Chapter Two

5 0 0
                                        

Hi. My name is Daneen Sohanna V. Abad. 17 years old. Currently 2nd year college. Nag-aaral ako sa Univerisity of the East taking up bachelor of science in Civil engineering.

Akala mo, napaka talino at kinuha ko ang kursong ito. I don't have a choice sa totoo lang. kailangan ko na mamimili ng kurso nung high school graduation.

Kasalukuyan akong nasa Tan Yan Kee garden.

"Ano na naman iniisip mo?" Tanong sa akin ni Jewel.

"Daming plates gagawin! Hindi ko pa ma gets gets!!"

"Ano ka ba, iilan na lang tayo sa Engineering Drawing subject na 'yun! Kaya natin 'to!"

Yes, you heard it right. From 40 students. Naging 20 na lang kami. Dahil sa super strict na professor namin. Kahit maliit na pagkakamali ay makikita niya at need mo ulitin.

"Grabe si Sir eh noh?? Daming nag drop Hahahaha" Sabi ni Jewel

"Buti nga naka survive tayo! Wait, nasaan si Grace at Joan?"

Jewel: Bumili lang ng foods sa Batibot

Bago umuwi ay bumili muna kami nila Jewel, Grace at Joan ng buff paper sa gastambide.

Joan: Dadamihin ko na pagbili neto

Grace: Same siz

At marami nga kami binili. Dahil maliban sa madaling magkaubusan ay madalas kaming magkamali sa plates namin.

At nagkaayaan na kami mag-uwian.

Si Joan ay nagdodorm malapit sa UE
Si Grace naman ay uwian sa QC
SI Jewel naman ay sa may QC din

Habang ako, nandito sa España. Nakikipag agawan ng masasakyan. Bandang Welcome Rotonda lang naman ang bahay namin kaya hindi ko na rin naisipan na mag dorm or condo dahil mapapagastos lang.

Napaka daming tao! Halos ibat ibang school ang maka kasabay mo. FEU, UE, STI,ACCESS, UST st iba pa.

Hindi rin ako 'yung tipong makikisiksik, mag aantay ako hanggat maluwag. 5:30 pa ako nag aantay dito, akalain mo nga namang 6:30 na!!! Wala pa rin akong masakyan.

Hanggang sa nakasakay na ako!

"Bayad po, makikisuyo." abot ko sa katabi ko

Sinulyapan ko ng konti at isang lalaki na taga ust ang katabi ko! He's so pogi!!! My gosh. Looking at his id lace, isa siyang architecture. Omg? Is it a sign? CE X Archi

Mahigit 30 minuto ang naging byahe ko gawa ng traffic sa Lacson. Nauna akong bumaba kay cutie boy. Sayang!

Nang makarating ako ng bahay ay nagpalit muna ako ng damit saka nagpahinga. Bandang 1:00 am ay nagising ako para gumawa ng plates. Hindi na rin ako ginising nila mama para maghapunan siguro mukha talaga akong pagod.

Buti na lang marami akong nabili dahil ang dami kong mali!!!

8:00 am ang pasok ko today. At kanina pa ako Gising ng 1:00 am. Baka makatulog ako neto sa klase. 7:00 nang umalis na ako sa bahay. Sumakay na ako ng jeep.

Bandang 7:30 ay nakarating na rin ako ng UE.

First subject ay Trigonometry. Wala akong maintindihan Dito! Gawa pa na lagi wala'yung prof namin. At ngayong araw, wala rin siya! Kaya sa classroom muna kami nag antay

"Alam mo feeling ko crush ka rin ni Cyril" bungad sa akin ni Joan

"Oo nga, kanina ka pa niya tinitingnan" wika naman ni Jewel

Si cryril lang naman kasi ang isa sa mga crush ko dito sa ue. Iilan lang kasi ang pogi sa engineering. Nakaupo siya sa lamesa habang nakaharap sa amin. Saglit kong sinulyapan at Oo nga!!! Nakatingin siya banda sa amin. Pero dahil ayoko maging assumera.

"Baliw! Anong akin, malamang sa pintuan" sinabi ko na lang sa kanila para hindi mahalaga ng kinikilig ako.

Tumambay muna ang buong klase dahil baka raw biglang pumasok 'yung Prof namin. Naisipan ng isa na magsulat ng attendance sa papel.

Nung 30 mins bago mag next subject ay saka nagsilabasan ang mga kaklase ko. Kami namang apat ay tumambay pa sa room.

Dumaan sa likod namin si Cyril. Ang mga kaibigan ko grabe ang asar.

"Ateng, nasa likod mo" hindi naman malakas boses eh noh

"Ingay niyo" sabi ko na lang

Naramdaman ko 'yung bag niya sa ulo. Hindi naman ako natamaan pero alam kong dumaan siya sa likod ko.

Next subject ko ay PE ang pinili ko ay fencing. At hindi ko rin aakalaing kaklase ko rito ang kuya ko kaloka.

Kapag maglalaban, babae sa babae at lalaki sa lalaki. Sayang balak ko pa namang tamaan kuya ko.

Hindi ako ganoon ka friendly pero nakikipag usap naman ako sa mga kaklase ko rito. Siyempre kailangan ko rin ng connection para kapag umabsent ako may matatanungan ako.

Ako na ang next na magpapraktis. Kalaban ko 'yung isang babae.

En garde! Prêts? Allez!

Medyo nahihirapan ako kasi kaliwete ako siya naman ay sa kanan. Hindi ko rin mabasa ang galaw niya.

Nung una nakalalamang ako. Pero sa huli natalo rin ako. Hindi pa naman finals kaya keri lang matalo.

Natapos ang PE. Nagsabay sabay muna kami mag lunch. Kumain muna sa may batibot.

Next subject namin ay Filipino 2. Wala rin ako masyadong kilala. Dahil hindi ko kaklase si jewel at Grace dito. Si Joan naman ay friendly masyado kaya hindi ako nakakasabay sa pagiging friendly niya sa iba. Ang ending tahimik lang ako unless kausapin ko or may kakausap sa akin

Nagkaroon din kami ng Project. Pero by group. Gagawa kami nang sarili naming libro. Dahil by group napunta ako sa hindi ko mga ka close. Nagkakaroon naman kami ng konting Communication pero hindi ako masyadong nakikipag usap sa kanila.

Nung ipepresent na ang Project ay kanya kanya ang aming salita. Dahil binasa ko naman alam ko ang sinasabi ko.

Natapos na ang klase. Na survive ko naman pinagsasabi ko.

Mag-isa pa rin ako dahil nga hindi ko feel makipag friend pa masyado lalo na May mga kausap na si Joan

May mga kinakausap naman ako pero hindi matagal. Tama lang para hindi mapanis ang laway.

Uwian na rin at hindi kami sabay ni Joan. Dahil nag dodorm lang siya malapit sa ue.

Naglalakad na ako papuntang morayta. Bumili muna ako ng ice cream.

Habang nag-aantay sa may overpass para makasakay ay nakita ko na naman 'yung poging taga ust.

Dahil ayoko makipagsiksikan ay bandang 7 na naman ako nakasakay. Kung Bakit kasi dito sumasakay mga tao eh. Charot

Hindi ko na rin napansin si kuyang pogi dahil busy ako sa cellphone ko.

Nakauwi na rin ako ng payapa sa bahay. Nagpalit at natulog na.

Fill the gapWhere stories live. Discover now