Chapter Eight

4 0 0
                                        

May therapy pala ako today. Friday na ngayon.
Sabi ni Sean, hatid niya ako sa baba. Para hindi na raw maabala sina tita. Naligo naman ako. Naka suot ako ngayon ng long dress ulit. Naka bun din ang ayos ng buhok ko.

Nang biglang may kumatok. Si Sean. Binuksan ni tita 'yung pintuan.

"Oh andito na si Sean"

"Good Morning po." Bati niya kina Lola at tita

"Good Morning din Sean. Wala ka bang pasok? Baka nakaka abala na kami"

"Hindi naman po tita. Vacant mo namin hanggang 10:00 a.m kaya sakto lang"

Nagpaalam na kami at hinatid ako ni Sean sa baba. Hanggang sa makarating kami sa baba.
Umalis na rin muna si Sean dahil medyo malayo ang Building nila.

Bandang 12:00 nn nang matapos ang session ko. Pinuntahan ulit ako ni Sean.

"Hindi ba ako nakaka abala? Nakakahiya naman kasi feeling ko napapagod ka magpunta dito"

"No worries. Gusto ko naman ginagawa ko. And this is my way to get more about you"

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga eh. Break ulit namin hanggang 1:30. Kain muna tayo bago ka umakyat."

"Sige"

Lumabas muna kami at kumain kami sa may mcdo. Buti na lang at may pwesto sa baba.

"Ano gusto mo? Ako na mag order"

Maglalabas na sana ako ng pera.

"Treat ko!"

"Nakakahiya ano ka ba. Ako na magbabayad ng akin"

"No, I insist"

Hindi na ko nagpumilit pa na magbayad.

"Chicken fillet, fries saka coke float sa akin"

"Got it"

Habang nag iintay kay Sean. Nag chat chat muna ako sa mga kaibigan ko. Kina kumusta nila ako lagi. Hindi ko pa nakukwento si Sean sa kanila siguro kapag pumasok na lang ako.
Marami na rin akong napasang plates. Ang problema ko na lang ay mga quiz at exam na hindi ko na take.

"Here" abot ni Sean sa mga pagkain

Magkatapat kami ngayon sa apatan na upuan. Tinabi ko muna 'yung saklay ko.

"So, kamusta ang araw mo ngayon?" Pagsisimula ko sa kanya

"Okay naman. Puyat nga ako eh kasi may dapat ipasang plates sa design. Dagdag mo pa mga quiz sa Strema at iba pa"

Nakikinig lang ako habang nagkukwento siya. Hindi nagkakalayo ang subjects namin ni Sean. Siguro mas marami lang silang design subject na need mo mag drawing compared sa amin.

Habang nagkukwentuhan ay may biglang nagtap sa balikat niya.

"Uy pre" bungad ng isang lalaking archi din ang id lace

Lumingon si Sean. Nakipag shake hands. Pero may sumunod ulit sa lalaki. Isang familyar na lalaki. Iniisip ko kung sino. Hanggang sa naalala ko na siya 'yung pumunta ng nahimatay si Sean.

"Ah mga pre si Daneen pala"

"Naks pre may girlfriend ka na pala. Hindi ka nagsasabi" sabi nung unang lalaki. Hindi naman dineny ni Sean bagkus pinakilala niya sila sa akin.

"Daneen, si Andrew pala at si Clyde" so si Andrew 'yung unang Guy at 'yung nakita ko last time ay si Clyde.

"Nice to meet you" bati ko habang nakangiti

"Pwedeng maki share sa inyo pre? Wala na upuan eh" tanong ni Andrew

"Okay lang ba sayo Sohanna?" Tanong sa akin ni Sean, feeling ko iniisip niya ang awkward sa akin dahil bagong tao na naman. Pero hindi naman ako nakaramdam nun maliban kay Clyde. Feeling ko ayaw niya sa presensya ko. Pero umoo na lang ako dahil nakakahiya naman kay Sean.

Fill the gapWhere stories live. Discover now