Chapter 7

57 63 0
                                    

I CAN SEE YOU, MY LOVE 7

TIMOTHY

Natapos ang gabing iyon pero walang linaw sakin ang kasagutan ni Maya hindi ko alam kung nireject niya ba ako o kung para saan ba ang salitang sorry na lumabas sa bibig niya.

Hindi ko na lang pinagtuunan muna ng pansin iyon, ang mas mahalaga ay kasama ko si Maya nasa tabi ko siya iyon ang mas mahalaga sa ngayon.

"Maya! Baka naman hindi tumubo ang ang mga bulaklak na tinanim natin kakatitig mo dyan." Pag bibiro ko.

"Hindi na kasi ako makapaghintay." Nakangiti niyang sagot.

Nandito na naman ako sa abandunadong playground kasama si Maya mas madalas na ata akong nandito kapag uuwi ako galing University diretso ako dito bago umuwi o kaya naman ay nandito din ako tuwing gabi kasama siyang pinagmamasdan ang buwan at hinihintay ang pagtubo ng mga bulaklak.

Nakaupo ako ngayon sa damuhan malinis na ang abandunadong playground at ang mga damo ay di na masyadong malalaki kaya pwede ng upuan. Napahikab ako at nakaramdam bigla ng antok kaya unti unting bumibigat ang paningin ko. Nakamasid lang ako kay Maya habang pilit kong nilalabanan ang antok pero tuluyan ng namungay ang mga mata ko at dumidilim napansin ko ang pagtitig sakin ni Maya habang nakangiti ito sa akin.

"Timothy!"

Isang boses ng babae ang tumawag sa akin. Napalingon ako sa paligid ko na puro puting bulaklak, agad naman akong napalingon sa di kalayuan may isang babaeng nakatayo at nakasuot ng puting dress habang kumakaway ito sa akin. Lumapit ito sa akin at masayang hinawakan ang kamay ko.

Masaya kaming tumatakbo sa paligid ng mga puting bulaklak at parang di ako nakakaramdam ng pagod kahit pa ilang oras na kami tumatakbo parang puro saya lang ang nararamdaman ko. I feel so much happiness in my chest.

Napunta kami sa isang lugar kung saan ay may mga palaruan parang isa itong playground sobrang ayos sobrang ganda pamilyar ang lugar na ito sa akin. Binitawan niya ang kamay ko at may kinuha na isang puting box na nakalagay sa isang duyan. Iniabot niya ito sa akin at taka naman akong tumingin sa kanya.

"Its my gift for you! Buksan mo." Nakangiti nitong saad habang inaabot sa akin ang puting box. Kinuha ko naman ito at akmang bubuksan na ng makaramdam ako ng may kamay na humawak sa mukha ko kaya napapikit ako.

Unti unti kong idinilat ang mata ko at nakita ko si Maya na nakatingin sakin habang ang isa niyang kamay hawak ang gilid ng mukha ko napansin ko din na nakahawak na din ang kamay ko sa kamay niya.

Panaginip na naman?

"Mukhang masaya ang panaginip mo, naabala ko ata." Saad niya at bahagyang tumawa, hinigpitan ko ang paghawak ko sa kamay niya.

"Masaya talaga." Tumabi ito sa akin at isinandal ang ulohan niya sa balikat ko.

Mga ilang minuto itong nakasandal sa balikat ko hanggang sa naramdaman ko na siya naman ang nakatulog. Habang hinahawaki ko ang buhok ni Maya ay napadako ang tingin ko sa kamay niyang may hawak hawak na puting bulaklak na dati kong binigay sa kanya at isang maliit na papel.

Sinulyapan ko muna si Maya bago dahan dahang kinuha ang papel sa kamay niya, good thing hindi naman siya nagising. Maingat kong binuklat ang maliit na papel nagtaka naman ako sa nabasa kong nakasulat sa papel.

"Hindi kaya ito yung..." Muli kong sinulyapan si Maya na mahimbing na natutulog, agad akong nakaramdaman ng kaba pero hindi ko pinansin iyon kinuha ko kaagad sa aking bulsa ang cellphone ko at mabilis na pinicturan ang nakasulat sa maliit na papel.

I Can See You, My Love Where stories live. Discover now