Roses 8

2 0 0
                                    

"Kiko! Ano ba naman itong grado mo, muntik ka na magkaroon ng pasang awa. Ano ba naman ang ginagawa mo anak, nag-aaral ka ba ng mabuti?"

Today was the general assembly of the parents of the fourth year students. And at the same time the release of their grades. Nasa harap ng classroom, dito nila hinintay si Aling Nessa na siyang kumuha ng card nilang dalawa.

"Nanay naman, huwag niyo lakasan ang boses niyo. Nakakahiya po kaya."

"Ay dapat lang na mahiya ka, sa baba ng grado mo. Kanino ka ba nagmana? Hindi naman mahina ang utak namin ng tatay mo noong kami pa ang nag-aaral." Napakamot sa ulo si Kiko.

"Tita Nessa, maupo muna po tayo doon." Tinuro niya ang waiting area na walang tao. Tumango naman si Aling Nessa at sinundan siya. "Ay mabuti pa nga Marga, at baka atakihin ako sa puso sa anak kong ito. Puro yata pagbubulakbol ang ginagawa mo rito sa school. Mabuti pang huminto ka na lang."

"Nanay, hindi naman ako nagbubulakbol. Sa dalawa lang naman ako naka-focus, sa basketball at kay Marga." Nakatikim ito ng pingot sa tenga. Puro kasi kalokohan ang lumalabas sa bibig, kaya lagi itong nasasaktan ng ina. Pero para sa kanya mabuti iyon sa binata, pakiramdam niya ay naiganti na siya ni Aling Nessa sa sobrang pangungulit sa kanya ng anak nito. "Nanay... Aray... Masakit...Tama na po..."

A small laugh skipped her lips. Kiko never fails to amuse her. Kaya nakatanggap siya ng masamang titig galing sa binata. But that doesn't work on her. Stare all he wants. "Masasaktan ka talaga sa akin kapag hindi ka nagtino. Si Marga ba ang teacher mo at sa kanya ka naka-focus, siya ba magbibigay ng grades sa iyo! At 'yang basketball na 'yan. Hindi ba't pinayagan ka ng tatay mo sumali diyan kapalit ng pag-aaral mo ng maayos. Ano na lang ang sasabihin ng tatay mo kapag nalaman niya na pinagtatakpan lang kita. Hindi na ako magtataka kung patitigilin ka ng tatay mo sa larong 'yan."

"Sorry na Nanay... Babawi ako, promise... Tulungan mo ako kay tatay, nay."

Napahawak na lang sa ulo si Aling Nessa. Napapailing sa dahil sa sinabi ng anak. "Nakailang pangako ka ng bata ka. Magtatapos ka na lang at hindi mo pa rin ginagawa ang pangako mo. Laking pasasalamat ko na lang siguro dahil wala kang line of seven na grades. Bahala ka sa buhay mo, hindi na kita kayang pagtakpan sa tatay mo. Ikaw ang magpakita ng card mo sa kanya at magpaliwanag kung bakit ganyan ang nakuha mong grado."

"Tita, tama na po 'yan baka tumaas na naman po ang blood pressure niyo. Heto po, maiinom, binili ko po kanina habang nasa classroom pa po kayo," awat ko sa mag-ina.

"Salamat dito Marga. Mabuti ka pa at mataas ang marka. Sigurado akong proud na proud sa 'yo ang Lolo at Lola mo. Sa 'yo naman laging nakadikit itong anak ko pero bakit hindi mahawa ng sipag mo mag-aral."

"Hayaan niyo po Tita, kapag hindi po siya nag-aayos sa pag-aaral niya ay hindi ko na po talaga siya papansinin at kakausapin. Kahit tungkol pa sa classroom activities." Napangisi siya. Mukhang maganda ang naisip niya. Lalong suamma ang tingin sa kanya ni Kiko. Tinaasan niya lang ito ng kilay.

"Hoy! Huwag ka namang unfair diyan Marga. Hindi pwede yang suggestion mo. Nanay, wala kang narinig kay Marga ah. Pangit mga lumalabas sa bibig niyan, maging mute ka na nga lang ulit." Natawa siya ng pagak. Mukhang nainis na ito.

"Tigilan mo ako Francisco! Sige Marga, susuportahan kita diyan. Ayos lang naman sa akin kung hindi mo papansinin ang anak ko. Siya lang naman ang hindi mo kakausapin kapag hindi siya nag-ayos sa pag-aaral niya. Oo nga pala ikaw na lang isasama namin sa outing, hayaan na natin maiwan si Francisco sa bahay, dahil sa tingin ko ay iga-ground 'yan ng tatay niya. Siya na lang muna magbabantay sa mga pusa ko," singhal ni Aling Nessa. Kiko rolled his eyes to them like a girl. Nagpaalam ito na may bibilhin lang. Kaya naiwan na silang dalawa ni Aling Nessa roon.

Resurgence of the Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon