Roses 1

61 3 0
                                    

 "It is the month of September but I already feel the essence of December in my skin."

Malamig na simoy ng hangin ang bumungad kay Marga ng lumabas siya ng apartment. It's still three o'clock in the morning. The darkness still eats her surroundings. There are no people around aside from the stray animals in the street.

Hindi naman na bago sa kanya ang ganitong sitwasyon. Nakakatakot man ay wala naman siyang pamimilian. Mas magiging panatag ang loob niya na lumabas sa apartment ng ganitong oras. Walang kahit na anong alalahanin o bigat sa kanyang dibdib.

Malapit lang naman ang pinagtatrabahuhan niya kaya wala namang problema kung naglalakad siya papunta roon. Hindi naman umabot ng kalahating oras ang kanyang paglalakad. Pagpasok niya sa building ay diretso na agad siya sa nakatalang kuwarto para sa kanya. At dahil madaling-araw pa lang ay siya pa lamang ang narito maliban sa guard na bantay tuwing evening shift, mula ala-sais ng gabi hanggang ala-sais ng umaga. Inilapag niya sa lamesa ang kanyang gamit.

Malapit ng mag-alas kwatro ng umaga. Inayos niya na ang mga gamit at pumasok sa isang silid. Sa pinto ng silid ay nakaukit ang isang bulaklak, ang black rose. The black rose conveys confidence, newness and birth of an individual. It pertains to a new beginning that is full of self-esteem. In the middle room, there she see the beautiful black rose she been caring for since it was a seed. It is so beautiful in the eyes. It is so rare to see.

The Thorns and Roses Organization is her new home. She found a place that will give her peace of mind. She never expected that she could live again despite her condition. There's not a day that she never remembers how she ended up working here in this organization.

"Where am I?" Nagising siyang nakaupo sa isang hindi pamilyar na lugar sa kanyang mga mata. Isang kuwarto na walang ibang laman kundi ang isang sofa na kanyang kinauupuan at isang lamesita sa kanyang harapan. Hindi niya alam kung paano siya napunta sa lugar na 'yon.

Nilibot niya ang kanyang mga mata at hindi na mapigilan ang mamangha sa kanyang nakikita. Napapalibutan siya ng iba't ibang uri ng mga bulaklak. Tumayo siya at pinuntahan ang mga ito. Ang tagal na rin ng huli siyang nakakita ng iba't ibang bulaklak. Dahan-dahan niyang sinubukang hawakan ang mga ito upang malaman kung nananaginip lang ba siya o hindi. Subalit hindi sinasadya dahil sa pagkabigla ay nahagip ng kanyang kamay ang tinik ng isang rosas. Kasabay noon ay napagtanto niya na hindi siya nananaginip. Bumalik siya sa sofa at kumuha ng tissue para pantakip sa daliri niya na dumudugo.

"Magandang araw sa iyo. Kumusta ang pakiramdam mo? May iba ka bang nararamdaman ngayon?" Sunod-sunod na tanong ng isang tinig na kanyang narinig. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling.

"Hello sa iyo kung sino ka man. Okay lang naman ang pakiramdam ko. Wala naman akong ibang nararamdaman na kakaiba sa sarili ko. Maliban sa sugat dahil natabig ko iyong rosas dito sa kuwarto. Nasaan nga pala ako? Paano ako napunta rito?"

Hindi naman mukhang nasa hospital siya dahil hindi naman napalitan ang damit niya. Wala rin siyang nakikita na machines na makikita sa hospital at lalo na walang hospital bed. Pilit niyang inaalala kung ano ba ang nangyari bago siya nagising sa lugar na ito subalit kahit anong piga niya sa isip ay wala pa rin siyang makuha. She's like someone who just got up from amnesia.

"Hala nasugatan ka, teka magpapahatid ako ng first aid kit diyan," turan ng nagsalita. Sa tingin niya ay babae ito dahil sa boses nito. Maya-maya pa ay may tray na lumusot sa butas ng pinto, hindi niya makita ang tao dahil maliit lamang ito na butas na tama lang sa laki ng tray na may cotton at betadine."I know you are confused and wondering why you are here. Pero huwag ka muna mag-panic please. I know about your condition. And before I explain what really happened, I want to know if you are okay talking to me? Wala ka bang ibang nararamdaman habang kausap ako? Kung papasok ba ako diyan sa kuwarto at makipag-usap sa iyo ng harapan ay magiging okay lang ba sa iyo o hindi?"

Resurgence of the Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon