Roses 7

0 0 0
                                    

Marga is sitting alone in the library. Matatapos na ang breaktime pero wala siyang balak bumalik sa classroom. Wala naman ang susunod nilang subject teacher dahil may pinuntahan itong contest, kung saan coach ito roon ng mga representative ng school nila. Mas gugustuhin niya pang maupo dito sa library kaysa magtiis sa ingay ng mga kaklase niya.

Binansagan ng mga kaklase niya si Marga na nerd at loner, ang weird raw kasi nito. Bigla na lang itong hindi nakipag-usap sa kanila. Napangiti siya ng mapait, hindi naman ganito ang nakasanayan niya noon. Iyong maingay at makulit na Marga noon ay naglaho na, kasabay ng pagkawala kanyang ama at ina. Ilang taon na rin ang nakalipas ng bumalik ang kanyang boses. Akala ng lahat ay ay magiging maayos na siya. Oo, bumalik siya sa dati pero panandalian lang pala.

"Marga, sa 'yo na yang isang anak ni Jelay." Binigay sa kanya ni Mang Tonyo ang anak ng aso nito, marami na naman ang tuta kaya nagbabawas sila. Pati si Kiko ay binigyan ng tuta dahil nainggit daw ito sa kanya, dapat kapag meron si Marga ay meron din ito.

Pinangalanan niya ang tuta na Tofi kasi lalaki ito. Kulay itim si Tofi, samantala si Lori naman ay babae, ang aso ni Kiko. Ngayon lang siya nakapag-alaga ng hayop kasi allergy ang mama niya kaya hindi puwede. Simula noon ay lagi niyang kasama si Tofi kahit saan siya magpunta. Palagi silang naglalaro kasama si Kiko at Lori. Iyong burol kung saan siya dinala ni Kiko noon ay pinagawaan ng kubo ni Mang Ruben dahil sa kanyang lupa iyon. Regalo na raw ito sa kanila ni Mang Ruben, para may silungan daw sila kapag nagpupunta sila sa burol. Minsan kasi ay naabutan sila ng ulan doon.

Nang lumaki na ang anak ng pusa ni Aling Nessa ay binigyan din siya nito ng isa dahil marami naman itong supling. Iyong kulay kahel ang pinili niya. At dahil dakilang gaya-gaya si Kiko ay nanghingi rin ito sa ina kahit na sa kanila naman ang pusa. Natatawa na lang siya sa katwiran nito, "Mama naman, siyempre dapat humingi rin ako sa 'yo. Kasi kapag hindi ko hiningi ang pusa ibig sabihin ikaw pa rin ang amo niya."

"Ang dami mong palusot, gaya-gaya ka lang naman kay Marga." Natawa siya sa sinabi ni Aling Nessa, may punto din naman kasi ito. Napanguso na lang si Kiko. Napailing na lang si Aling Nessa at hinayaan ang anak.

Yinakap niya si Maybelle, ito ang binigay na pangalan ni Kiko sa pusa niya. Habang ang pinangalan niya naman sa pusa nito ay Ariel. Malambing na pusa si Maybelle, lagi itong natutulog sa mga binti niya. Hindi rin ito humihiwalay sa kanya lalo na kapag nasa paligid si Tofi, dahil lagi itong tinatahol ng aso niya. Hindi naman kalaunan ay nasanay na rin si Tofi sa presensya ni Maybelle. Madalas niyang nahuhuli ang mga ito na magkatabi matulog, at naglalaro. Kung dati ay si Tofi at Lori ang kasama nila ni Kiko pumunta sa burol, ngayon ay kasama na rin nila si Maybelle at Ariel. Nilalagay niya ang dalawang pusa sa basket at siya ang nagdadala, habang ang dalawang aso naman ay nakatali at si Kiko ang nakahawak.

Nakikita niya ang saya sa mga mata ng kanyang lolo at lola, alam niyang natutuwa ang mga ito sa nakikitang progreso mula sa kanya. Dumating ang pasukan at nahiwalay siya sa mga alaga. Nahirapan siya noong una dahil naghahabol sa kanya ang mga alaga, lalo na si Tofi. Kung pwede niya lang dalhin ang mga ito sa eskwelahan ay ginawa niya na pero ipinagbabawal iyon. Kaya lagi siyang sabik sa uwian, dahil sinasalubong siya nina Tofi at Maybelle.

Subalit dumating ang isang araw si Maybelle lang ang sumalubong sa kanya. Akala niya ay nahuli lang sa pagbaba sa hagdan si Tofi dahil minsan ay nangyayari iyon, lalo na kapag galing ito sa kuwarto. Nakapagtanggal na siya ng medyas at naitabi niya na ang sapatos sa lagayan pero walang Tofi ang lumapit sa kanya. Naghintay pa siya ng ilang minuto pero wala talaga. Bigla siyang kinabahan, katulad ng kaba na naramdaman niya noong nawala ang mga magulang niya. Pumunta muna siya sa kusina para uminom ng tubig at tingnan na rin kung nandoon si Tofi ngunit wala rin ito roon. Nagmadali siyang umakyat sa kwarto niya at sinilip roon ang aso. Nanigas siya sa kinatatayuan ng buksan niya ang pinto. Naroon si Tofi, nakahiga sa gilid ng kanyang kama at hindi na gumagalaw. "Tofi..."

Resurgence of the Black RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon