Ikaw

58 11 0
                                    

CHRISTINE POV:

Ano bang gusto ko bukod sa "ikaw"?
Naaalala ko nung unang beses kitang makita, may kung ano sa aking pakiramdam. Bawat ngiti mo na nakikita ng aking mata, tila para akong nabubusog sa tuwa. Iniabot mo ang iyong kamay nung mga oras na yun. Ngunit ako'y tumanggi sapagkat labis akong nahiya sa biglaan mong paraan. Akala ko'y yun na ang una't huli, ngunit sa paglipas ng ilang araw, ngiti mo'y muli kong nasilayan. at ang laging nasasabi ko ay...

'Haayy... ang sarap mabuhay.,'

Dumating ang araw na nakita kitang muli, Para bang itinadhana na magkita tayo sa perpektong lugar na 'yun. Nung una'y nagpanggap akong hindi sabik, Ngunit sa loob loob ko'y 'Salamat Lord, dahil nakita ko siya ulit!' Tadhana na nga ba ang tawag dito? Pakiramdam ko'y ito na ang tatama sa bawat mali at sakit na narasanan sa nakaraan. Para akong nahihibang.

Nagtuloy tuloy ang magandang istorya kasama ka, Bawat patak ng oras na parang kay bilis kapag nasa tabi kita. Palaging humihiling na sana'y lumawig pa ang mga oras Ngunit realidad ay parang hadlang.

Natakot ako sapagkat pagkatapos ng ilang buwan, ngayon ko nalang muli 'to naramdaman. Natakot akong muli na magpaka tanga kagaya ng ginawa ko sa nakaraan. Natakot akong magbigay ng pagmamahal sa isang taong hindi naman ito kayang suklian. Pero, ang pasaway kong puso ay hindi ko napigilan dahil heto na naman ako nag aastang temang.

Gustong gusto kita, kung alam mo lang... Nahuhulog na ako sa'yo..nahuhulog sa isang taong alam kong hindi kayang ibigay kahit oras man lang.. at ang sabi mo sa akin nung isang araw, magkaibigan tayo, kaibigan mo ako at mahal mo ako.... Umasa ang baliw na puso ko, na misinterpret ang salitang binitawan mo.

Kwestyunable ang utak ko, sobrang bigat ng puso ko.
Palagi nalang may tanong sa isipan ko, kaya naman nasabi ko sa sarili ko..

'Ay eto na naman, aasa kana naman, paulit ulit na lang..'

Bigla ko nalang nakita isang araw, mga larawan ko sayo'y napalitan na ng ibang mukha. Ni wala kang sinabi, ipinaalam o ipinaliwanag man lang. Bakit ka nga naman magpapaliwanag sa bagay na yan,? kung tayo nga mismo eh walang kasiguraduhan. Kailangan ko pa bang tanungin ka? Malamang hindi na. Lumayo ako hindi dahil natatakot akong masaktan sa paulit ulit na rason. Lumayo ako dahil gusto ko ng umiwas sa'yo!

Pero, kapag nag iisa, balik na naman sa kakulitan ang buo kong sestima, palaging tanong ng isipan ay...

Ano bang gusto ko bukod sa "ikaw"?

Gusto ko.. Gusto ko lang naman maging masaya. Oo, naging masaya sa pamamalagi mo sa buhay ko. Pero gusto ko naman sumaya ng hindi lang ikaw ang dahilan. Gusto kong sumaya ng hindi dumedepende sa isang tao. Dahil ayokong dumating sa puntong kapag nawala ka, hindi ko narin alam kung paano pa ba ang maging masaya.

At higit sa lahat, ayokong gawing "mundo", ang dapat eh isang "tao" lang.

"Hoy! Anuna namang drama yan?"

Napapiksi ako't napakurap kurap ng aking mga mata ng isang pagtapik saking pisngi ang nagpabalik saking kamalayan sa kasaluluyan.

"Weng?"

"Oh! bakit? Nakakagulat bang hilatsa ng aking pagmumukha?"

Malapad syang ngumiti sakin na nag paawang ng aking labi. Napalunok ako't di kaagad nakasagot sa kanya, kaya umandar na naman ang pagka alaskador nya.

"Oh laway mo, punasan mo't natulo na!" Saka ito tumawa na ikinahiya ko namang bigla. "Gwapong gwapo ka sakin nuh! Halatang halata na patay na patay ka talaga sa kamachohan ko! hahaha."

"Hoy! indi ah! Kapal ng mukha mo! Hindi kita type nuh!" Sabay irap ko sa kanya. "Saka wala ka namang abs kaya wag magyabang baka tangayin ka ng hangin dahil sa katawan mong patpatin!"

Tears in Heaven ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon