I CAN SEE YOU, MY LOVE 2
TIMOTHY POV
Ilang araw na ang lumipas ganon pa rin ang sitwasyon sa bahay kapag laging sakto na nasa bahay kami pareho ni dad walang minutong di niya ako bubungangaan kaya hanggat maari hindi ako nauwi ng maaga para di ko siya maabutan.
Again. Tinakasan ko ang mga utasan ni Dad na dapat magsusundo sa akin dito sa University hindi na ako bata para sunduin pa isa pa bubungangaan lang naman niya ako buti na lang at maasahan ko si Theo.
Napahinto ako sa paglalakad ng nasa tapat na ako ng abandunadong playground dahil naagaw ang atensyon ko nang isang babaeng nakasuot ng puting dress habang nakatingin ito sa mga ulap. Ilang beses ko na rin siya nakikita sa abandunadong playground kaso di ko siya magawang malapitan dahil sa mga bodyguard na kumakaladkad sakin araw araw para lang dalhin sa bahay at iharap sa makasarili kong ama.
Pinagmasdan ko lang siyang nakamasid sa mga ulap halata sa mukha niya ang lungkot kitang kita ko iyon sa paghulma pa lang ng mata niya.
Bigla naman siyang napatingin sa direksyon ko at agad na humulma ang mga ngiti sa kanyang labi. Kumaway siya sa akin na para bang sabik na sabik na akong makita.
"I wish I could smile like that too.."
Mga salitang kusang lumabas sa bibig ko. Hindi ko din alam kung bakit ko nasabi yun.
Patuloy lang siya sa pagkaway habang tumatalon pa na naging dahilan ng kusang pag ngiti ko. "Akala ko di mo ako nakikita," nakangusong sambit niya.
"Hindi talaga, maliit ka kase." Sinamaan niya naman ako ng tingin. Palihim akong ngumisi bago umupo sa isang duyan na katabi niya.
"Kaya ba tumatalon ka na para lang makita ko." Pagbibiro ko, bahagya kong nilapit ang sarili ko sa kanya dahilan na gulat siyang napatingin sa akin.
"Pano yan, baka iassume ko na hinahanap hanap mo talaga ako." dagdag ko pa sabay kindat.
Parang nagloading muna siya sa mga sinabi ko bago tinulak ako palayo at tumayo sa kinauupuan niyang duyan.
"Ha?! Asa ka! B-bakit naman kita hahanap hanapin!" sigaw niya habang nakaduro pa sa akin.
Hindi ko maiwasang tumawa ng malakas dahil sa naging reaksyon niya. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya. Sumabog na ata siya sa galit kaya sinugod ako at pinaghahampas. Unlike nung una naming pagkikita ang bilis na niya magreact sa mga biro ko.
"Hindi pa nga tayo magkakilala kaya bakit naman kita hahanapin!" Agad kong tinakpan ang aking sarili gamit ang braso ko, tawa lang ako ng tawa habang siya ay patuloy lang sa paghampas sakin.
Bigla akong may naalala kaya tumayo agad ako sa duyan at bahagyang lumayo sa kanya. Kinalalkal ko kaagad ang bag ko at kinuha ang bagay na hinahanap ko. Nang makuha ko na ang bagay na iyon sa bag ko ay agad ko iyong itinapat sa kanya dahilan upang napatigil siya at takang tumingin sakin.
"Piece offering. I'm sorry okay? Hindi na kita bibiruan tungkol sa height mo.." umiwas ako ng tingin, "and the fact na hinahanap hanap mo talaga ako.." nakangusong biro ko uli.
Namula na naman siya sa huling sinabi ko at akmang hahampasin na naman ako pero bigla siyang huminto.
"Maka pagbiro ka dyan akala mo naman close na close tayo." Aniya, bigla niya na lang hinablot ang bagay na nasa kamay ko na ibinibigay ko sa kanya kanina.
"Since ito ang favorite flower ko. Apology accepted." Aniya.
