CHAPTER 21: Akihiro's Death
Nang makarating sa may base namin sa Japan, ay agad akong naligo at nagbihis.
Habang nagbibihis ay walang humpay sa pagtulo ang mga luha ko habang nasa shower. Gusto ko manghina, sa sunod sunod na dagok ng problemang dumadating sa amin. Kailan ba kase to matatapos? Ayoko na! Hirap na hirap na ako. Sobrang sakit na ng mga nangyayare! hindi na kaya ng puso ko!
Habang hinahayaan kong dumaloy ang tubig mula sa aking kahubaran. Sinuntok suntok ko ang aking dibdib , umaasang makakatulong ito para mapatigil ang sakit na nararamdaman ko.
Kailan ba kase matatapos to? kailan ba ako makakatakas sa impyernong to? Naisip ko lang, hindi ba ako mahal ng panginoon dahil palagi na lamang ganito ang nangyayare sakin? Ano ba kaseng pagkakamali ang nagawa ko nung nakaraang buhay ko at parati na lang ganito ang nangyayare magmula pa ng kabataan ko.
Wala na ba talaga akong karapatang maging masaya? Bakit kase napaka unfair ng mundo? Bakit napaka unfair ng tadhana? Deserving ba talaga ako na mapunta sa ganitong klase ng buhay? Hindi ko rin naman ginusto ang mga bagay na ito, pero bakit ganon na lang palagi ang mga nangyayare?
Ramdan ko ang hapdi ng sugat ko mula sa may bandang likuran. Habang patuloy paden ang pagdaloy ng dugo mula rito. Ngunit wala na akong pakialam.
Nang lumabas ako ng banyo, ay naabutan ko din si Sean na may dala dalang First aid kit.
Nabitawan nya ito ng makita ang kabuuan ko. Hindi ko sya pinansin at walang pakialam kung nakikita man nya ang buong kahubadan ko. Basta na lamang ako nagpunta sa may Ref at kumuha ng malamig na canned beer, saka inilang lagok ang laman non. Kumuha pa ako ng isa pa, at ganon din ang ginawa.
"WHAT THE FUCK RINLEIGH! WHAT THE FREAKING HELL ARE YOU DOING?" nanlalaki ang mga matang tanong nya sakin saka agad agad na dinulog ako, bago hinubarin ang suot na tshirt, na syang isinuot sakin yun.
Hindi ko ulit sya pinansin saka muling kumuha ng canned beer sa ref, inagaw nya naman ito, kaya inabot ko. Ang kaso ay kahit anong gawin kong abot ay mas matangkad sya sakin. Kaya ng mainis ako ay hindi ko na lang inabot at kukuha na lang sana ng panibago ng pigilan nya na naman ako, at saka humarang sa ref.
"out." simpleng utos ko.
Pero nanatili lang sya na hindi kumilos sa ref.
"I SAID GET OUT" galit na sigaw ko, pero hindi na naman nya yun pinansin at inilagay lamang ang dalawang kamay nya sa may balikat ko, na pinalis ko lamang.
Nang mapansing kahit anong gawin ko ay hindi sya aalis sa may tapat ng ref ay hinayaan ko na lang sya dun, saka kumuha ng masusuot.
agad kong hinubad ang puting tshirt na isinuot nya sakin, saka walang pakialam na nag tungo sa may cabinet.
Kumuha ako ng itim na loose shirt para hindi masyadong masanggi ang sugat ko sa likod, na wala akong pakialam kung dumugo at maubusan ako ng dugo, saka isang itim na pants.
"RINLEIGH! FUCK! " mura ulit ni Sean na nakaget over na ata sa pagkakashock ng makitang naghubad ako sa harapan nya.
Kinuha nya ang nalaglag nyang First Aid kit, saka muli akong dinulog. "I know that your mad at us, but please, let me cure your wound first." sumamo nya.
Sinamaan ko lang sya ng tingin, bago walang sabing naghubad muli sa harapan nya.
Nakita ko ang butil butil ng pawis na nag uumpisang mabuo sa gwapo nyang muka, at ang ilang beses nyang paglunok, habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa dalawang umbok sa dibdib ko.
Hindi na ako nag isip magsuot ng bra dahil natatamaan nito ang ilang saksak mula sa likod ko.
tumalikod ako kay Sean saka hinayaan syang lagyan ng gamot at benda ang mga sugat ko.
Nang mapansing tapos na sya , ay walang sabi kong muling sinuot ang aking damit, saka walang sabi sabing iniwan si Sean.
****
Nang nakarating kami sa. mansyon ng mga Fujiwara, ay ako lamang at nag iisang assassin ang nagpunta sa may loob. Hinanap ko jung nasaan si Mr Akihiro, habang nagawa namang patayin ng mga kasamahan ko ang lahat ng tauhan ni Mr Akihiro na nagbabantay sa kaniya sa mansion.
Nang matunton ko ang nursery Room, ay natagpuan kong natutulog si Baby Hiro habang malungkot naman syang pinapanood ng kanyang ama.
Nagpaiwan sa baba ang assassin na kasama ko, habang kita ko naman na matamang nagmamanman ang karamihan ng Assassins sa labas. nakatutok din ang mga baril ng mga ito sakin, at ready na akong paputukan kung sakali mang lumihis ako sa plano.
"so your here now." malungkot na saad ni Mr Akihiro, habang mataman na nakatitig sa kanyang anak.
"I dont care if you kill me Rin" mapait na ngumiti sa akin ang lalaki, saka umiiyak na nilingon ang anak.
"I dont care if you kill me, just please spare my child." umiiyak na pakiusap nya sakin.
"I put sedative on his formula, so he wont wake up, once you kill me. Just please? Not my child! Not our child" pagmamakaawa nya, habang patuloy pa din sa pag iyak.
Hindi ko mapigilan ang sariling luha, kaya hindi ko din nagawang sumagot. Tanging isang malungkot na tango lamang ang naisagot ko sa kanya, at isang salitang hiniling ko na sana ay di ko na kailangang sabihin sa kanya.
"im sorry." hingi ko ng tawad na sinagot nya ng isang matamis na ngiti habang puno ng luha ang muka, bago ko kalabitin ang gatilyo ng aking baril at iputok sa ulo nya. Isa pang putok ng baril ang ipinutok ko, sa may malapit sahig malapit kay Baby Hiro, upang ipalabas na pinatay ko din pati ang sanggol.
Gamit ang dugo ng sariling ama, ay nilagyan ko ng madaming dugo ang damit at katawan ni baby Hiro, saka hinabilin sya kay Josh gamit ang aming wireless ear piece. at umalis na.
Nang makalabas ako ng mansion ay walang imosyon kong hinarap ang kapwa ko mga assassins, na halata sa mga muka ang satisfaction sa ginawa kong pagpatay.
BINABASA MO ANG
THE LAST ASSASSIN: Rinlegh's Legend
Science FictionAyesha Marquez is a 12 years old little girl who was caught up inside a cruel fate having an ex convict dad, and an unemployed mom, inside a poor family. But then, fate was still cruel enough, that it didn't get contented with just giving her that k...