CHAPTER 17: ( Captured )
Nang makarating ay inilibot muna kami ni Ms Kaz sa kabuuan ng mansion nila, saka nag umpisang maglaro yung tatlo kasama ni baby Hiro sa may swimming pool ng bahay. Habang ako ay pinagkasya na lamang ang sarili sa pag upo sa isang wooden bench na nasa tabi ng isang malaking payong malapit sa pool.
Busy ako sa paglalagay ng sunblock sa aking katawan ng maya maya ay lumapit sa akin si Kurt habang hawak ang isang botelya ng sunblock lotion.
"Want me to put some on you? " nakangiting saad nito, hinaharangan ang sinag ng araw na tumatama sa maputi nyang balat. Habang nakasuot ng floral shorts.
"Yeah sure" maikling sagot ko, saka tumalikod sa kanya.
Nakasuot lang ako ngayon ng kulay red na two piece. Wala naman na kaso sakin magsuot ng mga ganitong klase ng saplot dahil sa totoo lang, kasama din kase sa trabaho ko ang maging seductress na minsan ko na din ginagawa para sa bawat missions ko. At bilang isang tactician dapat alam ko din ang daloy ng bawat pangyayare. Dapat ko yun Ipredict ng tama at naayon para sa success ng bawat missions. At higit sa lahat, dapat kong mapagalaw ang target namin sa ibabaw ng aking mga palad para sa itatagumpay ng bawat mission. At kasama na duon, ang pang aakit.
Dumapa ako sa may wooden bench na naiistretch para maging isang folding bed. Saka hinayaan si Kurt na tanggalin ang tali ng bra sa likod ko, saka nagpalagay ng sunblock.
Hindi pa man ako tuluyang nalalagyan ng may rumaragasang bola ng volleyball na ang tumama sa ulo ni Kurt. Galing yun sa dereksyon nila Sean.
"What the hell dude!" inis na turan ni Kurt saka tumingun sa dereksyon nila Sean at Josh na parehong nakakunot ang noo.
Problema na naman ng dalawang to?
Patakbong pumunta si Kurt sa dereksyon ng dalawa saka pinahid sa muka nung dalawa ang sunblock lotion na nasa kamay. Tatawa tawa naman yung dalawa na nagtatakbo kay Kurt na takot din malagyan ng lotion sa muka.
"I smell someone getting jelous ~" pakantang turan ni Ms Kaz na naupo sa katabing wooden bench na inuupuan ko.
Nakasuot sya ng two piece na kulay black. Habang sa gilid naman nya ay si Akihiro na daladala si baby Hiro. Parehong nakasuot ng floral shorts yung mag ama at kapwa nila suot ang shades. I mean silang pamilya nakasuot ng shades! Muka silang pamilya ng artista sa suot nila.
"Pinagsasabi mo dyan? " kunot noo kong tanong kay Ms Kaz na maarteng humihigop sa straw ng strawberry juice sa baso nya.
Nuknukan talaga ng arte nitong babaeng to. Tss.
Maya maya pa ay natapos na ata maghabulan yung tatlo at naisipan na lamang na magtampisaw sa may swimming pool.
"You know what? Minsan hindi ko din talaga alam kung hindi mo lang talaga napapansin, o sadyang manhid ka lang talaga." sabi ni Ms. Kaz na ibinaba ang basong hawak habang nanonood sa kalokohang pinaggagawa ng tatlo.
Naisip ko lang, kung siguro hindi kami naging assassin, baka hindi rin namin natatamasa ang mga bagay na natatamasa namin ngayon. At mananatili rin kami sa loob ng impyernong yun. Everything was thanks to Ms Kaz effort, on bringing us to where we are now.
"What do you mean?" kunot noo kong tanong na sinagot nya lang ng malakas na tawa.
"Hahahahaha! Manhid ka nga! Haha" tawa nya pa na mas nakapagpakunot ng noo ko.
"Nababaliw ka na." iiling iling na sabi ko saka tinignan ang tatlong kurimaw na ngayon ay nagtutulakan sa pool.
"Maybe? Haha, pero hindi ko ugaling makialam sa mga bagay na di ko naman sakop. Ill just let the three lovers to confess. And you to find out." ngisi nya saka kinuha si baby Hiro sa asawa, at pinupog ito ng halik.

BINABASA MO ANG
THE LAST ASSASSIN: Rinlegh's Legend
Fiksi IlmiahAyesha Marquez is a 12 years old little girl who was caught up inside a cruel fate having an ex convict dad, and an unemployed mom, inside a poor family. But then, fate was still cruel enough, that it didn't get contented with just giving her that k...