Tulip flower is her favorite? Dumaan ako ng flower shop kanina para bigyan ng flower si mom habang nagbabayad ako napansin ko ang nagiisang puting tulip na bulaklak sa isang gilid kaya binili ko na. I'm glad i bought it.
"Ah! Right! I forgot to ask last time.. name.. your name, what is it?"
Pero di niya ako sinagot kaya tumayo ako at lumapit sa kanya. Sobrang laki ng agwat ng height namin, hanggang dibdib ko lang siya kaya nakatungo akong nakatingin sa kanya.
"Little Missy.. i asked your name.. can you tell me?" This time seryoso akong tumingin sa kanya, gusto ko talaga malaman ang pangalan niya dahil ilang araw akong di pinatulog ng maayos nito dahil sa curiosity ko sa kanya at dahil na rin sa di ko siya magawang lapitan ng ilang araw.
Nakatingala siyang tumingin sa akin bago humingi ng malalim. "Mister, can you give me a reason why should i tell you my name?" Nakangisi niyang tanong.
Napangisi na lang din ako at unti unti pang lumapit sa kanya ulit bahagya naman siyang napaatras.
"Because i want to know what's the name of pretty cute little missy here." ngiti kong saad.
Mukhang ako naman ang nagwagi dahil pinanliitan niya ako ng mata bago umiwas ng tingin.
"Maya.. Maya ang pangalan ko." abala siya sa pag aamoy ng bulalak, "Baka pati pangalan ko laitin mo, subukan mo lang." Pagbabanta niya.
Napangiti lang ako.
"So simple yet so beautiful."
Napansin ko ang pagsingkit ng mata niya na ang ibig sabihin ay ngumit siya. Well it true her name has meaning a beautiful meaning.
"Timothy is my name." Pagpapakilala ko.
"Pangit." Walang prenong sabi niya dahilan para mapatawa ako ng mahina.
"Anong pangit? Alam mo ba maraming nagkakaramdapa sa pogi ko. Ako yata to ang dakilang si Timothy!" Proud kong sabi habang nakapamewang pa.
Tiningnan niya lang ako mula uko hanggang paa sabay umakto pang nasusuka bago bumaling ng tingin sa hawak niyang bulaklak.
Napailing na lang ako at pinagmasdan siya habang siya naman ay abalang masaya sinusuri ang bulaklakna ibinigay ko.
Oh god, she really liked it.
Maya is very beautiful lady even when we first met i was like i saw a goddess that time. Her eyes are round and has a light brown color while her round face makes her even more beautiful. Also nung unang kita ko sa kanya parang kumikinang siya dahil na rin siguro sa suot niyang puting dress na lalong bumagay sa kanya.
"Timothy, if you are having hard time.. nandito lang ako..im always here..'here."
Out of nowhere bigla niya na lang sinabi ang mga salitang yun. Why do i feel like matagal niya na akong kilala pero alam ko kahit kailan hindi pa kami nagkikita.
"Really?.." aniko habang palihim na napangiti.
"You know..I'm really happy to meet you, Maya." Dagdag ko pa habang nakangiti.
Tumingin muna siya sakin bago unti-unting gumuhit sa labi niya ang isang ngiti.
"Masaya din akong nakilala ka, Timothy." She smiled, "And meeting you here..again..it really made me happy." dagdag pa niya.
Tumalikod siya sakin kaya ang tanging nakikita ko lang ay ang likuran niya at ang tila pagsayaw ng buhok ganon na rin ang pag galaw ng laylayan ng suot niyang puting dress dahil sa pagsabay nito sa pagihip ng hangin.
"Again?" Taka kong tanong.
Dahan dahan siyang humarap sa akin at tiningnan ako ng diretso sa aking mata. Her eyes are directly looking at me and as if telling me something.
Walang akong sagot na nakuha sa kanya kundi tanging isang magandang ngiti lang ang pinakita niya.
YOU ARE READING
I Can See You, My Love
RomanceThere's a guy who lost himself after he witnessed someone he love the most died in front of him and that incident lead him to struggles from nightmares. He spent all his life believing that he is the one to blame from the tragic event happened to th...