Roses 5

0 0 0
                                    

Unti-unti niyang minulat ni Marga ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang puting kisame.Kulay puti at mga makina ang makikita sa kwarto maliban sa sofa, upuan at lamesa. Sinubukan niyang maupo pero nakaramdam siya ng sakit kaya napahiga siya ulit. Bumukas ang pinto at niluwal noon ang kanyang Lola. Nanlaki ang mata nito ng makita siya. Para itong naestatwa sa kinatatayuan. Tatawagin niya sana ang Lola niya pero walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. "Apo, gising ka na sa wakas, dininig na rin ng Panginoon ang mga dasal namin ng Lolo mo. Huwag ka muna masyadong gumalaw at mahina ka pa. Teka lang at tatawagin ko lang ang doktor, diyan ka muna apo."

Hindi niya na ulit pinilit umupo dahil hindi rin naman niya kaya. Ilang minuto ang lumipas at bumalik ang kanyang Lolo kasama na nito ang doktor at ang kanyang Lolo na kita ang pagkasabik sa mga mata. Tiningnan ng doktor ang kanyang lagay. "Hija, may nararamdaman ka bang masakit sa iyo?"

Sinubukan niyang sagutin ang tanong ng doktor subalit tulad ng kanina ay wala pa ring lumalabas na boses sa kanya. Nakaramdam siya ng takot na baka hindi na siya makapagsalita pa. "Huwag mo pilitin ang sarili mo magsalita hija kung hindi kaya. Normal lang ang mawalan ng boses dahil sa ilang araw ka ring walang malay. Nanay, mas mabuti sigurong makapagpahinga na muna ang bata para makabawi ng lakas. Regular niyo rin po siyang painumin ng warm water. Kapag may problema po pumunta lang kayo sa nurse station."

Pagkatapos ng habilin ng doktor ay hinatid na ito palabas ng kanyang Lolo. Inalalayan siya ng kanyang Lola para makaupo ng ayos, pinagpatong nito ang dalawang unan para may sandalan siya at tinaas ng kaunti ang hospital bed. Kumuha ito ng isang baso ng tubig at binigay sa kanya. Maligamgam na tubig ang laman ng baso. "Apo ayos lang ba pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? Gusto mo bang ipaghain na kita ng makakain?"

Naramdaman niya ang pagkalam ng tiyan ng tanungin siya ng kanyang Lola kaya tumango siya. Bumalik ang Lolo niya sa kwarto na may dala ng notebook at ballpen. "Apo, heto munang notebook at ballpen ang gagamitin mo. Kapag may gusto kang sabihin sa amin ng Lola mo isulat mo na lang muna diyan habang hindi pa bumabalik ang boses mo."

Nakangiti niyang tinanggap ang notebook at ballpen. Lumapit ang Lola niya na dala na ang mangkok na may laman na sopas. Lalo siyang nagutom sa amoy noon. Inilatag nito iyon sa overbed table. Nagsimula na siyang kumain. Pinagmamasdan lang siya ng dalawang matanda. Habang kumakain ay wala ring tigil sa pagpapaalala ang kanyang Lola na dahan-dahan lang sa pagkain dahil baka mabigla ang tiyan niya dahil kagigising niya lang. Nang maubos niya ang sopas ay uminom muna siya ng tubig at kinuha ang notebook at ballpen sa kanyang gilid. "Lola nagugutom pa po ako, gusto ko pa po ng sopas."

Napangiti ang Lola niya. "Nagustuhan mo ba ang luto ng Lola mo apo?" Tumango siya at nag-thumbs up. "Sasandukan kita ulit pero hindi ko na pupunuin ang mangkok, baka mabigla ang tiyan mo. Kumain ka na lang ulit mamaya."

Nilipat niya ang pahina ng notebook at muling nagsulat doon. "Lola, sabi po ng doktor kanina matagal daw po akong walang malay. Gaano katagal po akong tulog Lola?"

Kahit nakatagilid ang Lola niya ay nakita niya ang pagkislap ng lungkot sa mga mata nito. Agad rin iyong nawala ng humarap ito at inabot sa kanya ang mangkok ng sopas. "Apo, na-confined ka rito sa hospital dahil wala kang malay ng dinala ka nila dito. Limang araw kang comatose apo. At tuwang tuwa ako na nagkamalay ka na."

Hindi niya inaasahan na ganoon katagal siyang walang malay. Ninakap siya ng matanda at narinig niya ang mahinang paghikbi nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ito umiiyak, pero hindi niya na iyon pinansin. Sa tingin niya ay dahil lamang iyon sa ilang araw na siyang walang malay. Nang pakawalan siya ng kanyang Lola sa pagkakayakap ay walang bakas ng luha roon. Kaya ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain. Nang matapos ay pinakita niya nag papel. "Lola, nasaan po sina mama at papa? Bakit kayo lang po ni Lolo dito? Hindi po ba nila ako pupuntahan dito?"

Resurgence of the Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon