MLAD Chapter 12

268 4 0
                                    

Tsapter  Tw3Lb

~.+**+_______+**+_______+**+_______+**+_______+**+.~

 Nicole’s P.O.V

Monday morning ng bumangon ako para gisingin si Lorraine. Super aga kong nagising para kausapin siya. Grabe yung babaeng yun. Pumasok na ako sa kwarto niya. Ang himbing ng tulog niya. Nakakahiyang gisingin. Pumunta nalang ako sa gilid niya tapos tinapik ko siya.

“Cous!” sabay tapik ko sa balikat niya.

“mmmm” sabi niya.

Yan kasi.. =_____= Ano ba naman kasing pumasok sa kokote nito at bakit niya naisipang mag-inom?

“Cous, gising!” tinapik ko naman yung pisngi niya.

“Ahhh..mmmmmm” sabi niya.

Letche! Bumukas na nga yung isang mata pero natulog ulit. May pasok pa kami tsaka may group report pa mamaya. Di ko alam yung sasabihin ko. Sa kanya lang ako umaasa eh. Di bale, maaga aga pa naman kaya mamaya ko na lang ulit siya gigisingin.

Nagliwaliw muna ako sa kusina then sa sala. Pabalik balik lang ako. Nuod ng tv tapos kain. And dami nilang pagkain dito kaya kain to the max ang ginawa ko. Di naman ako PG, Nagkataon lang na maraming laman yung ref. Busog na ko sa sobrang kain kaya naupo muna ako sa sofa. Kinuha ko yung phone ko at napansin kong dapat ko ng gisingin si Lorraine.

Bumalik ako sa kwarto niya tsaka ko siya pinilit bumangon.

Sinampal ko na yung pisngi niya para magising siya. Yung gentle slap lang. Ayaw pa rin gumising. Isa pa.

*SLAP*

“ARAAAAY!” sigaw niya.

Napalakas yata. Nagsmile nalang ako sa kanya.

Lorraine’s P.O.V

“ARAAAAY!” napasigaw ako.

“S-sorry” sabi ni Nicole habang nakasmile sa kin.

Bumangon muna ako tapos nag-indian sit habang yung kumot ay nasa lap ko.

“Bakit mo naman ginawa yon!?” tanong ko. Napahawak ako sa ulo ko. Bigla kasing kumirot eh.

“Ahhh.. Ehhh.. ayaw mo kasing magising eh..” sabi niya

“Pssshhhh.. Teka ano bang nangyari? Sobrang sakit ng ulo ko. Wala akong maalala” tanong ko.

“Tanga ka? Natural wala kang maalala. Nalasing ka kaya kagabi.”

“Huh!? Nalasing ?!...” Teka.. Nung gabi, nasa school ground kami tapos umuwi na kami pagkatapos ng event tsaka.. Yung Nathan na yun..

Napa-Gasp ako..

“Oh! Alam mo na?” tanong niya.

“Eh p-pano ako nakarating dito? Pinuntahan mo naman siguro ako dun sa bar diba?”

“Gaga! Hindi nga kita mahagilap eh! Hindi ko alam kung nasan ka kasi di naman kita nilingon para malaman kung san ka pupunta. Kala ko kasi sandali kalang tapos..”

Wow huh!? Pinsan ko ba talaga to ? (_ _”) Ni hindi man lang naglibot libot para mahanap ako.

“Oh tapos?..” tanong ko.

MEET LOVE AND DESTINY (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon