Chapter 5

65 66 0
                                    

I CAN SEE YOU, MY LOVE 5

TIMOTHY

Walang araw na hindi ko iniisip ang mga nangyari sa amusement park kasama si Maya. Lagi kong binabalikan sa alaala ko yung mga ngiti niya at kung gaano siya kasaya at kaganda nung araw na iyon.

Aaminin ko simula ng makilala ko si Maya parang nawala na lahat ng sakit na kinikimkim ko sa aking dibdib ng matagal na panahon para bang sa tuwing nasa tabi ko siya nakakalimutan ko lahat ng masasakit na nangyari noon.

"Kuya!" Tawag sakin ni Theo sa di kalayuan.

"Sabay na tayo, alam ko kasing di ka sasabay sa sundo natin." Giit ni Theo na tila hinihingal pa.

"Baka pagalitan ka pa ni Dad kapag suma-"

"Hindi yan! Sinabihan ko na ang driver natin." Mabilis niyang sabi. "Tsaka narinig kong anong oras pa daw makakauwi si Dad dahil may conference sila sa company." Dagdag pa ni Theo

"As always." Bulong ko.

Wala na akong nagawa kundi hayaan siyang sumabay sa akin. Hindi kasi ako nasabay sa kanila kapag uwian na hindi na ako bata para sunduin pa. Imbes na sumabay o  magcommute ay mas pinipili kong maglakad na lang dahil sa paraan yon hindi ko maaabutan si Dad sa bahay.

"Kamusta naman ang date mo kuya Tim?" Agad na tanong ni Theo. Napatingin naman ako sa kanya at napangiti na lang bigla.

"Ayos naman, masaya. Sobrang saya." malumanay kong sagot.

"Ang galing talaga makipagdate ng kuya ko." Aniya sabay bahagyang siniko siko ako.

"Ako pa ba!"  Napatawa na lang kami pareho.

"You know Theo, ever since i met her.. everything's change like i always found myself happy again." Ani ko habang nakatingin lang sa dinadaan namin.

Napahinto ako saglit bago tumingin kay Theo dahilan upang mapahinto din siya.

"She's the reason of my happiness.." nakangiti kong saad

Napatungo na lang si Theo at pinungay pungay ang mga mata niya. Kaya inakala kong umiyak siya.

"Huh? Theo? Umiiyak ka ba?" Tanong ko.

"Ako umiiyak? Hahaha na puwing lang ako." giit niya at nauna ng naglakad sakin.

"Hoy Theo saglit la- " Isang malakas na bungguan ang nakaagaw ng pansin  namin ganon na rin sa mga taong naglalakad sa tabi ng kalsada.

"Anong nangyari!"

"Ano pang tinatayo tayo niyo dyan tumawag na kayo ng ambulansya."

"Ang daming dugo! Buhay pa ba yung nasa loob ng kotse?!"

Maraming nagsisigawan at nagkakagulo dahil sa bungguan ng isang kotse at truck may nadamay din na ilang tao. Kitang kita ko ang mga dugong nagkalat at halos umaagos ng walang tigil mula sa katawan ng mga taong nadamay sa aksidente.

Naging estatwa ako sa kinatatayuan ko habang gulat na nakatingin sa kinaroroonan ng aksidente. Parang bumagal ang oras at nag eecho sa tenga ko ang mga boses na lumalabas sa bibig ng mga taong nasa paligid.

"N-no..no no!" Halos nanginig ang buo kong katawan sa mga nasaksiyan ko parang bumalik ako sa dati. Nawalan ako ng laka ats nakaramdam ako ng panghinina sa katawan ko dahilan upang matumba ako sa sahig.

"Kuya? Kuya!" Sigaw ni Theo, hindi ako makagalaw ni hindi ko magawang umiwas ng tingin sa mga taong duguang nakalumpasay sa kalsada.

Bumalik na naman ako sa sitwasyon na ayaw ko ng makita pa at pilit kong tinatakasan na. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang imahe ni Mom na isa sa mga duguang nakalumpasay sa kalsada.

I Can See You, My Love Where stories live. Discover now