Part One

11 0 0
                                    

"Engr. Abad ikaw ang maghahawak ng project na ito kasama si Engr. Villamor"

Tinignan ko ang project proposal. Nakita ko ang pangalan niya..

"Boss. Pass muna si Charles na lang muna"

"At bakit naman? Hindi mo pa nga binabasa 'yung project. Unless ex mo isa kina Architect Callisto at Engr. Flores"

"huh? hindi ah.. ano kasi boss naman. baka hindi ko kayananin. You know me naman I'm not super smart. And this will be one of the biggest project if ever"

"Anjan naman si Engr Villamor. You need to cooperate with Sean and Eli. Tomorrow magkikita kita kayo para mag-usap. And I know you, you can do this."

"Sige na bossssss pass muna ako jan"

"Engr. Abad,  hindi mo pa nga nakikita lahat. Bumalik ka sa akin bukas kung gusto mo talaga mag backout"

Wala na ako nagawa at bumalik sa upuan ko

"Alam mo halata ka, kung naka move on ka na talaga wala lang sayo na makasama si Callisto sa project na ito"

Si Charles Villamor pala ang friend ko dito sa office. Oh well, close ko rin si Boss kaya may gana ako magreklamo. Si Charles ay alam lahat nang past ko dahil nakwento ko sa kanya. He's like my bestfriend. And first time ko magkaroon ng bestfriend na Guy. Ipinapakilala ko nga siya Jobelle dahil mukhang bagay sils.

After two years habang pandemic ay nag-apply ako magtrabaho. Napunta ako sa construction firm nina boss na kakilala ko dahil siya rin ang boss sa pinag ojt-han ko.

Buti kinuha pa ako ni Boss dahil ilang years din akong tambay.

"Ehh paano kung makita ko siya sa personal?"

"Malamang. Alangang virtual?"

"Ahhh bastaaaa!!! Ayokoo"

"8 months lang contract natin. Ilang buwan mo lang makakasama. Saka malay mo magkaroon kayo ng maayos na usapan"

"Huh?? H indi ko na kailagnan no"

"Talaga langa ha"

"Talaga!"

"Be professional, Daneen. Matanda na tayo. You should know how to separate your personal matters from work"

"I know naman. Its just that... Hays."

"Kita mo andun din si Eli. 'Di ba ex manliligaw mo 'yun?"

"Yeah. Thats why i think its kinda awkward for me."

"Umayos ka muna. Tomorrow pa naman ang meeting natin with them"

Huminga na lang ako ng malalim

That was 6 years ago..

Should I accept this project?

Maybe tama sila

Mabilis lang naman

Baka hindi ko namalayan tapos na pala yung project

Anjan naman si Charles

Siya ang shield ko

"Okay, fine! Isipin niya apektado pa ako. And who knows may asawa't anak na siya"

"Sus, baka kapag nalaman mo na oo eh masaktan ka"

"Alam mo naka move on naman na talaga ako. Ako lang kasi 'yung tipo nang tao na kapag nakita ko ulit bumabalik 'yung trauma, sakit at lahat pero it doesnt mean pati feelings ko ay bumabalik"

"I know that feeling. Kaya kung ako sayo kumalma ka lang. Kasama mo naman ako. Malay mo maging okay kayo after this Project."

"Hayyy Yeah. Bahala na"

Bandang 6 p.m ay nagligpit na kami dahil uwian na. Yes! Makakapag pahinga na.

Hindi ko muna tinext sina Jobelle, Diane, Jade, Jasmine,  dahil aasarin lang ako nang mga 'yun

KINABUKASAN

Dumiretso kami ni Charles sa Marco Polo para dun magkita kita. Naka suot ako ngayon ng trouser na khaki at white na polo long sleeves. Tinali ko na lang din ang buhok ko dahil ang init. Naglagay ng konting lip stick at blush on.

"Ayos na ayos ah. Napaka unsual naman para sa isang Engr. Abad"

"Loko! Lagi ako nakaayos noh! Saka wala tayo sa site."

Nasa isang couch kami nakaupo habang inaantay sila. Pero nandito na rin si Engr. Chua na may ari nang Project.

"Good Morning, Engr." Bati namin ni Charles. Si Engr Chua ay ka edaran ni Boss nasa 50's na siguro rin. Mayaman si Engr Chua siguro dahil chinese?

"Nice to meet you both, Engr. Abad and Engr. Villamor"

Nakipag shake hands kami. At umupo.

"Hindi naman sinabi sa akin ni Fred na magaganda at pogi ang mga engineer niya"

"Nako Engr. Parang wala namang pogi, maganda lang po ang nakikita niyo"

Tumawa si Engr Chua sabay sabing "You're funny Engr Abad. I like that kind of attitude."

Nagkwentuhan lang kami at pinaglloko si Engr feeling ko kasi si boss kausap ko hahaha buti na lang mabait.

"Oh. Nandito na pala sila Architect at Engr"

Bigla akong nanlamig. Nakatalikod kasi kami sa mga tao. Hinawakan ko bigla ang braso ni Charles

"Calm down. Mahahalata ka." Sabay haplos sa aking likuran

"Are you okay, Engr Abad?" Tanong sa akin ni Engr Chua. Tumango na lang ako

"Good Morning, Archi. Callisto and Engr Flores" sabay tayo ni Engr Chua para kamayan sila.

"Meet these two Engr from Xtencia Firm na makakasama niyo sa Project na ito"

Huminga ako malalim at sabay humarap sa kanila.

Gwapo pa rin. Walang nag bago. Bumilis lang ang tibok ng puso ko pero pinilit kong ngumiti.
Hinawakan ni Charles ang balikat ko para bumalik sa wisyo.

"Hi, I'm Engr Villamor and this is Engr Abad nice to meet you. I hope magkasundo tayo sa Project na ito" sabay nakipagkamay si Charles

Nakipag kamay na rin ako sa kanilang dalawa kahit alam kong sobrang lamig na nang kamay ko.

"Are you okay Engr Abad? Your hand is very cold" tanong ni Sean

"Ahh uhhh yes ofc."

"Masakit lang tiyan siguro" sabay lingon ni Charles sa akin. ARghh thank you Charles!!

"Lets have a seat everyone" anyaya ni Engr Chua

Ramdam ko ang titig ni Sean at Eli sa akin. Kay Engr Chua na lang ako tumingin

In explain niya muna lahat lahat. At okay naman.

"Lets have a dinner tomorrow para maging close tayong lahat" pag anyaya ni Engr Chua sa amin

Umu oo naman kami kasi wala naman ata kaming choice. Matapos ang meeting ay nauna na umalis si Engr Chua

"Dalian mo. Halika na" sabi ko kay Charles

"Eh kung tulungan mo ko ayusin itong papers"

"Daneen" si Eli tumawag sa akin. Nilingon ko siya

"Hindi ko aakalain na dito tayo ulit magkikita Daneen. What a small world. How are you na pala?"

"Ahh hahaha oo nga eh ang weird ni Lord, okay lang naman ako. Ikaw ba?"

"Okay lang din. I'm Looking forward to work with you"

"Same hehe. Sige alis na kami ni Charles. See you"

Hinatak ko 'yung braso ni Charles bago 'yun nilingon ko muna si Sean. Nakatitig lang siya amin nang malalim, si Eli naman ay kumakaway na nakangiti.

Sana maging maayos ang Project na ito.

Fill the gapWhere stories live. Discover now