CHAPTER 9 : (colored button)
Ilang linggo na din ang nakakalipas, matapos ang pag atake sakin ng magshotang low rank assasin. At napapansin kong mas lalo ng tumatalas ang pakiramdam ko. Ilang linggo na din naming paulit ulit na kinakain ang nilagang kamote. Pakiramdam ko ay mapupurga na ata ako sa nilagang kamute. Gusto ko namang makakain ng kahit nilagang mais naman, o di kayay kabute, o kanin! Halos maglaway ako sa mga pagkain na naiisip ko pa lamang.
Ilang linggo akong namalagi sa loob ng hide out sa takot na mahuli, napag alaman ko kaseng hanggang ngayon ay pinaghahanap padin ang tinatawag nilang beheader slave, na pumatay sa dalawang low rank assassin, na walang iba kundi ako. Hanggang ngayon ay wala paring alam ang tatlo sa mga kalokohan ko. At wala na rin naman akong balak na sabihin pa. Ok na ako na lamang ang nakakaalam sa karumaldumal na pinaggagawa ko habang wala sila.
Nang araw ring iyon ay napagpasyahan kong muling umalis ng hideout para muling magnakaw ng pagkaing naiiba sa kamote. Binaybay ko ang pasilyo ng tunnel na nakakonekta sa storage room. Mabilis ko itong napasok dahil wala namang bantay sa loob. At panay nasa labas naman ang mga ito. Agad kong ibinagsak sa sikretong butas ng storage room ang mga mais at mani na nakalagay sa sako.
Papasok na sana akong muli sa butas ng tunnel ng makitang gumagalaw ang saradura ng pinto ng storage room. Huli na bago pa man ako makapagtago. Gayon pa man ay nagawa ko pa ding matabunan ang butas ng kwarto papunta sa tunnel, bago pa maging huli ang lahat.
Pumasok ang isang hindi pamilyar na muka ng isang assasin. At nanlilisik ang mga mata nitong tinungo ang kinaroroonan ko.
"ANONG GINAGAWA MO DITO? MAGNANAKAW KA BA DITO SA LOOB NG STORAGE ROOM? PAANO KA NAKAPASOK NA BUBWIT KA SA LOOB NITONG STORAGE ROOM? " galit na sigaw nito saka ako sinampal ng malakas sa muka, na nagpadugo ng gilid ng aking labi.
Gayon pa man ay wala syang nakuhang sagot mula saakin.
Asa pa! Mamamatay na lang akong walang dila kaysa sagutin ang kahit na ano sa kanyang mga katanungan.Ginaladgad ako ng lalaki sa lugar na pinagtatrabahuhan nila Sean saka ako pabalang na itinulak.
"SA HALIP NA PAGNANAKAW ANG INAATUPAG MO! MAGTRABAHO KANG PUTANG INANG BUBWIT KA DITO!" galit na sigaw ng assassin saka ako iniwang nakasalampak sa lupa.
Agad naman akong dinulog nila Sean pagkaalis ng lalaki,
"RIN!" sabay sabay na sigaw nilang tatlo.
Isang malakas na pitik sa noo ang agad na ibinungad saakin ni Josh.
"ano na naman ba kasing pinaggagawa mong bata ka ha? Hindi bat pinagsabihan ka na namin na wag lalabas sa hideout?" inis na sermon sakin ni Josh na sinagot ko lamang ng peace sign at isang malawak na ngiti.
"wth! Sean! Scold her! She's being too much!" reklamo din ni Kurt sa may gilid ko.
Tinignan ko naman si Sean habang nakanguso at nagpapuppy eyes. Sigurado namang di ako kayang tiisin ni Sean pag nagpapacute ako e! Sean let out a deep sigh, while shrugging his head.
"not with that face!" frustrated na turo ni Sean sa muka ko na lalong nagpalawak sa ngiti ko. Sabi na e! Bwahahhahaha!
Inis namang hinagis ni Josh ang isang pala sakin. Para tulungan silang magbungkal ng lupa. Nagpatuloy na silang muli sa kani kanilang ginagawa, na sya namang ginaya ko.
Di pa nakakalipas ang isang oras ng lumapit saaming tatlo nila Josh si kurt na may hawak hawak sa kanyang kamay.
"chicos! ¡mira lo que he encontrado! RIN! SEAN! JOSH! LOOK WHAT I FOUND!" pinakita samin ni Kurt ang makukulay na butones na nakuha nya habang nagbubungkal ng lupa.

BINABASA MO ANG
THE LAST ASSASSIN: Rinlegh's Legend
FantascienzaAyesha Marquez is a 12 years old little girl who was caught up inside a cruel fate having an ex convict dad, and an unemployed mom, inside a poor family. But then, fate was still cruel enough, that it didn't get contented with just giving her that k...