7

1 0 0
                                    

CHAPTER 7 (the person in black cloack)

Kinagabihan, dumating ang tatlo na hindi katulad ng madalas nilang itsura tuwing uuwi. Hindi sila nakahawak sa balakang nila. Di hamak din na maaga silang tatlo umuwi kumpara sa nakasanayan.

Seryosong muka ng tatlo ang sumalubong sakin. Hindi ko magawang ngitian sila katulad ng dati dahil alam kong meron akong kasalanan. Isang pilit na ngiti ang iginawad sakin ni Sean ng makitang nakaupo akong muli sa dayaming aming higaan.

"we have nothing to feed you now Rin, the assassin who love taking us out, was found dead on the Dark Claws backyard. He seems to face a tremendous death there. His body parts was found all over the place, while his head was put on the pointed mental of the high gate." malungkot na paliwanag ni Sean sa maaga nilang pagbalik.

Hindi ako sumagot bagkus ay kinuha ko ang nilagang kamote, na niluto ko kanina. Expected ko na kaseng mangyayari ang ganitong pangyayare na walang maiuuwing tinapay ang tatlo dahil pinatay ko ang suki nilang baklang assassin.

Inilagay ko ang kaserolang uling uling sa aming gitna saka pinagbalat silang tatlo ng nilagang kamote. Mainit init pa ito, ngunit sakto lang para mas lalong maging masarap ito kainin. Ibinalot ko ito sa ilang dayami para hindi sila mapaso. Nagpatuloy ako sa ginagawang yun habang tulala ang tatlo.

"whats the meaning of this Rin? Dont tell me..." hindi na natapos ni Kurt ang sasabihin ng pangunahan ko na sya.

"i did. I broke our promise. Im sorry..." nakayuko kong sabi sa kanila.

"i-i... I..." hindi ko maituloy ang sasabihin ng makitang seryoso silang lahat na nakatingin sakin. Wala akong mahanap na tamang salita upang sabihin na ako ang pumatay sa lalaking mukang kambing.

"you took the chance on stealing one sock of sweet potato when everyone was shock and in riot because of Blacks death? Are you?" Sean ask suspiciously, while eyeing me.

I swallowed my hard, as i look at them, still looking at me so eagerly.

"y-yes. I-im sorry." nakayuko ko muling turan.

It was true na ganon nga ang ginawa ko, habang nagkakagulo. Ang hindi lang nila alam ay tatlong sako ang kinuha ko. At sinakay ko ito sa isang lumang kariton at itinagong muli sa taguan ko sa tunnel. Sa ilalim ng hideout. Hindi naman nagalit sakin sila Sean, gayong iyon ang kaunaunahan kong inaasahan.

Nginitian lamang ako ng tatlo, saka ako binigyan ng headpat.

"thank you." nakangiting saad ni Sean.

Ginulo gulo naman ni Kurt ang buhok ko, saka pinisil ang dalawang pisngi ko.

"i think one sock of sweet potato can make us survive for one month now! Great job Rin!" sabi nya habang pinapaling paling ang muka ko kabilat kanan, habang pisil pisil nya ito.

"can't you stop? It freaking hurt, you know!" inis na sabi ko kay Kurt na ginantihan nya lang ng dila.

Naiiling ko namang hinawakan ang dalawang pisngi ko, saka masama ang tingin kay Kurt at bumulong sa hangin.

" isip bata. Tss" marahas kong kinagat ang kamoteng hawak ko, saka nagsimula ng kumain. Ganon din naman ang ginawa ng tatlo.

" you saying something, baby Rin?" mapang asar na tanong ni Kurt habang puno ng kamote ang bibig.
Hindi ko ito sinagot bagkus ay inirapan ko sya, na nagpatawa sa kanilang tatlo. Mga parang tanga.

Nang magkagabihan, ay bumangon na ako sa aming higaan. Sinigurado kong tulog na ang tatlo, bago ako muling tumakas mula sa hideout.

Nagawa kong makapunta sa selda ng batang nagsumbong ng kinaroroonan ko, ng walang nakakapansin. Agad ko itong pinasok, at dahan dahang nilapitan ang batang tadtad ng pasa sa bawat parte ng katawan. Marahil ay may kumuha ng tinapay na nakuha nya, ng sapilitan.

Hawak ang dagger ay inilagay ko ito sa kanyang leeg. Nang magising ang bata sa aking prisensya, at susubukan sanang sumigaw ay agad kong natakpan ng kamay ko ang kanyang bibig.

"subukan mong sumigaw, gagawin ko din sayo ang ginawa ko sa kambing nayun." mahinang bulong ko sa kanyang tainga.

Agad naman nitong nakuha ang ibig kong sabihin. At agad na tumango.

"kung gusto mo pang mabuhay, simple lang ang dapat mong gawin. Walang dapat ibang makaalam ng pamamalagi ko sa selda nila Sean. Kapag naulit na naman ang pangyayareng yun kagaya ng kanina, alam mo na kung anong pedeng mangyare sayo. Buhay mo, kapalit ng pananahimik mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" mahabang pananakot ko sa bata, na agad naman nitong sinagot ng mabilis na tango.

Kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Nang makita kong wala ng problema, ay inilabas ko na ang isang nilagang kamote mula sa aking bulsa.

" oh eto! Kainin mo." inabot ko ito sa batang babae, ng walang mababakas na kahit anong emosyon mula sa muka ko.

Nung una ay nag aalangan pa sya, ngunit kapagdaka ay kinuha rin naman.

"b-bakit mo to ginagawa? Ba-bakit mo ko b-binibigyan ng p-pagkain gayong a-alam mong dahil s-sakin ay kamuntik ka ng map-pahamak?" utal utal na tanong nya, na sinagot ko lang ng isang blangkong tingin.

"dahil mukang wala kang kain." maikling sagot ko, saka nagpasya ng bumalik sa selda nila Sean.

"salamat." ang huling salitang narinig ko mula sa batang yon bago ko sya iwanan.

Maingat kong binaybay ang dereksyon pabalik sa selda nila Sean. Nagpapalinga linga ako sa mga lugar upang masigurong hindi ako mahuhuli ng mga low rank assassin na nagbabantay.

Patakbo kong binaybay ang isang pasilyo ng mabangga ako sa kung sino mang nakasuot ng itim na cloak. Alisto ko na sana syang aatakihin gamit ang hawak kong dagger, ng hilahin nya ako patago sa isang bunton ng mga kahong kahoy sa may gilid. Saktong pagdating naman ng isang low rank assassin. Nagpunta ang taong nakasuot ng cloak sa direksyon ng mga assassin at giniya ang mga ito palayo sa direksyon ko.

Kinuha ko itong pagkakataong yun para makabalik sa selda nila Sean. Nang makabalik ay duon lamang ako nakahinga ng maluwag. Muli akong nahiga sa gitna ni Kurt at Sean, habang iniisip kung bakit ako iniligtas ng taong nakasuot ng cloak.

Ang huling bagay na natandaan ko lamang sa kanya, ay ang kumikinang sa sinag ng buwan nyang pulang kwintas.

"sino kaya yun? At bakit nya ako tinulungan?" mahinang tanong ko sa sarili saka nagpasya na matulog narin.

***

THE LAST ASSASSIN: Rinlegh's Legend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon