Eleven

5 0 0
                                    

February 14 ngayon. Naiinis ako dahil may pasok. Bitter yan?

8:00 a.m pasok ko ngayon. 7:00 pa lang umalis na ako sa bahay dahil gagawa pa ko ng plates. Nang makasakay ako ng jeep ay nagulat ako dahil nandun din si Clyde.

Magkatabi kami ngayon dahil walang ibang pwesto.

"Uy." Bati ko sa kanya. Mukhang gulat

"Hi. Nagkasabay ulit ah"

"Oo nga eh. Wait nagbayad ka na ba?"

"Yes." Lilibre ki sana kaya nag abot na ako ng bayad. Binigay ko sa kanya at siya naman nag abot

"Thanks"

Hindi kami masyadong nag uusap dahil may binabasa siyang Notes. Akala ko bababa na siya sa may ust pero sa may overpass na rin siya bumababa.

"Lumagpas ka ata?"

"May dadaanan lang sa dorm"

"Sige. Una na ako"

Tumawid na ako sa may overpass at nakarating sa ue. Grabe nakakapagod pumasok.

Gumawa agad ako ng plates. Mamaya ipapasa ito ng 1:00 p.m. Nagsimula na rin ang klase.
Si Jewel ay may hawak na flower. Hindi ko na nakwento pero naging sila ni Nathan. Ngayon magkasama kaming apat. Ako, Jewel, Nathan at

Lunch break. Kumain muna kami sa Mcdo kasi puno sa mga karinderya. Nag-usap usap lang.
Hanggang sa maka receive ako ng text

From: Sean
Hanggang anong oras pasok mo?

To: Sean
Mga 5:30. Why?

From: Sean
Tara dinner?

To: Sean
Sure.

From: Sean
Sige, sunduin kita jan sa ue. See you!

"Sino yang katext mo? Aba aba" tanong ni jewel.

"Si Sean "

"Ano rawww?"

"Magkita raw kami"

"Omg!!! Baka ligawan ka na!!"

"Ewan ko sayo"

"Teh anong ewan? Feb 14 ngayon so idedate ka niyan"

"Eh ano naman?"

"Meaning manliligaw na sayo. Kaya be prepared. Pero may chance ba if ever?"

"Meron naman. I mean may chemistry na kami eh."

"Taray! Sige anong chemical element ang He"

"Loka!"

Nagchikahan lang kami ni Jewel ng kung ano anong theory n'ya para mamaya. Dumaan ang oras at 5:30 na. Uwian na. Inantay ko na lang siya sa labas ng Lepanto gate. Maraming nagtitinda at may mga hawak na bulaklak. Sakit sa mata. Joke.

Nang makita ko si Sean. Pogi talaga.

"Saan tayo?"

"Pwede daan muna tayo sa condo ko?"

"Sige"

Tahimik lang kami habang naglalakad. Malapit lang naman condo niya. Nahihiya pa ako pumasok pero dahil mapilit pumasok ako. Malaki yung condo niya naka loft type. May kwarto sa taas meron din sa baba. Malinis din. Akala ko kalat kalat yung mga plates n'ya pero ang organize.

"Mag-isa ka lang dito?"

"Yes. Bakit gusto mo tumira kasama ko?"

"Baliw ka ba. Ang laki kasi nung condo mo"

"Actually dito rin si Kuya dati pero working na siya sa may bgc kaya lumipat na siya"

"I see"

"Pero kung gusto mo matulog minsan here Welcome ka naman. Bigay ko sayo password"

Fill the gapWhere stories live. Discover now