Dumaan ang ilang araw. At ngayon ay kaarawan ko. February 24. May pasok pa rin. Mas okay sana kung wala. 9 a.m ang pasok ko ngayon. 8:00 a.m pa lang naghanda na ako.
Palabas na ako ng gate ng biglang bumungad sa akin si Sean. May dalang flowers at cake.
"Happy Birthday, Daneen Sohanna!" bati sa akin ni Sean ng may ngiti.
"Nakakainis ka naman! Thank you!" sabay hug sa kanya
"Ikaw ah, lagi mo na ako hinahug. Lalo tuloy kita minamahal"
"Edi wag" kunwari nagtatampo ako
"Biro lang" at niyakap ako ng naka side view
Napangiti na lang ako. Hindi ko alam kung isasama ko sa School 'ying bigay niya or sa bahay na lang. Ang ending sa bahay na lang dahil nahihiya ako magdala. Pero bago 'yung ay nagpicture muna kaming dalawa.
Sumakay na ako sa kotse niya at sabay na kami pumasok.
"Anong oras ba klase mo ngayon? Ayoko na le late ka sa School dahil sa akin"
"10:30 pa pasok namin kasi walang Prof. Maaga lang ako kasi may tatapusin lang kaya pinuntahan na kita"
"Thank you sa effort ah. Hindi ako sanay"
"You're Welcome. Basta ikaw!"
Nang makarating na kami sa ue ay bumaba na ako at na paalam sa kanya.
Nang makapasok na sa room ay binati ako ng ilang mga kaklase ko. Hindi ko kaksle sina jewel dito dahil nga late na ako sa subjects i take.
From: Jewel in the Palace
Sabay tayo lunch. Wait ka namin sa lobby.After nang klase ay bumaba na agad ako. Nakita ko Jewel sa baba.
"Saan sila Nathan?"
"Nandun na sa greenwhich sa may Morayta. Tara"
Naglakad na kami papunta ni Jewel. Umakyat na kami. At nagulat ako ng makita kong may banner dun at pa cake ang mga loko.
"Happy birthday to you. Happy birthday to you" kinakanatahan nila ako habang naka sindi 'yung candle.
Pumikit muna ako at nag blow. Nagpicture picture muna kaming lahat. Andito si Joan, Adam, Nathan, Jewel, Jasmine
Habang nagpipicture ay nagulat ako. Dahil dumating sina Sean, Andrew at Clyde. Wait, magkakakilala sila?
"Happy birthday, Daneen!!!" Bati sa akin ni Andrew na may ngiti. Napaka hyper talaga. Inabot niya sa akin ang isang paper bag. Regalo raw niya sa akin.
"Happy birthday, Dan." bati sa akin ni Clyde. Yes, he calls me Dan. Shortcut daw for Daneen. Sinabi ko na rin kay Sean 'yun dahil baka mabigla at iba ang tawag sa akin ni Clyde. Ganun talaga daw talaga si Clyde, mahilig magtawag na iba.
"Thank you, A and Clyde. Wait magkakakilala ba kayo?"
Sabay sabay silang nag oo.
"Paano?"
"Eh paano 'yang bebe mo nagchat sa aming lahat. Buti tugma lahat ng sched natin ngayon kundi." sabi ni jewel
"Ikaw ah, pa secret secret ka pa. May bebe ka na pala" sabi naman ni Joan
"Sabihin ko sana kaso secret sana muna kaso andito na" ngiti ko
Kumain na kami lahat at nagkwentuhan. Parang matagal ng magkakabarkada lahat.
"Pre, baka may single kang kilala pakilala mo ko" sabi ni Adam kina Andrew
"Nako pre may Friend kami na tatlong girls. Single. Pakilala ka namin" sabi ni Andrew
YOU ARE READING
Fill the gap
RomansLahat ng bagay ay panandalian lamang. 'Yung mga taong akala mo ay makakasama mo hanggang huli ay siya pa lang makakasama mo lamang sa una Eto nga pala ang kwento ng dalawang taong nagtagpo sa isang app Halina't basahin ang kanilang naging kwento