"The words I cannot say."
Mabilis kong tinakpan ang sulat na katatapos ko lang basahin ng marinig ang boses ni Jingjing na nasa aking likuran, kasama nito si Charity, isapa naming friend.
"Oy! girl may secret admirer ka?"
"Talaga! kilala mo ba Jing?" Sabik na tanong ni Charity. Nagchichismisan na naman sila na para bang hindi nila ako kasama.
"Hindi!"
"Eh ba't mo nasabing may secret admirer sya? Bakit kilala mo na ba?"
"Hindi! Kaya nga secret diba? Kasi, diko pa sya kilala?"
Saka ito sumiksik sa'kin at pilit tinatanggal ang kamay kong nakatakip sa papel.
"These are the words I cannot say, But they come from the heart. Despite all the arguments, I've liked you from the start."
Napapikit na lang ako ng mabasa na nito ang unang stanza ng sinusulat kong liham para sa crush ko.
"Bah! swabeng swabe ang banat ah! At english pa!" Napapalatak naman si Charity.
"I like the way your mind works, The way you're so unique. And when I am at my darkest hour, I long to hear you speak." Sabay pa talaga silang nagbasa ng tuluyang maalis ang kamay kong nakatakip sa papel.
"Gusto ko ang paraan ng paglalakad mo, The way you slightly smile. At kapag lumalapit ka sa akin, You cause my heart to go wild. Gusto ko ang mga paraan na naiiba ka, I like those mysterious eyes. Actually gusto ko lahat, Even what's inside."
Nakisiksik na rin si Crarity, at ako na napagitnaan nung dalawa ay hirap ng huminga.
"Anuba!! Iusod nyu nga yang mga dibdib nyu, ang sikip eh! Wala na nga akong ganyan, pinangangalandakan nyo pa talaga sakin!"
Sabay tulak ko sa dalawa. Na kaagad ko namang pinagsisihan ng makita kong hawak na nila ang papel na magdudulot ng sobrang kahihiyan sa'kin. Iwinagayway pa ng mga bruhilda sa'king harapan ang sulat.
"I long for you to hold me, To feel your lips on mine. I know it isn't work yet, We need a little more time. Ngunit ito ang lahat ng mga bagay, I guess hindi ko pa masasabi. Like how I somehow manage, Para isipin ka buong araw. Oo natatakot akong masaktan mo ako, Just break me and leave. Ayokong mag-alala, I don't want to be deceived."
Kaylapad ng mga ngiti nila habang nagbabasa, kabaliktaran naman ng saya nila ang aking nararamdaman ng mga oras na yun.
"How all this can work, I'll guess we'll never know. But don't turn your back on me yet, I'm not quite ready for you to go. I'm sorry for writing this, Pero ito lang ang kaya kong gawin. Ito ang tanging paraan para sa akin. To say I love you. Sapagkat ito ang mga salita, Hindi ko lang masabi. But things will be different, One day..."
Sabay pa silang napatingin sa'kin matapos nilang basahin ang sulat.
"Alam ko na kung kanino yang sulat, pero hindi na'ko magtatanong pa! Kasi, naiintindihan kita! Friends tayo eh! Through thick and thin we stick together, diba Charity?"
Sabi ni Jingjing, bago inabot ang sulat pabalik sa'kin.
"Oo naman! Tayo paba? Sanggang dikit nga tayong tatlo eh!" Mula sa'kin bumaling ang tingin ni Charity kay Jingjing. "At dahil close tayo! May tanong ako sa'yo. Hmm.. nag date ka kahapon nuh?"
"Hindi ah!"
"Nakita ka namin sa plaza, kasama mo si Ronald."
Naging balisa bigla si Jingjing. "Ah! yun ba? Nagkasalubong lang kami, inaya nya kong mag meryenda, yun lang naman, hindi kami nag date."
BINABASA MO ANG
Tears in Heaven ✔💯
RomancePaano kung isang araw makita mo ang taong mahal na mahal mo ng sobra na nakahiga sa sahig, walang malay, hindi humihinga, hindi tumitibok ang puso... at patay na? Paano kung isang araw bigla na lang siyang maaksidente, masaksak at mamatay ng biglaan...