinis ako sa bahay niya. May spare key naman siya kaya okay lang. Hindi naman niya yata mahahalata. Para naman kasing walang paki yung lalaking yun eh. Di ako magna kung iniisip niyo. Trip ko lang ‘to.
So yun nga. Pumasok na ‘ko ng pinto tsaka nag umpisa mangalkal ng gamit. Nangangalkal lang naman ako eh. Di ko naman kukunin. Napansin ko yung isang bagay na parang familiar sa kin. Nilapitan ko yun tsaka pinagmasdan.
(O...O)
WALANG HIYA YUNG LALAKING ‘YON!!! Kinuha yung picture ko. Kinuha ko yung picture ko na nakadikit sa gilid ng hagdanan. Bakit naman kaya niya gagawin ‘yon!?. Tumalikod na ko para umalis ng bahay nang...
*BUMP!*
I suddenly bump on something… Something hard that makes my feet weak…
(O_O) Napagulp ako.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.
Naihulog ko yung picture dahil sa gulat ko.
Napaurong na lang ako dahil baka kung anong isipin niya. Ito na! He’s gonna kill me.He'll Kill me to death.
“W-wala..” I stuttered.
“Wala!? Pumasok ka ng bahay ko tapos sasabihin mong wala!? Sinong pinagloloko mo!?” he said.
“E-eh..” nag-isip muna ako “N-nakabukas kasi yung gate mo kaya ko tinitignan ko kung… k-kung may tao” then I smiled.
“Are you sure!?” he asked.
“O-Oo naman no?!” I answered.
Hinila niya ako papuntang kusina. He grabbed my hand forcefully.
“A-a—aray ko!” pag-angal ko dahil hindi niya pa rin ako binibitawan.
“Then watch that!” he demanded. Tapos tinulak niya ako papunta dun sa harap ng flat screen na tv.
“Aray ko! Nakakailan ka na ahhh!” I said with irritation. But then, he just looked at me with serious expression.
Geeze.. Natatakot na ako sa kanya.. Masyado naman siyang seryoso.. Tumingin na lang ako dun sa tv..
And.....
I saw myself unlocking his gate and then his door (O.O”) Shocks! I-Ibig sabihin.. K-kanina pa pala niya alam na .. .. pati yung pagpasok ko sa loob ng bahay niya nakuhanan.. Bakit ba kasi sa lahat ng makakalimutan ko .. yung CCTV pa !? Oh Crap! Pano na ‘to? Parang di ko alam yung sasabihin ko. Sabihin nalang natin na nalaglag yung panga ko dahil sa ginawa ko. Now what!? I’m dead. Natapos na yung playback ng video but my feet still rooted on the floor.
BINABASA MO ANG
MEET LOVE AND DESTINY (EDITED)
Novela JuvenilCOMPLETED/PG-13/NO SOFT COPY/NO SEQUEL