2

3 0 0
                                    

CHAPTER 2: ( First kill)

Pagkagising ko, hindi ko na alam kung asan ako. Nagpalinga linga ako sa paligid, at nakitang asa loob ako ng seldang gawa sa rehas at bato. Muka pa ngang kwebang ewan ang itsura. Nakita ko din ang ibat ibang itsura ng mga kasama ko. Karamihan sa kanila mukang nagmula pa sa mga katutubo, base sa itim nilang balat, at kulot na kulot na mga buhok. Panay mga bata ang kasama ko rito, nasa range ng 4-12 katulad ko. Lahat sila tahimik na nakatingin lang sakin, habang ang iba ay nakaupo sa malamig na semento, ang iba ay sa malaking bato malapit sa rehas ang iba naman ay nakatayong nakamasid sa akin. Walang nagsasalita sa kanila. Ni walang nag iwas ng mata, habang nakatitig sa aking muka,na parang sinasabing eto na ang katapusan nating lahat, kaya humada ka na.

Naiilang ako sa klase ng pagtitig nila. Ngunit wala din naman akong maisip na sabihin. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig, ngunit niisang salita ay walang lumabas, waring napipi ako, at pumilipit ang sariling dila, dahil sa mga pangyayari at sitwasyon ko ngayon.

Hindi rin nagtagal, ay may biglang pumasok na lalaking armado. Puno ng tattoo ang kanyang buong katawan, hangang sa muka. May mga hikaw sa dalawang tenga, pati narin sa may ilong. Hanggang balikat ang buhok nito, at malaki ang pangangatawan. Walang pasabi nitong binuksan ang seldang kinaroroonan namin ng mga batang kasama ko, saka walang habas na hinila ang kamay ng tatlong batang malapit sa may selda.

Dumating ang isa pang lalaking armado, na mataba at may pilat sa kaliwang mata, hinila nito ang batang nakatayo malapit sakin, at pati narin ako. Pakiramdam ko ay mababali ang aking mga buto sa klase ng paghila nila sakin.Tinulak tulak nila kaming lima, palabas ng madilim na silid.

Malayo pa lamang ay rinig na rinig ko na ang malakas na hiyawan ng mga tao sa labas.

Ano kayang nangyayare? Kunot noong taong ko sa aking sarili.Kumakalansing ang kadenang nakatali sa kamay at paa naming limang mga bata mula sa selda, na ngayon ko lang napansin, kaya pala ang bigat ng aking pakiramdam at nakakaalibadbad.Nangangati na din ang parteng may nakapalibot na bakal sa aking paa at kamay. Ngunit hindi ko alam kung anong meron at hanggang ngayon ay umiikot padin ang aking paningin.

Nang muling kainin ng liwanag ang kadiliman sa aking mga mata, mas lalong lumakas ang sigawan ng mga taong, tilay nagsisiya sa isang pustahan.

Bumukas ang rehas na bakal, saka kami itinulak palabas ng mga lalaking armado sa aming likuran. Nagkakagulo sa ingay ang mga manonood, sa itaas ng arenang aming kinasasadlakan. Sari saring pusta, at hiyawan ang lumamon sa maliit na arena ng lumabas ang tatlong bata.

Mga mukang sanggano, na di malaman. Tatlong batang lalaki ang nakikita ko. Kapwa mapuputi ang mga balat ng mga ito. Ang batang lalaki sa gitna ay may kulay pulang buhok. May itim na hikaw ito sa magkabilang taenga. Nakasuot ng itim na jacket, at itim na pants. Itim din ang sandong nakapaloob rito. May hawak itong dalawang dagger knife sa kamay.

Ganon din ang suot ng lalaki sa kaliwa, kulay berde ang kulay ng buhok nito, at may hikaw na nakapalawit sa tenga, na may disenyong krus. May hawak itong baril.

Ang lalaki naman sa kanan ay nakasuot ng itim na jacket at puting sando, at iba sa dalawang lalaking nauna, ay nakasuot lang ito ng shorts na itim. Itim ang kulay ng buhok, at may suot na gintong kwintas na may pendant na bungo. May hawak itong baseball bat, sa kamay. Kapwa malalaki ang tatlong bata, kumpara sa aming limang bata na kapwa may mga suot na posas na bakal sa mga kamay.

