CHAPTER 19: ( Bomb )
Naging sobrang haba ng gabi para samin dahil sa paghahanda. saktong alauna ng hapon ng dumating ang back up mula sa Dark Claws under Wall Sina,Wall Maria at Wall Rose. Na nasa may Japan lang din ng mga panahon na yun.
Sinabi ko sa bawat representatives, ng bawat Walls ang plano kong pagsugod na madali lamang naman nilang sinang ayunan na pinagtaka ko. Dahil ang mga assassins mula sa Wall Maria at Wall Rose commandants ay ayaw na ayaw kumukuha ng utos mula sa Wall Sina commandant. Pero dahil hindi ito ang tamang oras para kwestyunin ang biglaang pagbabago ng takbo ng pag iisip nila ay ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.
Saktong mag alas dyis ng gabi ay nakahanda na kami para sa pagsugod. at dahil wala naman sinabing bawal ang may kasama, 300 sa mga Dark Claws assassins ang naka stand by sa may malapit sa venue. Sampu ang kasama naming tatlo , lima sa bawat Walls. Habang ang mga assassin mula sa commandant ko ay nasa may labas lang.
Nang makapasok sa may Abandoned Building, iniexpect ko na agad ang doble ang bilang ng mga kababaihang sasalubong samin mula sa Red Fangs, pero nagkamali ako, dahil isang daan lang ang mga babaeng nandon na may hawak ng baril.
Sa gitna nila ay nandoon nakaupo si Kurt na may nakalagay na telang sako sa ulo, habang nakagapos ang dalawang kamay at paa.
Bago kami magpunta sa lokasyong sinabi sa akin ay nagawa ko ng pag aralan ang lokasyon ng lugar, at saktong sakto ang lugar na ito para maging play ground para sa isa na namang panibagong digmaan para sa aming mga assassins.
Kung iniisip nyo na mukang ang oa ng klase ng pagreact namin as an assassin para iligtas ang iisang kasamahan, ito ay dahil palaging kakaiba ang klase ng paglaban ng mga Red Fangs. Sa sobrang creative nila sa klase ng pagpapaikot, mas madaming assassins ang hawak mo, at ipapadala, mas may kakayahan kang manalo.
Pero sa oras na to, ay parang kinukutuban akong hindi magiging maganda ang laban. Dahil sa dami ng assassins na pinadala ni Aiko para kaharapin ako, mukang siguradong sigurado sila na sila ang mananalo sa laban na to.
Kumunot ang noo ko, ng lumabas si Aiko mula sa taas. Nakangisi syang nakasilip mula 3rd floor sakin.
"hey Rinleigh the Beheader! long time no see!" nakangisi nyang saad habang pinaglalaruan ang baril sa kamay.
"pakawalan mo ang kaibigan ko, habang nakakapagtimpi pa ako. Wag mo hayaang ubusin ko lahat ang mga tao mo dito. " galit na turan ko, na sinagot nya lang ng nakakainsultong tawa.
"sinong uubos sa mga tao ko? ikaw? ikaw na bata lang? nagpapatawa ka ba?" pang asar nyang saad na lalong nagpainis sakin.
"then we'll see about that" sagot ko din habang pinapanatiling walang imosyon ang muka ko.
"nakakatawa ka talagang bata ka no? sobrang bilib mo sa sarili mo, wag ka mag alala, dahil ako mismo ang dudurog sayo, kapalit ng pagpatay mo sa kapated ko!" galit nyang sabi, saka binaril ako na naiwasan ko naman agad.
"ooooohhhh... galit ka na nyan tanda? " ngising pang asar ko, pa kaya muli nya akong pinaputukan na naiwasan ko ulit. Ilang ulit nya pa yun ginawa pero palagi ko lang din naiiwasan kaya naman mas lalo lang syang nainis hanggang sa yung mga tao na nya yung pinasugod nya.
Nagawa naming tatlong mapatay ang kalahati sa mga tao nya na nasa loob , ng magpaputok ako ng baril sa taas, senyas yun na pasabugin ang back up na tauhan ni Aiko. Nasa labas ang commandant ko para sila ang tatapos sa mga back up. kaya ng maubos namin lahat ng tao sa loob at si Aiko na lang ang natitira, ng sumubok ulit syang magtawag ay wala ng pumapasok.
" Game over Aiko, hand over Kurt to is now." galit na sabi ni Sean, halatang nagtitimping wag paputukan ang natatakot na muka ni Aiko.
"p-please spare me! y-you can have him now! j-just dont kill me!" utal na saad ni Aiko, saka gamit ang hawak na dagger ay kinalagan ang nakataling si Kurt.
BINABASA MO ANG
THE LAST ASSASSIN: Rinlegh's Legend
Science FictionAyesha Marquez is a 12 years old little girl who was caught up inside a cruel fate having an ex convict dad, and an unemployed mom, inside a poor family. But then, fate was still cruel enough, that it didn't get contented with just giving her that k...