Chapter Three

3 0 0
                                        



Natapos ang 2nd sem. Wala akong bagsak! Next sem ay third year na ako. Ang bilis ng panahon.

Bakasyon ngayon

Wala akong masyadong ginagawa kaya tumulong na lang ako sa gawaing bahay

Hindi naman kami mahilig mag swimming or gumala nang family ko tuwing may bakasyon. Gawa na rin na hindi tugma tugma ang schedules namin.

Nang matapos ako ay bumalik ako sa kwarto ko. Tinignan ko ang mga subject ko next sem. Hindi pa ganon kabibigat pero sa pangalan pa lang ng subject ay mukhang babagsak na ako.

Habang nakahiga ay may tumawag sa cellphone ko. Si Jewel.

"Oh, napa tawag ka?"

"Tara, gala tayo!"

"Saan naman?"

"Kung saan saan. Ang boring na here sa bahay"

"Kelan?"

"Ngayon malamang. Inaya ko na sina Grace"

"Okay. Ligo lang ako. Saan magkikita?"

"Text na lang kita para maka ligo ka na. Bye"

Naligo na ako at nagpaalam kina mama.

Sa ue raw ang kitaan namin

Babyahe na naman ako

Nang makarating ako ay sa mcdo recto na lang ako dumiretso. Bumili ng coke float.

11:30 am na. Wala pa rin sila. Ang lakas mag-aya Pero late naman.

Habang inaantay ay nag order na ako at kumain. Buti wala masyadong tao

Saktong dating nila ay Tapos na ako kumain.

"Sa Antipolo tayo! 'Yung museum don!"

"Sige"

Nag LRT lang kami papuntang Antipolo.

Napaka refreshing. Compared sa Manila, parang nakakasakal ang paligid.

After namin mag Museum ay kumain na kami sa labas. Sa restaurant na ito ay kita mo ang view ng mga bahay. Ang lakas pa ng hangin.

Bandang 7pm ay naisipan naming umuwi na.

Pagdating sa bahay ay naligo na ako saka humiga sa kama.

Sana madali lang next sem. At magkaroon ako ng bagong friends. Mahirap kasi kapag introvert.

Natulog na ako

Fill the gapWhere stories live. Discover now