~.+**+_______+**+_______+**+_______+**+_______+**+.~
The Next Day...
Magtatanghali na rin ako gumising.. Pano ba naman kasi, ang dami kong planong iniisip kagabi… Kumain, naligo at nagbihis na rin ako pagkagising ko. Umalis na ako ng bahay bandang 12:30.
Phewwww ! Sobrang init. Mabuti nalang nandito si Mang Ronnie. Yung driver namin.
Habang nasa sasakyan...
Ako : Mang Ronnie, Diretso po tayo ng Mall.
Mang Ronnie : Sige po maam.
_______________________________________
Sa Mall....
Ako : Manong Ronnie, Wait niyo nalang po ako hah… May bibilihin lang po ako sandali…
Manong Ronnie: Sige po maam. Ipapark ko na lang po muna itong kotse. Tawagan nyo nalang po ako kung may kailangan kayo.
Ako: Okay po. Promise po. Sandali lang talaga..
Then I left....
Loob ng Mall...
Pagpasok ko, maraming tao. Siguro dahil sa init kaya ganito. By the way, Bibili nalang muna ako ng damit at iba pang mga accessories...
Malamang nagtataka kayo kung bakit ako bibili ulit. Sale kasi ngayon eh. at tsaka ... at tsakaaaa... Ay wag niyo nalang alamin.. ewan ko kung bakit. Trip yata ng mall mag sale at na-aattract ako… Speaking of sale, I’m truly a poor person. (Humble)
Dumaan ako sa iba't- ibang clothes store… Ayun, Marami naman akong nabili. Siyempre SALE ba naman eh.. Yung mga mukha nung mga sales lady, naging weird. Masama na ba bumili ng damit ngayon?
Next naman sa Shoe Store..
Phew! Ang daming tao. Nakakaumay yung amoy. Tiniis ko lahat ng yun ah. Di naman sa maarte ako. Pero pag kayo talaga nasa posisyon ko, siguradong hindi kana bibili sa store na ‘to. Air-conditioned pa dito ha.