Chapter 12

55 59 0
                                    

I CAN SEE YOU, MY LOVE 12

TIMOTHY

Natapos ang araw doon sa flower farm na puro kwentuhan at tawanan ang mga nangyari bukod pa dun masayang masaya ako dahil sa wakas nasabi na ni Maya ang tunay niyang nararamdaman. Parang hindi namin inaalala ang pwedeng mangyari sa kinabukasan ang mas mahalaga lang sa amin nung mga oras na iyon ay ang nararamdaman namin para sa isa't isa.

And from that day my love for Maya become unmeasurable.

Nakatayo ako sa labas ng abandunadong playground habang pinagmamasdan ko ang babaeng minamahal ko. Whenever i looked at her there's a part of me feel so much happiness and at the same time pain.

Bago ako pumasok ng tuluyan ay inayos ko muna ang suot kong puting long sleeve.

"Okay na ba 'tong suot?" Bulong ko habang inaayos ko ang kwelyo at laylayan ng suot kong long sleeve.

Tinulungan lang naman ako ni Theo na pumili ng susuotin. Napagsabihan pa ako ng nakababata kong kapatid na hindi ko daw kailangan ng magagandang suot ang mahalaga daw ay ang presensya ko sa taong mahal ko at tama naman siya dun.

Maya is a simple girl kahit pa nung bata siya kaya noong nagkakilala kami dito sa playground na ito siya agad ang una kong napansin at nangako agad akong poprotektahan siya sa mga ibang batang nang aaway sa kanya kaso lang hindi ko natupad ang pangakong iyon at mas naiinis pa ako sa sarili ko dahil nakalimutan ko siya hanggang sa paglaki ko.

Inamoy amoy ko ang dala kong bouquet white tulips well its her favorite after all. Binili ko 'to bago ako pumunta dito sa abandunadong playground. Agad kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang dahan dahan akong naglalakad papasok sa playground parang gusto kumawala ng puso ko at mas lalo itong bumilis sa sandaling makita ko si Maya sa suot-suot niyang puting dress. Alam ko hindi na bago ito sa paningin ko pero parang iba ngayon dahil hindi ko din maiwasan na isipin na para siyang kumikinang.

Hey calm down Timothy! Its not your first time seeing her!

Hinagod hagod ko na ang dibdib ko para lang mapakalma ang pagtibok ng puso ko at nakailang ulit na rin akong napabuga ng hangin. Itinabi ko na muna ang bulaklak na hawak ko doon sa tabi ng sirang slide.

Hindi ata namalayan ni Maya ang pagpasok ko dahil kinakausap niya ang mga tumubong bulaklak na tinanim namin noon "ang gaganda at ang lalago niyo na!"

Agad naman itong napalingon sa direksyon ko ng maramdaman niya ang presensya ko at isang napaka gandang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha.

Why so beautiful? Is she goddess?

"Aba bakit ka nakaputi din?" May panunukso niyang saad.

"Para mas bagay tayo," bahagya akong napangiti, "ano pogi ba?"

She stepped closely to me and placed her hand on my neck to fix my clothes.

"hm.. pwede na rin." She said while smiling at me.

"Pogi diba?" Hindi pa rin ako tumigil na marinig sa kanya ang sagot na oo sa tanong ko.

She chuckled. "oo na, ang pogi mo Timothy."

Mas lalong lumawak ang ngiti ko napatingala pa ako dahil ayaw tumigil sa pagngiti ang labi ko, napabuga muna ako ng hangin bago muli siyang binalingan ng tingin.

I Can See You, My Love Where stories live. Discover now