Chapter Thirteen

4 0 0
                                        

Natapos na ang march. Last sem na this april 18. Marami need ipasa kaya super rush kami sa lahat. Ganun din sina Sean. Anim na buwan na kaming magkakilala at magkausap ni Sean. I think its time na para sagutin siya. Parang ang hirap kasi wala kaming label.

Naisipan namin magkita today. April 9, 2016.
Sabado today. Sinabi ko kay Sean na magkita kami at kumain sa labas.

Nasa labas na siya nang bahay namin. He is wearing a polo shirt at black pants. Napaka pogi. Ako naman ay nag dress lang na hanggang tuhod. Naka curl ang buhok at konting makeup.

"Saan date natin?" Tanong niya

"Tara sa Intramuros"

Pumunta muna kami sa Bayleaf para doon mag dinner. Nandito kami sa may rooftop kumakain. Actually nakapag reserve na ako at bayad para hindi na siya mag insist. Ayaw pa niya nung una pero sabi next date na lang.

Nagkwentuhan kami about plates. Habang kumakain. Dami namning napagkwentuhan hanggang sa inaya ko na siya lumabas at maglakad sa Intramuros. Umupo ulit kami sa dati namin pwesto nung tinanong niya ako.

"Parang kinakabahan ako ah. Ititigil ko na ba?"
natawa na lang ako.

Tumingin ako sa kanya at tumingin din siya sa akin.

"Sean Aziel Callisto. You've been a great and consistent since day 1. I never thought na pagtatagpuin tayo ng tadhana. Sino maga akala na sa OhMeGel tayo magkikita. Pinakita mo sa akin 'yung sincerity mo. I think its about time na lagyan natin ng label. I like you. I really do like you Aziel. Thank you for 4 months of waiting"

Tulala lang siya. Hindi nagsasalita. Hanggang sa yakapin niya ako.

"I like you so much, Daneen Sohanna Abad. Thank you" then he kissed me on my forehead.

Nagkwentuhan lang ulit kami habang magkahawak ang kamay namin. It was surreal. Bandang 10 p.m ay naisipan na naming umuwi. He was holding my hand hanggang kotse.

"Dapat dalawa kamay mo sa pag Drive. Ayoko na ma accident"

Binitawan niya na agad ang kamay ko at nag Focus sa pag Drive. Ngumiti ngiti na parang ewan habang nagdadrive. Napangiti na rin ako.
Nang makarating kami sa bahay ay bumababa kami parehas.

"Pasok ka muna sa loob"

"Hindi na. Gabi na rin nakakahiya kay tita at Tito. Next time na lang para makapag kilala ako."

"Okay. Ingat ka sa pag drive" bigla ko naalala na may ibibigay pala ako.

"Eto Oh" binigay ko 'yung maliit na paper bag. Binuksan niya ito. Isang bracelet.

"Ewan ko kung fan ka ng couple thingy pero i bought this for us." Sabay pakita ko rin ng akin.

"I like this. Thank you" sabay suot niya ito sa kanyang wrists.

"Oh siya umuwi ka na. Ingat sa pagdrive. Text ka kapag nakarating ka na."

Tumango lamang siya. Tatalikod na sana siya nang hatakin ko siya at halikan sa pisngi.

"Good night, love" sabay takbo sa gate. Sinilip ko siya at nakatulala na nakangiti.

Bandang 11 ay nagtext siya na nasa condo na siya. Hindi pa rin daw siya makapaniwala.

April 17 ngayon sobrang busy namin. Nagkikita naman kami ni Sean. Pero mga saglit lang dahil pasahan din ng plates. Tinapos ko 'yung sa surveying 2 na Project. Nag sukat sukat kami sa may Mendiola gamit ang theodolite. May mga kagrupo naman pero kanya kanya. Napunta sa akin ang excavation.

Need pa i pa bookbind. Kaya busy talaga. Natapos kami bandang 10 p.m na. Naka pag book bind naman kami pero bukas pa raw makukuha. Tamang tama lang.

Sumabay na ako sa pag-uwi kina Jewel at Nathan. Hindi ko na inabala si Sean. Ayaw pa niya nung una pero hindi na siya nagpumilit. Mas una naman ako bababa kina Jewel kaya safe naman.

Fill the gapWhere stories live. Discover now