Kapwa may mga itim sa ilalim ng mata, ang mga bata sa harapan. Mga muka silang rakistang baliw sa itsura nila.Nang magsimulang tumunog ang gong, ay mas lalong umalingawngaw ang sigawan mula sa mga manonood.

Nagsimulang magsitakbuhan ang apat na lalaking kasama ko, saka kanya kanyang kumuha ng magagamit na sandata. Mayroong kumuha ng dagger, baril, sibat, at pana. Habang ako ay nanatiling nakatayo sa kinatatayuan ko. Patuloy pading umiikot ang aking paningin, sa di malamang kadahilanan. Nagsimula ng atakihin ng tatlo ang apat na lalaking may kanya kanyang sandata, habang akoy naguguluhang pinapanood lamang sila.

"mamatay na ba ako?" mahinang bulong ko sa aking sarili. Napansin kong patay na ang isa sa mga kasamahan ko. Ramdam ko rin ang pag tagas ng mainit na likido mula sa aking hita. Mukang may bumaril sakin ah?

Naramdaman ko ang pagbagsak ng aking katawan sa malamig na lupa ng arena. Kumikirot sa hapdi ang kanang hita kong may tama. Ngunit wala ako sa matinong pag iisip para indahin pa ang sakit.

"hindi na ba ako mahal ni tatay? Bakit nya ako pinagbili para sa shabu?" naramdaman ko ang pagbagsak ng luha mula sa aking mga mata, hindi pa din kumikilos sa aking kinahihigaan.

"hanggang dito na lang ba talaga?" muli akong nakaramdam ng hapdi sa aking kaliwang balikat. Gamit ang aking kaliwang kamay, ay sinubukan kong kapain ang kung ano mang nakatarak sa aking balikat. Walang pakundangan ko itong binunot, hindi parin iniinda ang sakit at kirot, tinignan ko ang pagdaloy ng sariling dugo mula sa kampit, habang tinitigang mabuti ang hawak na kampit.

Nakaramdam ako ng presensya, na parang may papalo sa aking ulo. Wala sa sariling hinablot ko ang kwintas ng lalaking malapit sa akin, at itinarak sa kanyang leeg, ang kampit na hawak ko.

Unti unting luminaw sa akin ang sariling sitwasyon, at pag buo ng kakaibang pagkamuhi sa aking ama, na kailan man ay hindi ko naramdaman sa kanya.

Nakita kong patay na ang apat na aking kasama, pinaputukan ako ng lalaking may hawak na baril, kaya ginamit ko ang bangkay ng lalaking may kwintas na bungo bilang pananggalang sa bala ng baril saka ako mabilis nagpunta sa lalagyan ng mga sandata, saka kumuha rin ng baril don.

Kinasa ko ang baril tulad ng pagkasa sa mga napapanood kong action movies, saka itinutok iyon sa lalaking may baril, at pinaulanan sya ng bala. Hangang sa makita kong tinamaan sya ng bala ko sa noo.

Hinanap ng aking mata ang lalaking may dagger, ngunit hindi ko ito makita! 'TANG INA! ASAN YUNG KUPAL NA YUN?' mura ko sa isip, saka nagpalinga linga sa paligid, ngunit gulat na muka lamang ng mga manonood ang nakikita ko! PUTA! Hindi na talaga ako natutuwa! Asan na yun?

Nakaramdam ako ng hapdi sa may likuran ko, at napansing may saksak ako sa likod, nabitawan ko ang baril na hawak ko, ng may biglang may lumilipad na dagger ang tumama rito. Inambaan ako ng saksak ng lalaki, kaya gamit ang galyos sa aking kamay, ay pinulupot ko ito sa may kamay nya ng makakuha ako ng pagkakataon, ay sumampa sa likod nya, saka gamit ang parehong galyos na nakapulupot sa dalawang kamay nya ay ginamit ko itong pangsakal sa kanyang leeg.

Nagpumiglas ang lalaking may pulang buhok simbulo na nahihirapan na itong huminga, kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya. Nang maramdamang hindi na humihinga ang lalaki, ay inalis ko na ang pagkakapulupot ng galyos sa kanyang leeg, at tumayo sa gitna ng arena.

Ngunit ng akala kong tapos na ang lahat, sampung armadong lalaki ang mabilis na tumakbo papunta sa dereksyon ko, at sinumulan akong bugbugin. Hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

***

THE LAST ASSASSIN: Rinlegh's Legend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon