Tsapter porten!
~.+**+_______+**+_______+**+_______+**+_______+**+.~
Monday Morning..
Pagkapasok ko, sinalaubong agad ako nila She. Sorry sila ng sorry kung bakit nila ako hinayaang umalis mag-isa. Sabi ko okay lang yun pero patuloy pa rin yung sorry nila.
"Stop it! Okay na ko!" sabi ko.
"Hindi ka okay! Tignan mo oh! Ang dami mong sugat!" sabi ni She.
"Sorry na talaga hah.. di naman namin alam ehh.."sabi ni Via.
"Teka, pano ka ba nakatakas dun sa mga pangit na lalaking ‘yon!?" tanong ni Nicole
"H-hah!? W-wala yun"
"Asus! Wala daw! Sabihin mo na kasi!" pagpilit ni Nicole.
"Teka! Wag ka masyadong persistent! Wala rin akong maalala. Basta paggising ko, nandun na ako sa bahay." I lied.
"Huh!? Di mo kilala yung Knight in shining armor mo?" sabi ni Via
Loka! Knight in shining armor? Di bagay. Mas bagay yung Moody Man.
"Yuck! Mandiri ka nga! Ang corny mo!" sabat ni She.
"Hahahahaha. Night in armor kamo? Baka naman kung sino lang yun." sabi ni Nicole.
"’Wag niyo na nga yang pag-usapan please?" sabi ko sa kanila. Ayoko na maalala yun. Naiinis lang ako lalo.
"Okay!" sabi ni Nilang tatlo ng sabay.
Naglakad na kami papuntang canteen para makapagbreak. Di na kami lumabas ng campus. Baka kasi mangyari ulit yun at kung ano pang mangyari sa min. Wala naman masyadong nangyari. Pumunta naman ako sa bahay ni nathan pagkauwi ko. Pinaabot ko na lang kay manang lourdes yung sleeve tsaka yung term paper niya. Natutulog daw siya. Ayaw magpaistorbo. Kala mo naman gwapo! Hmmmppp!
Tuesday Afternoon
Spell Hectic ? Uggghhhh. Habang tumatagal parami ng parami yung mga pinapagawa ng mga prof dito. Sila Via at She ? Ayun, nagpapagawa din sa kin ng term papers nila. Pero siyempre, hindi yun ganun kadali. Kinulit kulit nila ako then they asked me kung anong gusto ko. Well Isa lang naman yung gusto ko eh. Itreat nila ako lagi sa Jollibee. Weird ba? Masarap kasi dun eh. Hindi naman sila humindi kaya we made a deal. Madaling deal lang yun kaya umoo sila. Buti nalang si Nicole hindi nagpagawa. Itatry niya lang daw kung pano gumawa.
Break namin ngayon. We’re here at Jollibee. As usual, madaming inorder si Via. Nakikita ko yung mga mata niya. Malungkot. Wala daw yung crush niya. Direct na ngayon siya magsalita dahil alam na daw namin kung sino. Ang lakas ng loob niya. Kung ako yun, todo deny pa ang gagawin ko. Kami nalang yung kumain dun sa mga hindi nakain ni Via.
“Hoy! 1:30 na! Baka malate tayo!” sabi ni She habang nakatingin sa wrist watch niya.
“Bebang talaga? Hahahahaha. Teka Lorraine. Nasan na yung term papers namin ?” tanong ni She.
“Wait.. ito oh” tapos inabot ko na kay She.
“Salamat Sis!” sabi ni She.
“Welcome. Pero sana sa susunod nagpagawa kayo, sabihin niyo ng mas maaga! Hindi yung sasakit yung mga mata ko kakaharap sa screen ng computer!" sabi ko then we left.