Chapter 4

71 70 1
                                    

I CAN SEE YOU, MY LOVE 4

TIMOTHY

Maaga pa lang ay hindi na ako mapakali sa damit na susuotin ko, hindi ko alam pero wala naman akong pake dati kung ano ang susuotin sa tuwing may nilalabas akong babae siguro dahil hindi ko naman siniseryoso ang mga yun. Basta ang alam ko ay gusto kong maimpress si Maya at makita niya kung gaano ako kapogi sa kung ano man ang susuotin ko. Kalkal lang ako ng kalkal sa closet ko, mababaliw na ata ako dahil wala akong matipuhan na damit. Habang nag hahanap ako ng susuotin ay biglang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto.

"Bukas yan." Walang gana kong sambit.

Alam kong hindi si dad yun dahil when it comes to me hindi siya kumakatok sa kwarto ko kundi diretso pasok agad at sermonan ako.

Agad na bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Theo ang bunso kong kapatid.

"Kuya may itatano-" bigla siyang natigilan ng makita ang gulo gulo kong kwarto.

"Bakit ang gulo gulo ng closet mo, kuya?" Naguguluhan niyang tanong.

I sighed before answering him.

"I'm going somewhere with someone and i want to impress her by choosing what the best clothes will suit to me." ani ko habang nakangiti.

Bahagyang tumawa si Theo at lumapit sa closet ko. Dinampot niya ang mga nagkalat na damit at inayos iyon. Ako naman itong takang pinapanood siya sa ginagawa niya.

"Mukhang seryoso ka ata kuya." May panunukso sa pananalita niya kaya medyo natawa ako.

"I don't know either. I'm not like this before, all i know is i have to impress that girl." Aniko habang nakatingin sa ceiling ng aking kwarto at nang matapos si Theo ay muli itong nag salita.

"Kuya Tim, hindi mo naman kailangan magsuot ng magandang damit kahit naman simple lang ang suot mo panigurado ako maiimpres na ang babaeng tinutukoy mo." Aniya at bahagya akong tinapik sa balikat. Pagkatapos ayusin ni Theo ang mga damit ko ay nagtungo na ito palabas.

"Theo, kanina may itatanong ka ata?"

Huminto siya saglit "Wala iyon, kuya. It just..you seemed very happy than usual. Enjoy your date." Sambit niya ng hindi man lang lumilingon bago tuluyang isinara ang pinto ng aking kwarto.

Finally! Nakahanap na din ako sa wakas ng susuotin ako. Halos naubos ang oras ko para lang makahanap ng maayos na susuotin at saktong alas kwatro na ng hapon kaya naligo at nag ayos na ako dahil ang plano namin ni Maya ay mga alas singko kami aalis.

Nang matapos ako ay dumiretso na ako sa tagpuan namin ni Maya sa abandunadong playground. Kitang kita ko kaagad siyang nakaupo sa may isang duyan, nakangiting pinasadahan ko naman siya ng tingin.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko na hawak hawak niya pa rin ang bulaklak na ibinigay ko sa kanya.

Talaga bang gustong gusto niya yun? To the point na ayaw niya ng bitawan?

Kung iyon ba ang trip niya wala na akong magagawa. As long as nakikita kong masaya siya sa binigay ko.

"Maya!" Tawag ko habang nakangiting kumakaway.

Agad naman siyang lumingon sakin at isang magandang ngiti ang natanggap ko. Habang papalapit siya sakin ay sumabay naman ang pagihip ng hangin dahilan ng paghawi ng kanyang buhok.

God she's so beautiful.

Narealize ko bigla na naka dress siya kaya magkasalubong ang kilay kong tumingin sa kanya.

I Can See You, My Love Where stories live. Discover now