~.+**+_______+**+_______+**+_______+**+_______+**+.~
Nakapagpahinga na ako.. Pagkamulat ng mata ko, nakita ko ang dalawang babaeng tumulong sa akin..
"Uy! Musta na !? , Hindi na ba masakit!?" tanong si She.
"Ah... Hehehe.. Hindi na! Ayos na ako." sagot ko.
"Sure ka?" tanong naman ni Via.
"Oo. Sure na sure" Oo. Ayos na talaga.
"Mmmmmmmm.. Tara ! Labas na na tayo. Ano bang schedule mo? samahan kana namin sa next class mo" sabi ni She.
Ay! Oo nga pala no? Napasarap yata ang tulog ko. Kasi naman ang aga ko gumising. Actually, ang gising ko talaga ay 11:00 . Buhay prinsesa ba masyado? Nahhhh. Di naman ! Binangungot din ako kagabi kaya anung oras na rin ako nakatulog.
Nanaginip ako na may humahalik daw sa leeg at yakap ang waist ko habang nagluluto sa kusina. Ewan ko kung kaninong bahay ‘yon. Bwisit na panaginip ‘yon.. Ughhh! Mabuti nalang hindi mukhang haggard yung face ko pagkagising ko..
Bumangon na ako at nagsimula na kaming maglakad..
Habang naglalakad....
"Sherisse... Vivian... mmmmmm... okay lang ba talaga sa inyo na maging friend ko?" tanong ko sa kanilang dalawa with a sad tone.
"Oo naman! Bakit mo naitanong?" sabay na sabi nila.
"Eh kasi oh! tignan niyo ako.. Okay lang ba talaga sa inyo?" pagtatanong ko habang nakayuko ang ulo ko. Naghihintay sa magandang sagot nila.
"Oo nga kasi..Tsaka mukha ka namang mabait at mapagkakatiwalaan. Di ba she?" sabi ni Via.
"Oo naman. Nung first time na nakita kita.. alam ko ng kakawawain ka ng dalawang bruhang ‘yon!! Kaya gusto ka naming tulungan." sabi ni She.
"Salamat nga pala sa pagtulong sa ‘kin."
"Okay lang ‘yon.. Ayaw na kasi naming maulit yung nangyari dati" sabi ni Vivian sa malungkot na tono.
"Dati ??? " Ano kayang meron dati? Bakit parang malungkot sila?
"Oo.. dati.. kasi para rin kaming katulad mo noon.." -She
"K-katulad ko?"
"Oo.. Katulad mo kami dati.. Yung damit namin masyadong old fashion. Ang pangit ng color combination. Halos matakpan yung katawan namin. Balot na balot na parang ayaw ma-expose. Pero ang totoo niyan.. Mas Komportable kaming suotin yun.. Yung sapatos naman namin Sneakers. Mahilig kami sa flat shoes. At ang pinakaweird sa lahat... yung accessories na parang galing sa antique shop" malungkot na sabi ni She.
(A/N : Let me describe kung ano yung suot ni Lorraine ----> Yung pang itaas niya is plain na white shirt na parang kupas na at may nakalagay na smiley face sa gitna.. Yung bottom naman niya is dark color na rainbow skirt na mahaba.. at ang sapatos naman niya is sneaker na dirty white.. May additional pa na abubot. Yung hikaw niya ay parang galing sa antique shop. Tsaka bumili rin siya ng Eyeglasses na pagkacheap ang looks.)
"Kaya..... napagdesisyunan namin ni She na ibahin nalang yung looks namin. Sa una, hindi kami masyadong komportable pero inaraw-araw namin ang ganong style kaya nasanay na rin kami.." sabi ni Via.
Akala ko naman magkaparehas talaga kami. Magkaiba naman pala kami ng sitwasyon. Ako itong nagdidisguise para hindi ni makilala at malaman kung sino ako. At sila naman nagchange ng looks dahil sa ginawa ng mean girls na yun.
"Lorraine... gusto mo ba imake-over ka namin?" pag-aalok ni She.
"Oo nga ! Para hindi kana apihin at iwasan ng mga tao dito.." -Via
BINABASA MO ANG
MEET LOVE AND DESTINY (EDITED)
Roman pour AdolescentsCOMPLETED/PG-13/NO SOFT COPY/NO SEQUEL